Isang araw, napagtanto ko na lang na napagod na pala ako sa kakahintay ko sa kaniya sa pagdating niya. Umaasa akong sasabayan niya 'ko dahil sinabi niya iyon pero sa huli ako iyong nganga at parang tangang naghihintay sa presensya niya.

Pumunta ako sa room nila pero gaya ng dati ay wala na agad sila, hindi alam ng mga kaklase nila kung saan sila kumakain o kung saan sila pumupunta sa ganitong oras.

Umiiwas siya sa 'kin... umiiwas siya sa hindi ko malamang dahilan.

Kaibigan ko siya pero bakit hindi niya sabihin sa 'kin kung may nagawa akong hindi niya gusto? Araw-araw ko siyang minemessage pero walang sagot.

Nag-aalala na tuloy ako baka kung anong nang nangyari sa kaniya, natatakot ako dahil baka may iba na siyang kaibigan kaya naman iniiwasan niya ko.

Ayaw niya na ba sa 'kin? Ayaw niya na ba akong kaibigan?

"Oh, nandito ka pala." Sabi ni Audrey pagkalabas niya ng room niya.

"Sisilipin ko lang kung nandito pa sina Shikainah." Sagot ko.

Luminga-linga siya sa likod niya. "Mukhang wala na sila, ewan ko sa dalawang 'yon, parang may hid out, lalabas lang doon kapag oras ng klase."

H-hide out? Saan naman kaya iyon?

"Sayang naman, yayain ko sana siyang kumain." Malungkot na sabi ko, namimiss ko na iyong pagbabangayan namin dahil sa balat ng pritong manok.

"Well, wala naman sila rito. Sa 'kin ka na lang muna sumabay habang hindi ka nila sinisipot."

♫♪ All the time
I have loved you and I always will
Call it crazy but I know someday you'll feel... This feelin' I have for you
inside. ♫♪

"Bakit ba lagi kitang nakikita sa labas ng room namin?" Tanong ni Audrey habang kumakain kami.

Kasabay ko siya ngayong kumain, tutal wala naman si Shikainah, si Vance naman ay hindi ko na pinasama kaya sumabay siya kina Kayden ngayon.

Si Audrey nga ngayon ang nanlibre sa 'kin kasi raw ay unang beses naming kumaing magkasama, nagpasalamat pa siya sa milktea na ipinabigay ko raw sa kaniya noon.

Tumawa lang ako dahil naalala ko nananaman ang mukha ni Shikainah noong ibinigay ko sa kaniya ang milktea. Para naman talaga sa kaniya iyon, nahihiya lang ako sa kaniya kaya sinabi ko na lang na iabot niya iyon kay Audrey.

"Sila kasi ang hinihintay ko, lagi kaming sabay na kumakain," malungkot na sabi ko bago sumubo ng pagkain ko, menudo ang inorder ko dahil iyon ang paborito ni Shikainah, sayang lang at wala siya ngayon.

"Ah, gano'n ba? Bakit parang hindi na kayo nagkakasabay ngayon? Lagi kang nahuhuli ng dating eh, sila namang dalawa ay nagmamadaling umalis."

Nagmamadali? Ibig sabihin ay ayaw niya akong makita kaya nagmamadali siya, ganoon ba 'yon?

"Bakit sila nagmamadali?" Tanong ko sa kaniya.

"Ewan ko, may pinuntahan sila pero hindi ko rin alam kung saan, baka roon sa nagugustuhan ni Shikainah."

Natigilan ako sa sinabi niya.

"May nagugustuhan na si Shikainah?" Takang tanong ko, unti-unting kumikirot ang dibdib ko.

"Oo, narinig ko sila dati, nagbubulungan sila ni Madison tapos narinig kong may nagugustuhan na raw siya, ang alam ko ay siopao ang tawag niya sa lalaki."

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon