Huminga ako ng malalim. Hindi ako pwedeng magpadala sa nangyari dahil ako lang ang talo. Tama nga, bata pa kami kaya naman naghahanap kami ng mga bagong bagay... bagong pakiramdam. Ngayong nahanap ko na iyon... ayaw ko ng maulit.

Napasigaw ako ng may humila sa akin  at dinala sa canteen, magpupumiglas na sana ako ng makitang si Jonas iyon, siya yung lalaking umalalay sa akin ng muntik na akong matumba habang pinapanoo sila.

Siya rin ang dahilan kung bakit nila ako nakita. Ang sarap niyang hampasin ng mga oras na 'yon pero wala akong lakas. Naging kaibigan ko siya dahil sa pangungulit niya. Alam ko ang pangalan niya pero ang akin ay hindi niya alam.

Ayaw kong magpakilala sa kaniya. Wala ako sa mood para kumilala ng bagong... langaw. Sinundan niya ako nang oras na iyon, binigyan niya pa ako ng panyo. Sinusungitan ko siya pero lapit pa rin ng lapit.

"Ano ba?! Lagi ka na lang nanghihila ah!" Inis na sabi ko sa kaniya ng makaupo kami.

"Umiiyak ka nanaman." Panenermon niya. "Sabi ko naman sayo, huwag kang iiyak dahil nakakapangit 'yan." Dagdag niya pa bago ako abutan ng tissue.

"Wala kang pake! Trip kong umiyak." Umirap pa ako sa kaniya bago kuhanin ang tissue, pinunasan ako ang mukha ko at sumingha dahil parang may nakabara sa ilong ko.

"Akala ko naman luha lang ang pupunasan mo hindi mo naman sinabing pati sipon, kadiri ka!" Sambit niya, hinagis ko sa kaniya ang isang balot ng tissue, tumawa naman siya ng malakas.

"Manahimik ka riyan, huwag mo akong pagtripan."

"Hindi kita pinagtitripan, pinapatawa lang kita."

"Well... hindi ka nagtagumpay sa plano mo, beh." Sarkastikong sabi ko.

"Aray ko naman, beh." Pangagaya niya sa pananalita ko. "Beh, bakit ka ba umiiyak, beh? Beh, dahil ba 'yon sa boyfriend mo, beh? Abangan na ba natin siya sa kanto, beh?"

Dapat pala ay binilang ko kung ilang beses niya sinabi iyong salitang 'beh'. Halatang nang-aasar siya eh. Pero kahit na napatawa niya ako ng bahagya, hindi iyon naging sapat para  gumaan ang pakiramdam ko.

Uwian ng makita ko si Xavier sa may gate. Hindi ko nga alam kung paano ko natapos ang klase ngayon, gayong nakita ko at nasa harap ko ang babaeng iyon.. babaeng dahilan kung bakit ako nasasaktan.

Buti pa siya ay nakakatawa na, nakakahalakhak at nakakapang-asar na. Parang hindi man lang siya naapektuhan. Sabagay, bakit nga ba siya maapektuhan kung siya yung dahilan?

Dire-diretso lang ako palabas at hindi pinansin ang lalaki. Humigpit ang hawak ko sa bag ko ng hilahin niya ang kamay ko.

"Bitawan mo ako." Matigas na sabi ko at pilit na nagpupumiglas sa hawak niya.

"Mag-usap naman tayo... ayusin na natin 'to." Aniya tsaka niyakap ako.

"Ang sabi ko, bitawan mo 'ko!" Sigaw ko sa kaniya tsaka ko pinaghahampas ang dibdib niya.

"Hindi... hindi kita kayang bitawan." Aniya at mas humigpit pa ang yakap niya halos hindi na nga ako makahinga.

"Gagawa ako ng iskandalo rito kung hindi mo ako hahayaan." Pagbabanta ko sa kaniya.

Unti-unting lumuwang ang pagkakayakap niya. Nakuha ko iyon na pagkakataon para marahas na ilayo ang kamay niya.

"Wala na tayong dapat pag-usapan."

Kinabukasan ay ganoon pa rin ang ginawa niya, panay ang paghingi ng tawad, panay ang pagmamakaawa niya. Parang hindi na nga siya kumakain at natutulog dahil sa itsura niya.

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionWhere stories live. Discover now