"Kaya ko naman pagsabayin! Basta ikaw."
"Xav!" Sita ni Madison.
"What?"
"Payag akong ligawan mo si Shikainah basta ba hindi mo siya sasaktan ah, kapag sinaktan mo siya..." Kinatok ni Madison ang batong lamesa. "Kita mo 'to? Ihahampas ko ang ulo mo rito."
Umatras naman si Xavier at hindi makapaniwala sa pagbabanta ni Madison, nanlaki pa ang mata niya.
"She is more precious than gold or diamonds. I will never hurt her."
♫♪Pasensya ka na at 'di ko na rin madama... Kay tagal kitang hinihintay
Pasensya ka na kaya ko ng mag-isa
Kalayaan sa kamay ng lumbay... ♫♪
"Happy birthday, mahal!" Bati ko kay Xavier atsaka ko inabot ang isang regalo, isang portrait iyon ng mukha niya.
"M-mahal?" Nagtatakang tanong niya.
"Oo! Mahal..." Pangungumpirma ko.
May usapan kasi kami, nang mag-umpisa siyang manligaw, ang sabi niya sa 'kin ay kung sasagutin ko na siya dapat tawagin ko siyang 'mahal'
Naisipan ko siyang sorpresahin ngayong kaarawan niya. Sinasagot ko na siya. Dalawang buwan lang siyang nanligaw sa akin, para sa akin ay sapat na iyon dahil ang sabi doon sa librong nabasa ko...
'Hindi naman dapat pinapatagal ang panliligaw, ang relasyon ang dapat na pinapatagal.'
"I-Ibig mong sabihin... sinasagot mo na 'ko?" Tanong niya, tumango naman ako
Lumiwanag ang mukha niya, agad niya akong niyakap ng mahigpit, niyakap ko naman siya pabalik. Alam kong mahal ko na ang taong ito...
"Ito na ang pinakamasayang birthday buong buhay ko!" Sigaw niya, muntik pa akong mabingi dahil ang lapit ng bibig niya sa tenga ko.
"Mahal kita..." Bulong ko sa kaniya tsaka ko isiksik ang mukha ko sa leeg niya.
September 18.
Petsa ng kaarawan niya petsa rin ng pagiging niyang boyfriend sa akin.
Umabot kami ng dalawang buwan, masaya kami... masaya sa amin ang mga kaibigan namin. Palagi nga namin silang kasama ngayon, lagi nilang inaasar si Madison na panay daw ang paglalagay niya ng pintura sa mukha niya, napipikon naman siya.
Pinili muna naming itago sa mga magulang namin dahil baka magalit sila sa aming dalawa. Alam naming hindi nila kami papayagan sa maagang pakikipagrelasyon.
"Picnic na lang tayo!" Suhestyon ni Madison. "Tapos libre niyo dapat kasi second monthsarry ninyo!" Masayang sabi niya pa.
"Ang hilig mo sa libre 'no?" Pangungutya ni Vance sa kaniya.
"Grasya 'yon, huwag ka ngang epal diyan!" Ganti naman ni Madison.
"Sige ba! Roon tayo sa soccer field!" Pag-sang ayon ni Xavier.
"Ako na ang bahala sa mga chips." Prisinta ko.
"Huwag na," agad na pagtanggi niya. "Ako ng bahala, huwag ka ng gumastos, pambili mo na lang para sa projects mo."
Umiling kaagad ako. Sa tuwing kakain kami ay siya na ang nagbabayad, lagi niya akong nauunahan pagdating sa bayaran kaya naman nahihiya na ako minsan sa kaniya.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
Teen FictionPitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
CHAPTER 103
Start from the beginning
