"May jowa ka ba?"

"Ikaw ba si Atty. Jose?"

'Yan ang mga narinig kong kantyawan ng mga hudlong, may hawak pa silang plastic bottle at pinaghahampas sa ulo ni Alexis habang tumatawa. Gumanti naman yung isa gamit ang mahigang camera niya, ipopost niya raw niya sa facebook.

"Hep! Hep! Hep!" Sigaw ni Mavi tsaka bumunot ulit.

"Hooray!" Sagot naman ni Kenji.

"Ang maswerteng makakakuha ng house and lot sa may malapit sa ilog ay si... Jharylle 'da chickboy."

"Hindi ako chickboy!" Depensa ni Jharylle.

"Ah hindi?" Sarkastikong tanong ni Alzhane. "Nung isang araw nakita kita, kasama mo yung pandak na mahaba ang buhok tapos kahapon nakita kita kasama mo naman yung matangkad na mabalbon." Panlalaglag niya.

"Huwag kang maingay, ano ka ba." Bulong niya kunwari. "Kung mahal mo... hindi mo ipagpapalit kahit kanino."

"COMING FROM YOU?!" Sigaw naming lahat sa kaniya.

"Ayahaaay! Tinatrangkaso ka na yata 'dre?" Natatawang tanong ni Xavier, hinampas naman siya ni Shikainah sa tyan. "Mahal naman..."

Napangiwi ako. Bigas na lang ang mahal ngayon, uy!

Nabunot naman ni Mavi ang pangalan ni Asher na nakatulala at tahimik sa isang gilid. Kulang yata sa kape.

"Kung mahal mo... ipagtimpla mo ng kape!" Sagot niya.

"Para pareho kayong hindi natutulog!"

"Idadamay mo pa yung babaeng mahal mo sa pagkakape mo!"

"Maubusan ka sana ng three in one."

"You also like the coffee I'm making so don't complain about that." Nakangising sabi ni Asher, nagmamayabang.

Totoo naman kasi ang sinabi niya, magaling siyang gumawa ng kape. Noong tumutulong pa kami kina Alexis ay minsan niya akong pinagtimpla, masarap naman, lasang kape.

"Si... Trina ang sasagot ngayon!" Sabi ni Mavi umupo, napagod yata kakakembot.

"Sagot lang ah, walang explanation, papahabain mo niyan eh." Pagbibiro ni Vance sa kaniya.

"Asa naman kayong maikli ang sagot niyan!" Gitil ni Eiya kaya naman bahagya siyang sinabunutan ni Trina bago sumagot.

"Kung mahal mo... kantahan mo o kaya naman ay ipagluto mo kasi nga 'di ba, kung maganda ang boses mo sigurado naman maiinlove pa siya lalo sayo. Tapos ang sabi nga nila  'the way to a man's heart is through his stomach'. Ibig sabihin nito ay  kung nais ng isang babae na ang isang lalaki ay umibig sa kanya, kailangan niyang maging isang mahusay na magluluto at magbigay sa kanya ng masarap na pagka—."

"Inaantok na 'ko, pwede na bang umuwi?" Pabirong parinig ni Maurence kaya naman nahinto sa pagsasalita si Trina.

"Ang sabi namin, sumagot ka, hindi yung magkuwento ka." Nakangiwing ani Aiden.

"Anak ka ng nanay mo, ang iikli ng sagot ng iba tapos sayo parang isang page ng libro." Sambit naman ni Vance bago tumawa ng malakas, napikon naman ang isa kaya naman hinagis ni Trina ang bilao sa lalaki.

"Wala kayong pake! Sabi niyo, bawal kj! Tapos aangal-angal kayo, suntukan na lang?" Paghahamon ni Trina, itinaas niya pa ang manggas ng uniform niya.

Bago pa magkagulo rito at magkaroon ng world war iii ay sumabat na 'ko sa kanila. Baka magulpi ng wala sa oras ang mga hudlong na 'to.

"Bumunot ka na ulit, Mavi, huwag mo silang panoorin lang." Sabi ko kay Mavi na pinagtatawanan 'yong dalawa.

Bumunot naman siya, kumembot pa muna siya ulit bago gawin 'yon. Siguro, kung hindi lang malalaki ang katawan ng mga 'to at kung hindi lang sila kasama sa isang gang, baka napagkamalan ko ng beki ang ibang hudlong.

"Lucas! Lucas na kulay gatas, ikaw ang sasagot." Aniya.

Lumunok pa muna si Lucas, nagpunas pa muna ng pawis at umupo pa siya ng maayos bago sumagot. Baka may ibang sagot ang... crush ko na 'to ah.

"Kung mahal mo... umamin ka sa kaniya na mahal mo siya." Seryosong sagot niya habang nakatingin sa akin.

Pinagpawisan ako ro'n ah. Ano ba kasing sinasabi mo? Kainis naman, tsaka bakit siya sa 'kin nakatingin, nagpapahiwatig na ba siya? Char.

Oras na ba para umamin ako... sayo?

*****

(A/N: Kung mahal mo, magiging marupok ka sa kaniya. Char lang, bawal na maging marupok.)

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionWhere stories live. Discover now