Binigay ko sa kaniya ang kutsara at tinidor niya, natatawa pa 'ko dahil biglang kumalam ang tyan niya.
"Kumain na nga tayo, gutom ka na eh." Sabi ko tsaka kinuha ang mga kubyertos ko.
"Bakit mo ba piniling pumunta rito? New discovered place gano'n?" Tanong niya habang kumakain.
Lumunok muna ako bago sumagot. "M-mahangin kasi rito, a-ang presko." Pagsisinungaling ko.
Hindi ako makatingin sa mata niya dahil alam niya kapag nagsisinungaling ako o hindi. Baka mag-alala lang siya kapag sinabi ko ang totoong dahilan.
"M-masarap ang n-niluto ko?" Pag-iiba ko sa usapan.
"Oo naman! Kahit araw-araw mo pa 'kong dalhin dito basta may adobo ayos ang! Pwede naman ding ibang putahe." Sagot niya tsaka tumawa.
Magpapatuloy na sana ako sa pagkain ng tumunog ang cellphone kong nakapatong sa lamesa. Pinunasan ko ang kamay ko bago ko kuhanin iyon.
"Nagchat si Xavier..." Bulong ko sa sarili ko, hindi ko naman napansin na narinig pala ni Madison iyon.
"Anong sabi niya? Oo nga pala! Baka hinahanap tayo no'n."
Binasa ko ang message niya.
Xavier Austine Ferrer:
'Nasaan kayo?'
Xavier Austine Ferrer:
'Kanina pa namin kayo hinahanap, wala kayo sa room niyo.'
Xavier Austine Ferrer:
'Mag-reply ka naman hehe, gutom na kami 😅😅😅'
Tumunog din ang cellphone ni Madison kaya naman agad akong napalingon doon.
"S-sino yung nagmessage sayo?" Tanong ko kahit alam kong si Xavier iyon dahil nakita ko ang pangalan niya.
"Si Xav, tinatanong kung nasa'n tayo." Sagot niya, akmang magtatype siya ng sagot ng pigila ko siya.
"Huwag mong sabihi kung nasaan tayo... pakiusap." Sabi ko. Nagtaka naman siya kaya naman nag-isip agad ako ng palusot. "A-ah, gusto ko k-kasing tayo lang dalawang ang may a-alam neto kasi... magbestfriends tayo."
"Huh?!" Tumabingi pa ang ulo niya. "Kaibigan din naman natin sila ah."
Patay!
"A-ano... pangbabae lang... gusto ko, tayong lang dalawa, walang ibang kasama."
"Are you okay? Bakit ka namumutla?"
"Hindi... ano! Kulang lang ako sa tubig, hindi pa kasi ako umiinom mula kanina." Sabi ko tsaka lumagok sa tumbler ko. "A-ano... huwag mo na lang replyan si Xavier... hindi naman 'yon mag-aalala."
Tumango naman siya. "Okay." Sagot niya bago ibaba ulit ang cellphone niya sa table.
"Ang sarap neto!" Papuri niya sa niluto ko.
"Mukha nga, paubos na ang sayo eh sa 'kin hindi pa nagagalaw." Sagot ko, parehas kaming natawa.
Pagkatapos kumain ay bumalik na kami sa room, buti na lang at hindi na naghintay doon si Xavier dahil sigurado akong papaulanan niya ako ng tanong.
Natapos ang buong klase namin ng matiwasay. Pinaalis ko muna sa isip ko iyong pag-iwas ko at si Xavier. Nag-aayos ako ng gamit ng magsalita si Madison, dismissal na kasi.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
Teen FictionPitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
CHAPTER 100
Start from the beginning
