Baka raw kasi matagalan ang pagkain namin tapos hindi na kami makapagklase kaya naman nagoyo nila si Ms. Jones, atleast daw hindi kami mapapagalitan kapag nagkataon.

"Huwag mo namang kunin lahat ng itlog!" Saway ni Vance kay Kenji.

Gamit ang mga kurtina na hindi ko alam kung saan nila nakuha ay ginawa naming sapin sa lapag, malinis naman doon dahil naglinis pa kami kanina kaya napakakintab ng sahig.

Para kaming nagpipicpic ngayon, nakaupo kaming lahat habang nasa harap namin ang mga binili nilang pagkain. May kaniya-kaniya na rin kaming plato.

"Ano 'yan? Itlog may konting palabok?" Natatawang tanong ko kay Kenji ng bumalik siya sa pwesto kung saan katabi ko siya.

Puno kasi ang pagkain niya ng kanin at ilog tapos yung topings no'n ay parang isang kutsarang palabok lang. May manok pa pala siya.

"Huwag kang maingay." Aniya tsaka sumenyas pang tumahimik ako.

Kumuha na rin ako ng pagkain ko, kung hindi ka makikipag unahan siguradong ika'y mauubusan. Rhymes.

"Oh, ilayo niyo ang mga bilao kay Yakie, baka maipagkasya niya ang mga 'yan sa plato niya!" Sigaw ni Trina.

"Yakie, hinay-hinay lang ah, tirhan mo kami." Gatong ni Vance.

"Heira, yung gulay na lang sayo. Magdiet ka muna ngayon." Sabi naman ni Maurence.

Sinamaan ko sila ng tingin. "Gago kayo, hindi pa nga ako nakakakuha!" Sambit ko, tumawa naman sila.

Sumakit sana ang tyan niyo, lintek!

Gaya ng inaasahan, late na ng matapos kaming kumain dahil sa tagal naming nagkwekwentuhan habang kumakain, panay naman ang pagtawa nung dalawa naming teachers.

Nagpapahinga kami ngayon at maghihintay ng oras ng uwian, hindi ko nga alam kung paano napapayag ng mga hudlong na 'to ang mga teachers namin na hindi magklase buong araw.

Nakaupo kami sa sahig ng magsalita si Vance. Siya naman, nakahilata pa talaga habang nakatagilid, ang isang kma

"Matagal pa naman ang oras, may naisip akong gawing..." Aniya tsaka nangulangot.

Kadiri naman 'to.

"Ano naman 'yon?" Tanong ni Aiden na nasa tabi niya, nakahilata rin.

Teka nga! Halos lahat sila nakahiga na eh, kaming mga babae lang ang hindi tsaka si Xavier na kaakbayan si Shikainah habang nakaupo sa mga bangko. Sakit niyo sa mata.

"Kung mahal mo..." Sabi ni Vance. "Dapat dugtungan niyo ah, lahat tayo!" Paalala niya, lumalaki pa ang butas ng ilong. "Bawak KJ! Ang hindi sumali papakainin ng sili!" Dagdag niya tsaka may kinuha sa bag.

Anak ng...

Ready'ng ready talaga, may dala talaga siyang isang plastic ng mga siling labuyo. Mukhang fresh pa. Ang anghang yata ng mga 'yon.

"Magbubunutan din tayo." Sabi ni Mavi na may hawak na clear na plastic jar. May lamang papel.

Kinusog-kusog niya iyon habang kumembot-kembot pa, tawa kami ng tawa dahil sa ginawa niya.

"Woooop! Ang una ay si Alexis amoy sibuyas!" Anunsiyo niya tsaka tumawa.

"Ulok mo!" Sagot ni Alexis. "Kung mahal mo... ipaglaban mo." Sagot niya.

"Sana all pinaglaban."

"Pinaglaban ka ba?"

"Kaso nga lang ikaw pinabayaan hindi pinaglaban."

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionWhere stories live. Discover now