"Ang lalim ng mga sinasabi mo 'no? Halika, sisirin natin, baka sakaling matauhan ka at natapos na iyang pagiging mabait mo sa kanila! Ikaw na nga iyong nasaktan tapos ipagtanggol mo pa sila!"

"Eh sa wala naman na tayong magagawa. Tapos na ang lahat. Wala ng manggugulo at manloloko sa akin. Tsaka isa pa, desisyon iyon ni Ano. Desisyon niyang magloko kahit nandito na ako."

"Sige, sino si Ano ha?" Tanong niya pero umiling lang ako. "Kita mo na, hindi mo masabi ang pangalan nung babaerong 'yon dahil apektado ka pa rin sa kanila."

Maka-babaero naman siya.

"Apektado na kung apektado, first love ko eh. Basta wala na. Tapos ang usapan." Sambit ko tsaka tumayo.

"Ako ang gaganti sa babaeng 'yon para sayo." Aniya tsaka tumayo rin.

Naging malapit si Madison kina Violet kaya naman wala akong ibang nagawa kung hindi ang makisama at makipagkaibigan sa kanila kahit pa naroon si Audrey.

Nahalata ko nga iyong pag-uulit niya sa ibang sinasabi namin, palagi rin siyang balisa at hindi mapakali. Parang takot siya lagi kapag nakatingin siya sa akin.

Pangit ang ugali nina Violet kaya naman nahawa si Madison sa kanila, kahit ako ay naninibago sa mga kilos niya. Palagi silang may binubully at sinasaktang iba. Hindi siya iyong nananakit talaga, hanggang salitaan lang siya.

Naging magkaibigan din sila sa ibang section... ang 22nd section ang isa sa mga 'yon, hindi maganda ang pakiramdam ko sa kanila.

Natuto na rin ang magmake up dahil sa tinuturuan nila ako. Madalas kong nahahalata ang pag-uusap nila sa likod ko pero hindi ko na lang iyon pinapansin dahil kaibigan ko sila.

Minsan nga ay ako mismo ang sinasaktan nila lalo na kung wala akong perang naibibigay sa kanila kapag kailangan nila iyon, sabunot at sampal ang naaabot ko.

Sa harap nila ay kinaiinisan ako ni Madison pero kapag kaming dalawa na lang ang magkasama ay lagi niya akong inaalala at inaalagaan. Ang sabi niya ay may dahilan siya kung bakit niya iyon ginagawa.

"Inah... gusto kita."

Iyon ang mga katagang lumabas sa bibig ni Jonas kaya naman mas nagalit sa akin si Violet. Palihim niya akong niligawan pero hindi ko siya sinagot.

Kahit na sampong buwan na ang nakalipas noong araw na iyon ay hindi pa rin handa ang puso kong magmahal ulit.

Nang haranahin ako ni Jonas, nakita ko si Xavier na nakatingin sa amin mula sa labas, gusto ko siyang lapitan at yakapin dahil mahal ko pa rin talaga siya.

Nakikita ko ang sakit ng mga mata niya, gusto kong alisin iyon at palitan ng saya pero hindi ko kaya.

Ngayon... nasa harap niya ako, siya na ang nanghaharana. Gusto akong pabalikin ng lalaking mahal ko.

"Anim na kanta para sa binibining aking sinisinta." Aniya habang nakaluhod sa harap ko, hawak niya ang isang kwintas na may pendant na letter S na nakalagay sa isang pulang kahita.

"Sira! Pwesto na, bakit ka pa sumasayaw d'yan!" Narinig kong bulyaw ni Vance kaya naman napatingin ako sa kanila.

Nasa likod sila ni Xavier, nakahilera at may ginagawang hindu ko alam. Sina Trina at Alzahane ay gumawa ng letter W gamit ang kamay at paa nila. Si Kenji ay gumawa ng Letter Y, si Mavi at Timber naman ay letter B, si Zycheia at Heira naman ay letter M, si Alexis at Vance ay gumawa ng letter B at si Hanna pati si Lucas ay gumawa ng letter A.

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionDonde viven las historias. Descúbrelo ahora