Nakaupo kami sa soccer field kung saan kami madalas umupo nina Shikainah, sana lang ay free time nila tsaka sila pumunta rito.

Dininig naman ang dasal ko, narinig kong tinawag ni Vance sina Shikainah at Madison na ngayon ay nakatalikod sa 'min, agad akong tumakbo papalapit sa kanila at inakbayan si Shikainah.

Nakasanayan ko na kasing gawin iyon, parang gumagaan ang pakiramdam ko kapag inaakbayan ko siya, parang nawawala ang pagod ng mga kamay ko... ng feelings ko.

Gusto ko siya, unang araw pa lang kaming nagkita ay nagustuhan ko na siya. Love at first sight sabi nga nila, para naman akong bakla neto sa sinasabi ko eh, pero iyon ang totoo kaya nga ako nakipagkaibigan sa kaniya dahil gusto kong mas mapalapit sa kaniya.

Unti-unting bumagsak ang kamay ko sa ere, nawala na pala iyon sa balikat ni Shikainah pero hindi ko na iyon pinansin, baka nataggal lang dahil sa paglalakad namin.

Umupo kami, tumabi ako sa kaniya. Napansin kong hindi siya tumitingin sa 'kin, nakalagay ang mga earphones sa tenga niya pero hindi ako sigurado kung may tugtog ba iyon.

"Hindi ka nananaman sumabay sa 'kin kanina, nagtatampo na 'ko sayo." Sambit ko. Pero napasimangot na lang ako dahil hindi niya man lang ako sinagot.

Kukuhanin ko sana at hahawakan ang kamay niya pero ginamit niya iyon para ayusin ang buhok niyang mahaba. Ang bango ng shampoo niya.

Buong oras kaming nandoon pero hindi man lang siya nagsalita, nakakapanibago.

♫♪ Don't know what to do
Whenever you are near
Don't know what to say
My heart is floating in tears... ♫♪

Nahahalata ko ang pag-iwas niya sa 'kin ng mga susunod na araw, hindi man lang niya ako nirereplyan o kaya naman ay sinasabayan sa pagkain. Nakakatampo.

"May nagawa ba 'ko sayo?" Tanong ko ng isang araw na nakasabay ko siya sa pagpasok sa gate.

"H-ha?" Tanong niya.

"May nagawa ba 'ko sayo kako kasi—."

"Wala agad na sagot niya tsaka naglakad ng mabilis."

Naiwan akong nakatunganga sa gate at kumukurap-kurap habang tinitignan ang daan na nilalagpasan niya.

Nagbabago ka na yata?

Lumipas ang araw.. ang linggo, dalawang linggong ganoon siya sa 'kin, hindi ko maiwasang hindi masaktan dahil doon, umiiwas sa akin ang babaeng gusto ko sa hindi ko malamang dahilan.

Fuck...

Kapag aalukin ko siyang kumain, um-oo siya pero hindi siya sisipot, maghihintay lang ako sa room nila buong oras hanggang sa hindi ako makakain.

Sa tuwing aalukin ko siyang sumabay sa akin ay tumatanggi siya kaagad, lagi siyang may dahilan, minsan nga at sinasabi niyang sasabay siya kay Madison pero kapag naitanong ko naman sa kaibigan niya kung nakauwi ba sila ng sabay, ang sagot ni Madison ay hindi raw sila nagkasabay.

Nagsisinungaling siya sa 'kin, ayaw kong pag-isipan siya ng masama pero napapagod din ako sa ganoong mga dahilan niya.

Sa tuwing hahawakan ko ang kamay niya iniiwas niya ito. Nakakamiss pala iyong mga ginagawa namin, hindi ko alam kung anong dahilan niya pero nahihirapan ako sa ganito.

Masakit.

♫♪ When you pass by I could fly
Every minute, every second of the day
I dream of you in the most special ways... You're beside me all the time.. ♫♪

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionWhere stories live. Discover now