Pero sa tuwing gagawin niya 'yon ay parang kumakawala ang puso ko.

"...Kapag gusto mo siya, laging gusto mo siyang kasama, parang hinahanap mo yung presensiya niya."

Gano'n ako! Kapag sasabihin niyang aalis kami at kakain ng ihaw ay hindi ako mapakali sa kakahintay sa kaniya, sa loob naman ng room ay maya't maya ang pagdungaw ko sa pinto at umaasang nandoon siya.

"... At sa huli, nasasaktan ka kapag may kasama siyang iba... o kaya kapag nalaman mong may iba siyang gusto."

♫♪ No, you don't know me well
And every little thing only time will tell... If you believe the things that I do
And we'll see it through.. ♫♪

"Bakit mo tinatanong? May gusto ko na ba?" Nakangising tanong ni Madison kaya naman lumayo ako sa kaniya.

"Hindi ko alam..." Sagot ko na lang dahil parang pumunta sa mukha ko lahat ng dugo ko dahil naramdaman ko ang pag-init no'n.

"Pa'nong hindi mo alam? Hindi mo alam kung sino? Gano'n ba 'yon?" Tanong niya tsaka tumawa.

Umayos ako ng upo at yumuko. Ayaw ko munang sabihin sa kaniya at baka makarating kay Xavier na gusto ko siya, baka bigla na lang siyang umiwas sa 'kin, ayaw ko yata no'n.

"Hindu ko alam kung crush ko lang ba siya o gusto ko na..." Sabi ko sa kaniya, agad namang lumaki ang mga mata niya.

Napaawang ang labi niya at kumurap-kurap. "Kyaaaaah!" Pagsigaw niya, agad ko namang natakpan ang magkabilang tainga ko. "Sino ba 'yon? Sino ba 'yong lalaking swerte at nauna mong nagustuhan, sino?" Niyugyog niya ang balikat ko, medyo nahilo pa 'ko dahil sa lakas no'n.

Dahan-dahan kong inalis ang kamay niyang nasa braso ko. Bumabaon kaya ang mga kuko niya roon, ang sakit kaya.

"Manahimik ka uy, ang lakas ng boses mo. Tinitignan ka na tuloy ng iba." Sita ko sa kaniya.

Sumunggap siya sa mukha ko kaya naman iniatras ko ang ulo ko. Kaunting galaw lang ay baka mahalikan niya 'ko.

"So... who's that lucky guy nga?" Pangungulit niya.

"Kilala mo naman siya... imposibleng hindi mo kilala yung lagi natin kasama." Sagot ko.

Indirect kong sinagot ang tanong niya dahil maraming nakatingin sa 'min, isa na roon si Audrey, kahit hindi niya sabihin ay alam kong may gusto rin siya kay Xavier, ayaw kong mag-away kami dahil sa isang lalaki.

"Si... Si Xav— hmp!" Bago pa matapos ni Madison ang litaniya niya ay tinakpan ko na ang bibig niyang hindi matahimik. Tumango na lang ako at binitawan ang bibig niya. "KYAAAAAH!"

♫♪ Life can be short or long
Love can be right or wrong
And if I chose the one I'd like to help me through... I'd like to make it with you... I really think that we could make it, girl. ♫♪

"Shikainah..." Tumindig ang mga balahibo ko ng marinig ang boses niya.

Lunch time na kaya naman nag-aayos kami ng gamit namin, pwedeng pumasok ang ibang mga estudyante sa ganitong mga oras kaya naman libre siyang nakakapasok sa room namin.

"Nandiyan na yung first love mo." Bulong ni Madison kaya naman bahagya ko siyang siniko, tumawa naman siya ng malakas.

"Huwag mong sasabihin sa kaniya... please " Pakiusap ko, nagpuppy eyes pa 'ko sa kaniya. Kinurot niya ang tagiliran ko.

"Hay nako naman! Ngayon ka nga lang pala nagkagusto." Aniya napasapo pa siya ng noo. "Sige, secret lang natin 'yon. Trust me."

"S-sige ba... basta ba libre m-mo." Sagot ko kay Xavier at ngumiti ng pilit, sana lang ay hindi ako mukhang natatae ngayon.

"Oo naman, tara na!" Kinuha niya ang bag ko at hinila ang siko ko.

Narinig ko ang impit na pagtili ni Madison sa likod namin kaya naman sinamaan ko siya ng tingin. Dumeretso kami sa canteen, lumapit kami sa isang malaking lamesa kung saan may nakaupo pang ibang lalaki at isang babae pero hindi ko kilala, yung mga lalaki ay mga kaibigan niya.

Umupo kami, katabi ko si Madison at Xavier. Ang sabi nila ay kumain na raw kami dahil nakapag-order na rin sila ng pagkain, ang dami nga no'n parang may fiesta.

Habang kumakain kami ay biglang may sinabi si Adriel na siyang nakapagpahinto sa 'kin sa pagkain.

"Xav, nililigawan mo na ba si pinkish cheeks?"

♫♪ Baby, you know that dreams there for those who sleep... Life is for us to keep... And if I chose the one I'd like to help me through... I'd like to make it with you... I really think that we could make it, girl... I really think that we could make it, girl.. ♫♪

"Shut up, Adi!" Sagot ni Xavier.

Hindi ko pinakita sa kanila na naapektuhan ako dahil sa narinig ko, nagpatuloy lang ako sa pagkain pero nakayuko ako at nakaharang ang ilang buhok ko sa harap ko.

Pinisil ni Madison ang kamay kong nasa binti ko kaya naman napalingon ako sa kaniya.

"You okay?" Bulong niya, tumango naman ko.

Bakit naman ako magiging hindi okay eh gusto ko lang naman siya, isa pa, hindi ko naman mapipigilan ang nararamdaman niya... na magkagusto siya sa iba.

Alam ko ng gusto ko siya dahil dalawang buwan na rin kaming magkaibigan at hindi ko alam kung kailan ko na naramdaman ito... itong ayaw ko.

Kapag gusto mo... gustuhin mo lang at huwag umasang magustuhan ka niya pabalik.

"Bakit hindi mo sabihin sa 'min? Nahihiya ka ba dre?" Natatawang tanong ni Vance.

"Huwag nga kayong maingay! Kaya ayaw kong sabihin sa inyo dahil ang daldal niyo!" Sita ni Xavier sa kanila.

"Ikaw ba, Aiden, kamusta yung crush mo an bestfriend mo?" Tanong ni Kayden na siyang bumuhay sa atensiyon kong pakinggan ang usapan nila.

"Wala... hindi ako umamin, umiwas din ako kahit nahihirapan ako, ayaw ko naman na masira ang pagkakaibigan namin 'no!"

Parang ganito rin ang nararamdaman ko. Gusto ko ang kaibigan ko. Dapat bang iwasan ko rin muna siya? Baka nalilito lang ako dahil lagi ko siyang kasama, ayaw kong masira ang pagkakaibigan namin... siguro nga dapat muna akong umiwas, hindi naman siguro niya iyon mahahalata.

"Binataw na si Aiden!" Sigaw ni Xavier kaya naman tumawa silang lahat.

"Psh! Shut the fuck up!" Singhal nang isa sa kanila.

"Pero tama naman ang desisyon mo, kaysa naman mawala yung pinagsamahan niyo... sakripisyo 'yon ah! Gago! Ang bata pa natin para d'yan." Sambit ni Maurence sa kaniya.

Siguro nga masyado pa kaming bata. I’m still exploring new feelings and new things, maybe it’s just like this because I’m looking for an experience that I see in others.

Hindi niya naman siguro mahahalata ang gagawin ko... kaibigan ko siya at takot akong masira iyon.

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionWhere stories live. Discover now