Kung pagmamahal sa pagkain, marami akong pwedeng isagot, gaya nung 'kung mahal mo, kainin mo.' Yung pagkain ang tinutukoy ko.

Hindi pa naman ako nagmahal ng tao na kagaya nung pagmamahal ni Shikainah kay Xavier. Nagkagusto lang ako at nagkacrush pero yung pakiramdam ng love? Hindi pa. Hindi ko pa nararansang magmahal.

Bahala na nga! Mahalaga matapos na 'to, atleast may sagot ako sa kanila.

"Kung mahal mo..." Panimula ko. Hindi ko na nga alam ang kasunod. "Kung mahal mo... mahalin mo lang, huwag mong sasaktan." Sagot ko.

Iyon na lang ang lumabas sa bibig ko. 'Yon naman talaga ang dapat ma gawin 'di ba? Dapat kapag mahal mo ang tao, hindi mo hahayaan na masaktan.

But pain is inevitable when you are in a relationship. Jealousy is what you feel when you love someone, it’s inevitable and it’s painful to feel.

But you must remember that when you love someone, you should not do something that will hurt him/her. Gaya ng sabi ko, mahalin mo lang siya.

Ang lalim 'no? Nabasa ko lang kasi 'yan sa librong naiwan ni Eiya sa bahay. Pocket book kasi 'yon tsaka tungkol 'yon sa pagmamahal. Kaya siguro malala na si Eiya pagdating sa mga gano'n kasi puro siya basa ng basa ng mga pocket books.

"Woooah!"

"Deeep!"

"Sa'n mo naman nakuha 'yan?"

"Inlove ka siguro 'no?"

"Akala ko ba crush mo pa lang?"

"Wow naman, daming alam, wala namang jowa."

"Manahimik! Nabasa ko lang naman 'yon, 'wag kayong ano riyan!" Inis na sabi ko sa kanila.

Ang dami pa nilang sinabi, inaasar pa nila ako. Pinagtawanan pa talaga nila ako. Kapag ako nakaganti sa inyo! Sakalin ko ang dila niyo eh!

Kaasar naman.

"Ang tagal mo naman, Mav!" Sabi ni Elijah. "Akin na nga, ako na ang bubunot."

Kumuha ako ng tubig dahil parang nanunuyo ang lalamunan ko kakasalita at kakatawa. Buti na lang pala at may malamig na tubig pang natira, nasimot yung pagkain kanina pero yung tubig, isang galon pa.

"Kenji... your turn."

Umaktong nag-iisip ang batang hapon, pustahan... hindi matino ang sagot niya. Sa postura pa lang niya halatang kalokohan na ang naiisip niya.

"Kung mahal mo, kainin mo ang cookie niya!"

Putcha!

Naibuga ko na lang ang iniinom kong tubig dahil sa sinabi niya. King ina, sabi na eh! Wala talaga siyang matinong maisasagot, at ano raw ang sabi niya?

K-kakainin ang alin?

*Ubo* *Ubo* *Ubo* *Ubo*

Yung ibang tubig na iniinom ko kanina, napunta sa ilong ko! Ang sakit no'n ah, sino ba naman kasing hindi maiismid dahil sa sinabi niya?

"Yowwwn! Nice answer!" Sabi nila habang pinagtatawanan si Kenji.

Ang batang hapon naman ay inosenteng nakatingin sa kanila. Nakakunot ang noo niya na para bang walang alam sa naiisip ng iba.

"Kakainin amputcha!"

"Dre, kainin mo raw!"

"Masarap 'yon."

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon