Iniiiwas ko na kaagad ang sarili ko para hindi ako makalapit sa kaniya, hindi ko pa siya kayang patawarin ngayon. Hindi pa rin talaga.

"Sabi ko naman na huwag kang iiyak eh!" Sambit ni Audrey ng minsang nagkasama kami sa room ng kami lang, wala yung iba naming mga katabi, maaga pa kaya wala pa yung iba.

"P-pwede bang tigilan mo na 'ko? N-nakuha mo na ang gusto mo kaya s-sana, tumigil ka na." Halos magmakaawa na ako sa kaniya dahil nakakapagod na ang presensiya niya.

"So... nakita mo na 'yon, sabi ko naman sa iyo, ako ang gusto ng boyfriend mo." Aniya sabay haplos sa pisngi ko.

"Hindi ka niya gusto... maharot ka lang talaga. Higad ka." Sabi ko sa kaniya habang umiiyak.

Sino ba naman kasing hindi iiyak kung nasa harap mismo ang dahilan ng pagkadurog mo? Yung dahilan ng sakit mo? Tapos hinahawakan pa 'ko sa pisngi.

"Ah..." Kunwaring naawang aniya. "Kawawa ka naman, umaasa ka pa rin talaga, boring ka kasi kaya ayaw niya sayo."

"Gusto niya sa 'kin... mahal niya nga ako eh. Ikaw ba? Mahal ka ba niya?"

"Oo! Kaya nga niya ako hinalikan 'di ba?"

Tumawa ako ng sarkastiko. "Edi sige panalo ka na, talo nga naman ng malandi ang maganda." Sabi ko tsaka ngumisi sa kaniya.

"Masarap daw kasi ako kaya naman ako ang pinupuntahan niya kaysa sa iyong babaeng walang inatupag kung hindi ang mag— aray!"

Hindi ko na pinatapos ang sinasabi niya ng tumayo ako at malakas siyang sinampal. Nanginginig ang kamay ko dahil sa mga sinasabi niya kaya naman hindi ko na napigilan ang sarili kong saktan siya.

Nakatagilid ang mukha niya, dahil malapit siya sa pader ay humapas doon ang kabilang pisngi niya. Parang dalawang beses din siyang nasampal.

"Huwag na huwag mo akong ikumpara sayo dahil ikaw maharot ka, ako maganda ako!" Sigaw ko sa kaniya. "At huwag mo akong pagsalitaan ng kung ano-anong salita dahil baka putulin ko 'yang dila mong makati kagaya mo!" Dagdag ko bago lumabas ng room.

Tumakbo ako papunta sa likod... iyong comfort zone ko. Iyong lugar kung saan ako nakakahinga ng maluwang. Iyong lugar kung saan malaya kong naisisigaw ang hinanakit ko.

Agad akong sinalubong ng isang bisig at niyakap ako. Hindi ko na tinignan kung sino 'yon dahil alam ko kung sino iyon, amoy niya pa lang ay alam ko na. Bakit nga ba nandito siya?

"Jonas.." Basag na ang boses ko ng sabihin ko iyon, narito nananaman ang mga luhang nag-uunahang lumabas sa mga mata ko.

"Hush... tahan na, magiging okay din ang lahat." Aniya.

"Jonas... bakit ganoon siya?" Pagsusumbong ko sa kaniya. "Bakit ba ganoon ang babaeng iyon?"

"Wala siyang magawang matino. 'Yon lang 'yon."

"Bakit ba proud pa siya sa ginawa niya, a-akala niya ba ay hindi, m-masakit ang ginawa niya?"

Ayaw kong isisi lahat kay Audrey ang nangyari dahil alam kong may pagkakamali rin si Xavier... kahit ako ay may ginawang mali. Nagtiwala ako ng lubos sa mga taong hindi dapat pagkatiwalaan.

"I feel your pain." Pagbibiro niya pero hindi ako natawa. "Hayaan mo muna ang oras... go with the flow, mawawala rin ang sakit." Aniya habang hinahaplos ang buhok ko.

"O-oo nga naman... magiging okay din ang lahat ng 'to, sa una lang 'to diba?"

"Yes of course. Mawawala rin 'yan, not now, not sure." Sambit niya kaya naman hinampas ko ng mahina ang likod niya.

"Gago ka talaga."

Tumawa siya at dahan-dahang kumalas sa yakap namin. Hinawakan niya ang magkabilang pisngi ko at pinunasan ang luha ko gamit ang hinlalaki niya.

Hinahawakan ko ang mga kamay niya tsaka pumikit dahil sumasakit na rin ang mga mata ko dahil sa kakaiyak. Nagmulat ako ng mata ng maramdaman ang paghinga niya sa noo ko.

Bago pa lumapat ang labi niya roon ay natumba na siya sa lupa dahil may tumulak sa kaniya.

Nakita ko si Xavier na galit na galit ang mga mata. Nakakuyom ang mga palad tsaka namumula ang mukha. Ang dilim ng tingin niya.

Sinapak niya si Jonas, hindi naman nakalaban ang isa dahil sa pagkabigla.

"Gago ka! Alam mo namang may boyfriend ang tao tapos hahalikan mo?" Sigaw niya, umamba pa siya ng isa pang suntok pero agad ko siyang pinigilan.

"Xav! Ano ba?!" Sigaw ko sabay tulak sa kaniya para alalayan si Jonas upang makatayo siya. "Ano bang ginagawa mo ha?!"

"Anong GINAGAWA ko?! Nananapak! Kasi nakita ko yung girlfriend ko na hinahalikan ng iba!"

"Bakit?! Nararamdaman mo na ba iyong naramdaman ko ng makita ko kayo ni Audrey, ha?!"

Hindi pareho ang sitwasyon, hindi kami naghahalikan kagaya nila pero hindi ko na mapigilan ang sarili ko na manumbat dahil sa sakit na nararamdaman ko.

Putangina, puro na lang sakit!

"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo? Humihingi ako ng tawad sayo tapos may iba ka palang kasama!" Sigaw niya.

"Wala kaming ginagawang masama! Pinapatahan niya lang ako dahil sa ginawa mo! Gago!" Hindi ko na mapigilan ang dila ko.

"Ang laki ng pagbabago mo." Aniya tsaka umiling, nakita ko ang pagtulo ng mga luha niya. "Pero sige... kung ito ang gusto mo, maghiwalay na tayo." Dagdag niya bago umalis.

Nalaglag naman ang panga ko, napanganga na lang ako sa sinabi niyang iyon. Wala akong nararamdaman kundi puro hapdi... sakit.. basag ako ngayon. Bakit ba kapag nagiging masaya ako may kapalit iyon na lungkot?

Ako 'yong sinaktan pero siya yung nakipaghiwalay...

-To be continued...-

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionWhere stories live. Discover now