"Ang sama mo talaga sa 'kin, Yakie!" Aniya habang dinuduro ako.
Pinanlakihan pa 'ko ng mata. Hindi naman ako natatakot sa itsura niya, natatawa pa nga ako. Mukha siyang tarsier.
"Ang hangin mo pala 'no?" Sarcastic na sabi ni Kenji na ngayon ay lumalantak na ng cookies, saan nananaman niya nakuha 'yon?
"So, I guess pwede pa 'kong makisalo sa inyo." Biglang may nagsalita sa likod ko pero alam ko naman kung kanino 'yon.
"Bakit nandito ka?" Tanong ko kay Asher, may dala siyang tray na may lamang pagkain.
"Kakain. I'm too lazy to walk into the room, can I sit next to you?" Nakangiting sabi niya.
"Oo naman." Umusog ako ng kaunti dahil may space pa naman para pag-upuan niya.
Wala na kasing bakanteng lamesa o pwesto na pwedeng pagkainan, halos lahat ng estudyante ay hindi na kumakain pero nakaupo pa rin sila sa mga upuan kaya wala pang available na pwesto.
"Hoy, gago, wala pa pala tayong naoorder." Sabi ni Vance sabay sapok kay Xavier.
Agad namang napahawak sa ulo si Xavier tsaka kinamot ang parte kung saan siya sinapok ni Vance. Kanina pa nagbabatukan ang dalawang 'to, hindi pa ba nakakalog ang mga utak nila?
"Akala ko ba may nag-order na kanina?" Tanong ni Trina.
"Wala namang tumayo, tsaka wala namang lalapit na waiter sa 'tin 'no!" Sabi naman ni Eiya.
Wala akong alam sa sinasabi nila dahil nga lutang ako mula kanina pa. Malay ko bang nagkayayaan na silang bumili ng pagkain.
"Tara, tara! Patapos na yung time hindi pa tayo kumakain, baka magcollapse na lang tayo bigla mamaya." Pang-aaya ni Vance.
"Vance, libre mo na lang ako." Sabi ko tsaka ngumiti ng matamis sa kaniya, pinagkrus ko ang dalawang daliri ko na nasa ibaba ng lamesa.
Pumayag ka, pumayag ka!
"Ayoko nga!"
Sabi ko nga.
"Minsan lang ako magpalibre sayo! Tsaka isang beses pa lang ako nagpalibre sayo." Ngumuso pa 'ko.
Sa totoo lang, wala talaga akong pera ngayon dahil naiwan ko yung wallet ko sa study table ko kanina sa bahay, binilang ko kasi yung mga tigpipiso ko tapos nang tawagin ako ni mommy para mag-almusal, naipatong ko ro'n, nakaligtaan ko tuloy!
"Bili ka na lang, bleh!" Aniya tsaka tumakbo papunta sa counter, binelatan pa 'ko.
Marahas kong kinagat ang pang-ibabang labi ko habang sinasamaan siya ng tingin. Pinaningkitan ko pa siya ng mata, sa isip ko ay ilang beses ko na siyang hinahampas.
Tumayo na rin yung iba, pero sina Eiya, Shikainah at Asher ay naiwan dito sa lamesa kasama ko. Anong gagawin ko rito? Tutunganga?
Mali talaga yung ideya ko na ibigay kanina kay Kenji ang bag ko eh. Naubos tuloy yung mga pagkain ko sa bag, isang pirasong biscuit lang ang tinira niya sa 'kin tsaka yung dalawang malilit na chuckie.
'Yon na lang sana ang kakainin ko ng may maglapag ng pagkain sa harap ko. Uy, blessing, hulog na ba 'to ng langit?
Tumingala ako at isang tao ang nakita ko. Walang emosyon ang mukha niya pero ang kasingkitan ng mata ay kita ko pa rin.
"Eat." Sabi niya tsaka naglapag ulit ng bottled juice. "Ubusin mo 'yan." Dagdag niya pa tsaka naglakad paalis.
A-anong eksena 'yon?
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
Teen FictionPitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
CHAPTER 107
Start from the beginning
