Lagi akong kinakabahan kapag nasa malapit siya. Pinagpapawisan ako kapag nakakausap ko siya. Lumalakas... bumibilis ang pagpintig ng puso ko sa tuwing tinitignan niya 'ko at sa tuwing hahawakan niya ang kamay ko... na normal na naming ginagawa.

"Bakit?" Tanong niya. "Huwag mong sabihing irereview kita, wala ako sa mood magbasa. Ang sakit kaya nung ulo ko sa lesson natin kanina sa math." Dagdag niya at dumukmo sa lamesa.

Kakaalis lang ng math teacher namin, mga limang minuto lang ay darating na ang susunod naming teacher kaya naman hindi na kami lumabas. Ang daming sinovle kanina kaya kahit ako ay nahirapan sa mga sinasagutan.

"Hindi 'yon... may itatanong lang sana ako." Nahihiyang sabi ko pero bulong lang iyon dahil katabi ko si Audrey at baka marinig niya ang sasabihin ko, ayaw kong magalit siya sa 'kin.

Napapagitnaan nila akong dalawa. Si Eiya ay parang lasing na inuumpog ang ulo sa lamesa habang si Audrey ay naglalaro sa cellphone niya, ang lakas nga ng volume no'n kaya rinig na rinig.

"Ano 'yon, Shikainah Gomez, bakit napakaseryoso yata ng tanong mo?" Sabi niya at nag-angat ng ulo.

Bahagya akong lumapit sa kaniya, hinila ko ang upuan ko para mas makalapit pa. Tinakpan ko ang mukha ko habang bumubulong sa tenga ni Madison.

"Nagkacrush ka na ba?" Tanong ko, umiinit ang pisngi ko ng maala ang tumatawang mukha ni Xavier.

"Oo naman! Marami akong crush 'no! Kailangang dagdagan para hindi masaktan!" Sagot niya bago tumawa.

Gano'n ba talaga iyon? Dapat marami kang crush? Hindi ba dapat ay isa lang dahil ang pangit tignan kung napakarami mong gustong lalaki... ang sabi ni lola ay iisa lang ang nagustuhan niyang lalaki at si lolo iyon. Kaya dapat isa lang.

"Pa'no mo ba malalaman kapag crush mo na isang tao o kung gusto mo na siya?"

♫♪ Dreams, they're for those who sleep... Life is for us to keep... And if you're wondering what this song is leading to... I want to make it with you
I really think that we could make it, girl... ♫♪

"Kapag crush mo, parang hinahangaan lang naman 'yon, gaya nung mga kpop, crush ko sila kasi nga hinahangaan ko sila sa pagkanta... crush.. paghanga 'yon." Sagot niya sa 'kin.

"Pa'no naman kung gusto mo na siya?" Bulong na tanong ko.

"Kapag gusto? Hindi ako sigurado eh... pero kung ako ang tatanungin mo, sasabihin ko lang sayo ang pakiramdam nung may gusto ako kay Trevor."

Si Trevor yung sinasabi niyang gusto niya noong isang araw sa 'kin, nakita niya raw itong naglalakad tapos matamaan daw ang puso niya kaya gusto niya siya. Hindi ko lang maintindihan kung bakit ang bilis niyang magkagusto sa lalaki.

Minsan ay nakikita ko silang magkausap at magkasama. Nagtatawanan nga sila minsan at halatang komportable sa isa't isa. Namumula rin minsan ang lalaki kapag magkasama sila kaya mukhang gusto niya rin ang kaibigan ko.

"Sige... ano yung pakiramdam mo?" Tanong ko. Nahihiya pa nga ako dahil baka asarin niya 'ko.

"Kapag nandiyan siya ay parang kinakabahan ako... parang nahihiya ako sa kaniya tapos kapag magkausap kami kinikilig ako!" Sagot niya, kumibot-kibot pa ang katawan at namula pa ang pisngi. "Kinikilig ka na parang nagwawala ang puso mo, parang hinahaplos ba."

Kinakabahan... gano'n din naman ako kapag kasama namin si Xavier... parang hindi ako mapakali sa kinauupuan o kinatatayuan ko.

Kinikilig... parang nanlalambot ang tuhod ko kapag inaakbayan niya 'ko, ang sabi niya ay normal lang ang ginagawa niya sa magkaibigan kaya hindi ko binibigyan ng malisya ang mga ginagawa niya.

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon