"Tangina... ilan na lang ba kayong inosente rito?"

"Cookie, tapos yung may mani."

Iyan ang barumbadong pinagsasabi ng mga hudlong. Nag-appear-an pa sila tsaka humalakhak. May kung anong naiisip ang mga 'to kaya sila ganito kung umasta.

"Hoy! Baka kung anong iniisip niyo d'yan, may bata rito." Sita ko sa kanila.

"Anak kayo ng pating, huwag na huwag kayong magsasabi ng 'ano' na word ah!" Panenermon ni Eiya.

"Cookie... yung tinapay." Paliwanag ni Kenji.

"Tinapay naman pala! Anong iniisip mo d'yan." Natatawang sabi ni Maurence tsaka binatukan si Timber.

"Ikaw kaya ang nag-iisip ng kung ano d'yan!" Ganti naman nung isa.

"Last na... si Kayden. So, Kayden... kung mahal mo ang isang tao...?" Nanghahamong sabi ni Adriel.

Pinagtaasan naman ng isang kilay ni Kayden si Adriel. Mas sumeryoso tuloy ang mukha niya ngayon.

"If you love someone, love her with all your soul. Accept all their flaws. At higit sa lahat, kung mahal mo ang isang tao, palayain mo siya kung hindi na siya masaya." Halos pabulong na lang niyang sinabi ang huling pangungusap na iyon.

Ang kaninang serysong mukha niya parang biglang lumungkot. Para may kung anong naidulot sa sistema niya iyong mga sinabi niya. Parang may pinaghuhugutan.

Natahimik kaming lahat dahil do'n, natagil kami sa mga pagtawa namin pati yata ang paghinga namin ay napigilan na namin.

Para bang natatakot kaming gumalaw kasi kapag may ginawa kaming hakbang ay bigla na lang sasabog ang isang bulkan, at si Kayden 'yon.

Ngayon lang kita nakitang ganiyan...

Pagkauwi ko sa bahay ay agad akong nahiga sa kama ko. Maaga pa naman para sa hapunan kaya naman pwede pa muna akong magpahinga.

Gusto ko munang ipahinga ang utak ko sa pag-iisip ng mga nangyari kanina... lalo na 'yung sinabi ni Lucas! Ang lakas ng epekto no'n sa utak ko!

"Bakit ba kasi kailangan pang umamin? Hindi ba pwedeng quiet na lang muna?" Tanong ko sa sarili ko habang nakatingin sa kisame.

Ang cute nung butiki.

Kasi naman! Ginugulo ako ng isip ko ngayong araw na 'to! Sabi niya, umamin na 'ko kasi wala namang mawawala kung gagawin ko 'yon!

Nahihiya kasi ako, ngayon pa lang ako nagkacrush 'no. Crush pa lang naman 'yon, hindi pa naman gusto. Ayos lang naman siguro kung sa 'kin na lang muna 'to.

Lucas naman kasi... sapakin na lang kaya kita para wala ng problema?

Haaaay! Buhaaay!

"Ang aga-aga nakabusangot ka." Bungad sa akin ni Eiya ng makapasok ako sa room.

Sinong hindi mabubungot kung ikaw ba naman ang hindi tirhan ng ulam ng mama mo, parang hindi anak. Pinakain niya raw yung tirang ulam sa pusang gala kagabi. Kaya hindi ako nakakain, grrr!

Tapos kaninang almusal, ginawan niya ako ng pancakes pero walang lasa. Isama mo pa yung tumawag yung kakambal ko tapos sabi niya malapit na raw siyang umuwi rito, masaya dapat ako eh, pero naiisip ko pa lang na araw-araw niya akong bubwisitin, ang sarap niya nang ibalibag.

Nasira pa yung bike ko! Kamaaaalaaasan! Sa kalagitnaan ng pagpedal ko, biglang nasira yung kadena tapos nabutas pa yung gulong, hindi naman ako marunong gumawa ng gano'n kaya naman nagtulak ako mula sa Austria Avenue hanggang dito sa Brently Austria University.

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionWhere stories live. Discover now