Gusto kong maiyak dahil may gustong iba pala ang babaeng gusto ko... mahal ko. Bumilis ang paghinga ko dahil nasasaktan ako ngayon, hindi ko alam kung sino si siopao... sana ako na lang iyon.
♫♪ I'm a hopeless romantic I know I am... Memorized all the lines and here I am... Struggling for words.. I still don't know what to say.. ♫♪
Ilang araw ko ng hindi hinaganap sina Shikainah, pero chinachat ko pa rin siya araw-araw. Kung iiwas siya ay iiwas na rin ako.
Sayang yung pagkakaibigan namin.
Araw-araw pa rin akong pumupunta sa room nila, hindi para sa kanila kundi para kay Audrey, naging kaibigan ko na rin siya dahil nakakasabay ko na rin siya palagi sa pagkain, pagbabasa at pagtambay.
Minsan ay isinasama ko si Vance pero halatang ayaw ni kay Audrey, panay kasi ang pag-irap niya sa babae, minsan nga ay tinutulak niya pa si Audrey palayo sa 'kin, ewan ko sa kaniya.
"Xav!" Tawag sa 'kin ni Audrey, binaba ko naman ang hawak kong cellphone at hindi na itinuloy ang pagtype ko ng message para kay Shikainah.
"Audrey..." Sabi ko sa kaniya, patalon niya akong niyakap, muntik pa kaming matumba pero nakasandal agad ako sa pader kaya hindi kami natumba. Niyakap ko na lang siya pabalik.
"Ano na? Kain na tayo?" Tanong niya habang nakayakap sa 'kin.
Nakita ko ang pagpasok ni Shikainah sa room kaya naman naitulak ko papalayo si Audrey, pero hindi man lang ako sinulyapan ni Shikainah.
"Tara na! Gutom na 'ko eh!" Sabi ni Audrey bago ako hilahin papuntang canteen.
♫♪ What to say
Don't know what to do
Whenever you are near
Don't know what to say
My heart is floating in tears... ♫♪
"Xav... g-gusto kita." Natigilan ako sa pagkain dahil sa sinabi ni Audrey na iyon.
Mabait siya, masayahin, maingay at maganda pero hindi ko akalaing magugustuhan ako ng isang katulad niya. Maikling panahon pa lang kami nagkasama ah.
"...Matagal na." Dagdag niya pa.
"Audrey..."
"Xavier.. sana magustuhan mo rin ako."
"Audrey diba kaibigan kita?" Iyon na lang ang nasabi ko dahil hindi ko alam kung paano ko siya sasagutin sa sinabi niya.
"Oo... pero pwede namang higit pa sa pagkakaibigan," aniya tsaka hinawakan ang kamay kong nasa lamesa, hindi ko inalis iyon dahil nakita ko siyang umiiyak. "Wala ka namang girlfriend kaya pwede kang magkagusto sa iba... sana ay ako iyon."
Ano bang sinasabi mo, Audrey..
"Audrey, magkaibigan tayo, ayaw kong masira iyon." Sabi ko at pilit na ngumiti.
"Xav... lagi akong nasasaktan, nawala si papa... ayaw sa 'kin ni mama, galit sa 'kin ang mga kaibigan ko... pero sana ikaw, hindi mo 'ko ayawan."
Hindi ko alam na sa edad naming ito ay ganoon na pala ang nararamdaman niya dahil lang sa pamilya at mga tao sa paligid niya. Para sa 'kin ay para siyang mamahaling babasagin, nakakatakot na hawakan dahil baka masira at madurog kaagad.
Ang bata pa namin para sa ganito.
Pinisil niya ang kamay ko kaya naman... "Oo sige... susubukan kong gustuhin ka."
Ngumiti naman siya kaagad sa 'kin ngunit pilit na ngiti lang ang naisukli ko sa kaniya.
Sana lang wala akong masaktan dahil sa desisyon ko. Baka sa paraang ito ay mawala ang nararamdaman ko sa iyo, Shikainah.
"Umaasa akong magugutuhan mo rin ako!"
♫♪ When you pass by I could fly
Every minute, every second of the day
I dream of you in the most special ways... You're beside me all the
time... ♫♪
Lunes nang mang-aya ang iba na magpahangin sa may mga benches, gagawa rin daw kami ng assignments, bahala na raw kung pare-pareho basta may sagot.
Sumama sa 'min si Audrey dahil wala naman daw siyang ginagawa sa room nila, pumayag naman sila pero si Vance, halatang ilag sa babae. Wala naman siyang nakakahawang sakit.
"Siraulo ka! Horror ang sagot sa number 4! Imamali mo pa kami eh!" Sabi ni Maurence tsaka binatukan si Aiden.
"Akala ko kasi thriller." Sagot naman ni Aiden sa kaniya.
"Patingin." Sambit ni Kayden, binigay naman sa kaniya ang bondpaper na may lamang questions. "The answer is horror kasi may nakalagay ng initiating sentiments of horror and dread, oh." Paliwanag niya pa.
"Okay, pasensya na bobo lang."
Si Kayden ang pinakamatalino sa 'min, sumusunod sa kaniya si Asher at Adriel. Pantay-pantay lang kami ng talino ng iba, nalilito lang kami minsan pero madalas ay tama naman ang mga sagot namin.
"May sagot ka na ba?" Tanong ni Audrey, nakaakbay ako sa kaniya gaya ng ginagawa ko lagi kong ginagawa kay Shikainah.
"Oo naman! Matalino kaya ako." Bulong ko rin sa kaniya.
Inaamoy ko ang buhok niya, ang bango, kasing-amoy nito ang buhok ni Shikainah. Nakakatawa lang dahil nakikita ko kay Audrey ang mga nakikita ko kay Shikainah pero hindi ko siya magawang magustuhan.
Naalarma ako ng makita ko si Shikainah na biglang tumalikod. Kahit isang segundo pa lang iyon, alam kong siya 'yon dahil sa kilala ko ang likod niya. Gumagalaw ang mga balikat niya.
Gusto ko siyang yakapin dahil ilang araw ko na siyang hindi nakikita, hindi ko pa siya nakakausap, kung may paraan lang para makipag-ayos sa kaniya ay ginawa ko na.
Nakita ko siyang tumayo ng maayos bago humarap sa 'min, nakita ko ang pamumula ng mata niya, ngumiti ako dahil nakita ko siyang papalapit sa pwesto namin. Sana lang ay kausapin niya na 'ko.
Pero hanggang sana na lang pala iyon dahil hindi niya man lang ako sinulyapan, nilagpasan niya lang ako, parang kumirot ang dibdib ko dahil doon, ang lamit mo lang pero bakit pakiramdam ko ay ang layo mo?
Nang makita ko siyang nakapasok sa room nila ay agad akong tumayo at tumakbo papunta roon, narinig ko ang pagtawag ng mga kasama ko pero hindi ko na lang sila pinansin.
Nang makapasok ako sa room nila ay doon ko nakita si Shikainah na nakaupo habang nakaharap sa kabilang direksyon, sa bintana siya nakaharap, nakatalikod siya sa 'kin kaya naman nakikita ko ang paggalaw ng balikat niya. Anong nangyari sa balikat niya? Bakit parang kinukuryente?
Dahan-dahan akong lumapit sa kaniya at kinalabit siya ng dalawang beses.
"K-kung sino ka man, wala akong oras makipag-usap, sa i-iba na lang." Sambit niya, parang paos pa siya o parang may nakabara sa lalamunan niya. Kinalabit ko ulit siya. "Ano ba?!" Sigaw niya at humarap sa 'kin.
Doon ko nakita ang mukha niyang basang-basa na at namumula ang mata niya, panay ang pag-agos ng luha niya.
Nanlaki ang mga mata niya ng makita ako, agad niyang pinunasan ang mukha niya tsaka tumalikod ulit.
Ilang beses mo ba ako tatalikuran?
"Kung nandito ka para kausapin ako, umalis ka na lang." Aniya na siyang dahilan para manikip ang dibdib ko.
Ang sakit na ngang makita siyang umiiyak... tapos sasabihin niya pa iyon na parang hindi ako kakilala... na parang hindi ako kaibigan.
"Shikainah..."
"Umalis ka muna, malapit ng magring ang bell."
Hindi ko pinansin ang sinabi niya.
"Shikainah... bakit ka umiiyak?"
♫♪ All the time.. All the time.. All the time.. ♫♪
ESTÁS LEYENDO
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
Novela JuvenilPitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
CHAPTER 101
Comenzar desde el principio
