WYBMBA?
"Anim na kanta... anim na letra kasi mahal kita." Sabi ni Xavier.
"Ang corny mo!" Sigaw ng mga kaibigan niya.
"Manahimik kayo! Eepal niyo." Bumaling siya sa 'kin. "Anim na salita... will you be my binibini, again?"
Tumulo ulit ang hula ko dahil sa narinig kong sinabi niya. Hindi ko alam kung saan ko pa ba ilalagay ang saya dahil nag-uumapaw na ito.
Tumayo ako tsaka ko inilagay sa upuan ang bouquet of chocolates. Hinawakan ko ang kaway ni Xavier tsaka ko siya pinatayo. Niyakap ko siya, ganoon din ang ginawa niya.
"Mahal kita, Xav. Kahit na nasaktan mo 'ko, hindi magbabago 'yon."
Kahit na saktan mo ako ng paulit-ulit, ikaw at ikaw pa rin ang mamahalin. Pangako.
'Mahal...'
——————————————
HEIRA'S POV
"Woi! Iligpit mo muna 'yong mga sinuot mo kanina." Bulyaw ko kay Kenji.
Pa'no ba naman kasi, naghubad na lang siya kaagad ng matapos ang show este panghaharana ni Xavier. Nakakita lang siya ng pagkain, iniwan niya na lahat ng pinaggamitan niya.
"Suotin mo muna, kunin ko na lang mamaya sayo." Sagot niya tsaka nakigulo sa mga kaibigan naming inaasar yung dalawang mag-jowa.
Edi kayo na ang may jowa, hindi naman nakakamatay kung wala ako niyan.
"Ano ka? Ni hindi mo nga ako makikitang magsuot neto sa 'min tapos ngayon papasuot mo sa 'kin? Ibalik kaya kita sa tyan ng mama mo?" Banta ko sa kaniya.
Kumamot naman siya ng ulo, sumimangot pa siya tsaka lumapit sa akin para kuhanin ang mga suot niya kanina, ang kati pa naman nung wig niyang napakatigas.
Hindi ba nangangati 'tong hapon na 'to?
"Mag-a-Agosto pa lang, bakit may Christmas tree na kayo?" Tanong ni Sir Almineo habang nakatayo malapit sa Christmas tree.
"Sir, advance kami, kakaiba kami kaya huwag na po kayong magtaka." Pagmamayabang ni Alexis.
"Kung maayos sana ang pagkadecorate ay baka mamangha pa ako sa inyo, pero bakit may pompoms kayong inilagay?"
"Large kasi, sir. Large yung Christmas tree dapat large rin 'yung mga decorations." Sagot ni Timber.
"Unique kami kung mangharana kaya sir baka naman may anak kang babae riyan, haranahin ko na." Ani Jharylle.
Umiling naman kaagad si Sir Almineo. Parang gusto pang hambalusin si Jharylle dahil sa sinabi.
"Hindi ako papayag kung lima silang haharanahin mo." Sagot ni sir.
Sumimangot naman yung isa, pinagtawanan naman siya nina Timber dahil daw hindi siya tatanggapin ni Sir Almineo kung ligawan niya ang anak ni sir.
"Kain na muna tayo!" Sigaw ni Adriel na may dalang bilao. Hindi ko alam kung ano ang laman no'n pero sigurado akong pagkain 'yon.
Kasama niya si Asher tsaka si Kayden na may dala ring bilao at mga paper plates tsaka kutsara at kung ano-ano pa.
Napa-oo na kasi ni Xavier si Shikainah kaya naman gusto nilang magcelebrate kaya ayon, nag-order ng maraming pagkain sina Kayden, sa rami no'n hindi na nila halos mahawakan.
Nandito rin si Sir Almineo tsaka si Ms. Jones dahil siya ang susunod naming teacher. Hindi muna namin sila pinaalis dahil kasama raw namin silang kakain.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
Teen FictionPitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
CHAPTER 105
Start from the beginning
