"Yakie, may pagkain ka ba?" Tanong ni Kenji ng maupo ako sa tabi niya.
Tabing bintana naman 'yon kaya masarap umupo ro'n dahil sa malamig na pagaspas ng hangin. Preskong-presko, nakakapagod pa namang magtulak ng bisekleta.
"Sa bag, 'wag mong ubusin ha!" Paalala ko sa kaniya bago ko hubarin ang bag ko tsaka binato sa mukha niya.
Hindi naman mawawalan ng pagkain 'tong bag ko, mas marami pa yung space ng mga pagkain kaysa sa mga notebooks kong walang sulat at lukot na. Ngayon lang nagkaganito ang bag ko, ah.
Humila ng bangko si Eiya para makaupo sa tabi ko. Kung tatanungin ko ba siya ngayon, maganda na at maayos na kaya ang isasagot niya?
Sana lang matino na ang isasagot niya sa itatanong ko, ayaw ko ng marinig ulit yung mahabang paliwanag niya na galing niya sa libro ko sa internet.
"Eiya..." Bulong ko sa kaniya, hinilapit ko na lang ang mukha ko sa tenga niya.
Luminga-linga ako sa paligid, buti na lang at may kaniya-kaniya silang ginagawa, hindi naman siguro nila maririnig ang sasabihin ko.
"Bakit?" Bulong niya rin sa akin.
Alam na alam niya kasi kapag bumubulong ako, ibig sabihin no'n ay seryoso ang sasabihin ko kaya bumubulong din siya para hindi marinig ng iba.
"Yung tinatong ko sayo dati... naalala mo pa ba?" Tanong ko bago kuhinan ang bag ko tsaka nilibas ang chuckie.
Pwede na 'tong pampalipas ng gutom.
"Alin? Marami ka ng naitanong sa 'kin." Sagot niya.
"Kung nasa kotse tayo ninyo. Yung tungkol sa crush-crush."
Sandali pa muna siyang nag-isip, tumingala siya sa kisame na animoy inaalala yung tinanong ko sa kaniya. Tumingin ulit siya sa 'kin, mukhang nangawit ang leeg.
"Oo, yung ano ang kaibahan ng gusto sa crush?" Tanong niya, tumango naman ako. "Bakit? Anong tungkol do'n?"
"May crush kasi ako, ano bang dapat ga—!"
"WHAAAAT?!" Exaggerated na tanong niya, ang lakas nga ng boses niya.
Nanlalaki ang butas ng ilong niya habang pinaningkitan ako ng mata. Ngumiwi naman ako dahil sa reaksyon niyang 'yon. Parang nakapatay naman ako kung tingnan niya ako ah.
Hinila ko ang tenga niya. "‘Wag kang maingay." Sabi ko sa kaniya.
Buti na lang at hindi na kami pinansin ng iba. Nakahinga ako ng maluwang nang makitang wala silang pakealam sa pagsigaw ni Eiya.
"Sino yung... yung crush mo?" Aniya.
Nginuso ko na lang si Lucas na ngayon ay tahimik nagbabasa ng libro sa upuan niya. Ang gwapo niya ngayon sa buhok niya! Lagi naman.
"Si L-lucas?" Kumukurap-kurap na tanong niya na para bang hindi makapaniwala sa sinabi ko. "Si L-lucas ang g-gusto mo?"
Umiling muna ako. "Ah... ano k-kasi-!"
"Gusto mo siya."
Teka, sino 'yon?
Kinabahan ako ng matindi ng makarinig ako ng boses mula sa likuran ko. Boses ng lalaki! Lumingon ako sa kaniya at sinamaan siya ng tingin.
"H-hindi ko naman s-siya gusto!" Depensa ko tsaka ngumuso.
Ang sabi nila, magkaiba 'yung crush sa like. Crush ko lang naman si Lucas, hindi pa naman gusto. Anong problema nito?
"Gusto mo siya. Don't deny it. Halata ka." Nakangising sabi ni Kayden.
Bakit ba hindi ko napansin ang lalaking 'to? Nakaupo nga pala siya malapit dito sa pwesto ni Kenji. Ang lapit lang namin sa kaniya, sigurado akong narinig niya ang sinabi ko.
Nang makarecover ay bigla na lang tumili si Eiya tsaka ako kinurot sa tagilira.
"Sa wakas nagkacrush ka rin!" Aniya tsaka hinawakan ang magkabilang pingi niya.
"Hoy! Tumahimik ka muna, baka may makarinig." Sabi ko sa kaniya kahit pa narinig naman ni Kayden ang pinag-uusapan namin.
"LUC—!" Tinakpan ko ang bunganga niya ng muntik niya nang maisigaw ang pangalan ni Ano.
"Kayden..." Tawag ko sa lalaking nasa likod namin, seryoso niya lang pinapanood ang mga ginagawa namin ni Eiya.
Pinagtaasan niya ako ng isa kilay. Gawain niya iyan. Kapag ginagawa niya 'yan ay para siyang babaeng nagtataray. Ang kapal pa naman ng kilay niya.
Ang sarap ahitin.
"Why?" Tanong niya tsaka nagcross arm.
"‘Wag mong sasabihin kay... alam mo na, yung narinig mo ha." Pakiusap ko sa kaniya.
"Hmmmm... h-hmmm, mmm!" 'Yan lang ang naririnig kong sinasabi ni Eiya dahil nakatakip pa rin ang bunganga niya, pilit niyang inaalis ang kamay ko pero hinigpitan ko pa 'yon.
Sa daldal niyang 'to, imposibleng hindi niya isigaw ngayon ang sinabi ko. Nakakatakot ng magsabi sa kaniya, bigla-bigla na lang nagiging speaker ang bunganga niya.
Tapos loud speaker pa, high volume.
"Don't command me. But you also can't trust me not to get to him what I heard." Sagot niya tsaka ngumisi
Chismoso kasi!
"Secret lang natin 'yun!" Sabi ko sa kaniya.
"Okay.'" Sagot niya bago tumutok ulit sa cellphone niya.
Yun na 'yon?
Tinampal ni Eiya ang noo ko kaya naman binitawan ko siya. Nakakadiri naman 'to, pinuno niya ng laway ang kamay ko. Pinunas ko 'yon sa uniform niya, sa kaniya naman bacteria 'yon.
"Ang sakit no'n ah." Aniya habang hinihimas ang panga niya.
Natawa naman ako dahil namumula ang pisngi niya dahil sa higpit ng pagkakatakip ko sa bibig niya. Para tuloy siyang sinampal.
"Ang ingay mo kasi." Natatawang sabi ko.
"So... ano na ang gagawin mo niyan?" Tanong niya tsaka inilapit ang mukha sa mukha ko.
Ngumiwi ako tsaka inilagay ang palad ko sa noo niya para ilayo ang mukha niyang maputi. Mukha siyang babaeng espasol.
Pinanliligo mo ba ang pulbo niyo?
"Anong gagawin ko?" Balik na tanong ko sa kaniya, hindi ko nga alam kung anong sinasabi niya. "Wala. Wala akong gagawin." Sagot ko bago nag-iwas ng tingin sakto namang lumapat 'yon kay Lucas na ngayon ay kunot ang noo na tinitignan ako!
Ako nga ba ang tinitignan niya? Baka nag-fe-feeling lang ako rito.
"Hello?! Kahit crush mo pa lang siya, dapat may gagawin ka na, baka maunahan ka pa ng iba."
"Nahihiya kasi ako!"
"Meron ka no'n?" Sabat ni Kenji.
Nakikinig din pala 'tong hapon na 'to, kinuha niya 'yong dalawang balot ng chitchirya ko tapos ngayon ubos na agad? Ano bang klase ng ngipin ang meron 'tong matsing na 'to?
"Required pa bang may gagawin kapag crush mo ang isang tao?" Tanong ko.
Wala kasi akong idea sa kung anong gagawin kasi nga ngayon lang ako nagkagusto buong buhay ko!
"Ang gawin mo... umamin ka sa kaniya habang maaga pa.
Eh?
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
Teen FictionPitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
CHAPTER 106
Start from the beginning
