"Anong mental pinagsasabi niyo d'yan?" Iritableng sabi ko sa kanila bago higitin ang mga braso ko.

"Tigilan niyo nga siya." Sita ni Shikainah tsaka binato ang table napkin sa dalawa.

"Gusto lang naming mapabuti ang lagay niya, baka nababaliw na siya." Nakisali pa talaga si Trina sa kanila.

"Hindi ako nababaliw, mga siraulo!" Ganti ko sa kanila.

Sabay-sabay naman silang natawa dahil sa sinabi ko. Pinagtaasan ko sila ng isang kilay. Hindi naman talaga ako baliw, bakit tumatawag ang mga hudlong na 'to?

"Pero kanina tinatakpan 'yong tenga niya habang pumipikit." Parinig ni Eiya.

Naalala ko 'yung ginawa ko kanina. Siya ang may kasalanan no'n eh, kung ano-ano kasi ang sinasabi kaya hindi tuloy maalis sa utak ko. Nakatatak.

"Anyare ba sayo? May naririnig ka na bang boses ng kaluluwa?" Tanong ni Alzhane.

"Hala, ate! Baka nakapagtawag ka na ng mga bad spirits!" Natatakot na sabi naman ni Hanna, tumingin pa siya sa paligid habang ang mga mata ay puno ng takot.

"Walang bad spirits, ghosted meron..." Parinig ko rin kay Eiya.

"Sinong naghost?" Tanong ni Vance. Ngumisi lang ako kay Eiya. "Ayan, sige love life pa. Hindi na kayo nagpapansinan 'no? Bagay! Ang sakit kaya maghost." Dagdag niya pa.

Nang lingunin ko si Eiya ay nakasimangot na siya habang masama ang tingin sa 'kin. Tinawanan lang namin siya.

Paano ba naman kasi, pagkatapos naming magpunta sa amusement park ay hindi na sila nagpansinan ni Elijah, nung una kinakausap siya ni Eiya pero hindi naman siya sinasagot nung lalaking supladong pinaglihi sa bitter gourd, lagi kasing mapait ang mukha niya.

Ang sabi ni Trina, ghosted daw siya. Naki-oo na lang ako kahit hindi ko alam kung anong ibig sabihin no'n. Minulto gano'n?

"Ghinost ka ba ni T—!" Hindi na natuloy ni Xavier ang sinasabi niya nang takpan ni Vance ang bibig niya tsaka siya binatukan nito.

"Shut up, 'dre!" Aniya sa nananaway na tono.

Mukhang may sikreto ang dalawang 'to dahil iba ngayon ang titigan nilang dalawa. Si Shikainah naman ay tumatawa lang habang nakatingin sa dalawa.

Dahil nga hindi raw 'bati' sina Shikainah tsaka nung mga kaibigan niya, sinama na lang namin siya dahil gusto rin namin siyang maging kaibigan.

Hindi naman namin siya inaagaw sa mga kaibigan niyang ewan ko kung anong klaseng kaibigan sila dahil sa ginawa nila kay Shikainah. Sabuyan pa raw ng tubig na mapanghe. May kutob akong ihi ng kalabaw 'yon.

Binitawan ni Vance ang bibig ni Xavier nang tumango ito, parang sumusunod na sa sinasabi ng mata ni Vance.

"Ayahaaay! T as in Tipa... Tipaklong" Sambit niya nang samaan siya ng tingin ni Vance.

Tipa? Bakit tipaklong? Nagmumulto ba ang tipaklong?

"Ghinost ka ng tipaklong? Really?" Sarkastikong tanong ni Trina.

"Oo! M-may alaga kaya akong tipaklong tapos namatay kaya ayon minulto ako. Ang gwapo ko raw kasi." Pagmamayabang ni Vance.

"Sinong may sabi?" Inosenteng tanong ni Hanna.

"Yung mama ko, sabi niya 'ang gwapo talaga ng anak ko.' Hindi siya nagsisinungaling!" Sagot ni Vance tsaka nagpogi sign.

"Syempre nanay mo 'yun, siguradong binibiro ka lang no'n." Sabi ko tsaka tumawa.

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionWhere stories live. Discover now