"Go back to your position," utos niya sa isa.
"Ayaw ko nga, bakit mo 'ko inuutusan."
"Sige d'yan ka na lang, hayaan mong makita lang ni Shikainah ang likod mo." Nakangising sabi niya.
Mukhang nakuha naman ni Xavier ang gusto niyang sabihin kaya naman humarap siya sa 'kin, humakbang pa para makalapit.
♫♪ Hindi mo na mapipilit, wala ng babalikan... Sa liwanag mong nang-aakit, ayoko ng masaktan
Nakikiusap sayo, patawarin mo na lang ako... Patawarin... ♫♪
"Liligawan kita!" Taas noong ani Xavier.
"H-ha? Ligaw?" Tanong ko.
Kahapon lang ay nagtapat siya sa 'king gusto niya rin ako. Minuminuto niya nga akong niaasar at sinasabing "ako lang 'to, yung siopao na gusto mo."
Nakaupo kami ngayon sa bench kasama si Vance at Madison. Masaya nga 'yong dalawa dahil daw bati na kami ni Xavier.
"Anong ligaw-ligaw?! Ang babata niyo pa!" Sita ni Vance kay Xavier.
"Akala mo siya ay hindi na bata." Parinig ni Madison sa kaniya.
"Bati na talaga kayo, Shikainah?" Tanong ni Vance sa akin kaya naman tumango ako sa kaniya bilang sagot. "Mabuti naman! Ayoko ng makasama si Audrey 'no!" Sabi niya tsaka sumimangot.
"Bakit naman?" Tanong ko sa kaniya dahil sa itsura niya ay parang kinamumuhian niya ang babae.
"Ayaw ko sa kaniya, gusto ko sayo!" Sagot niya sa 'kin. "Masyado kaya siyang maarte tapos panay ang pacute kay Xavier, mukha naman siyang ipis." Panlalait pa niya.
"U-uh... dapat hindi mo sinasabi iyan sa iba, kaibigan niyo rin naman siya kaya dapat hindi mo siya nilalait."
"Hindi ko siya nilalait 'no!" Depensa niya. "... Dinidescribe ko lang."
"Kahit na.. mabait naman siya eh, gusto niya lang talaga si Xavier kaya ganoon siya. Babae pa rin 'yon." Sabi ko sabay lingon kay Xavier na ngayon ay nakangiti sa 'kin.
"Kaya sayo ako eh! Napakabait mo!" Ani Vance bago umatsing. "Ang baho mo naman!" Pagbibiro niya sa katabi niya.
Katabi ko kasi si Xavier tapos si Vance naman ay katabi si Madison, nakaharap ang dalawa sa 'min, nasa gitna ang lamesa.
"Excuse me?!" Inis na tanong ni Madison, akma niyang ihahampas kay Vance ang hawak na make-up pallets pero ibinaba niya ito. "'Wag na 'to, palad ko na lang!" Aniya tsaka niya hinampas si Vance sa braso.
Mukhang hindi pa hampas iyon, tulak... dahil nahulog si Vance mula sa kinauupuan niya papunta sa lupa. Tatawa-tawa kaming nakatingin sa kaniya.
"Sakit no'n ah, joke only lang 'yon eh!" Sabi niya tsaka tumayo.
"Hindi ka mukhang nagbibiro!"
"Tse!" Singhal niya tsaka umupo sa lamesa, ayaw nang tumabi kay Madison. Ang sama kasi ng tingin ng babae sa kaniya. "Balik nga tayo! Nililigawan mo talaga siya, 'dre?" Tanong niya kay Xavier.
"Oo naman! Kaysa naman makuha pa siya ng iba, ako na lang ang mauuna." Sagot ng isa.
"H-hindi ba tayo masyadong bata para sa mga ganiyan... yung panliligaw, hindi ba dapat focus tayo sa pag-aaral?" Tanong ko dahil masyado yatang mabilis ang mga hakbang niya.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
Teen FictionPitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
CHAPTER 103
Start from the beginning
