"Bakit ko naman i-coconfirm, malay mo naman napindot niya lang." Sabi ko bago nagsulat sa notebook ko.

Posible iyon, minsan kasi ay tumatambad sa mga 'people you may know' ang facebook account natin, baka aksidente lang na napindot niya 'yon kaya naman hindi ko na pinansin.

"Ang gaga mo! Andyan na ang grasya oh! Bakit mo pa sasayangin?" Parang nanghihinayang pa siya sa tono niya.

Hindi siya nakatingin sa 'kin dahil nakatutok siya sa salamin at naglalagay siya ng mascara raw iyon sabi niya, inilalagay niya sa pilik mata niya.

"Hala! Bakit mo dinelete! Siraulo ka naman!"

♫♪ I knew I loved you then
But you'd never know
'Cause I played it cool when I was scared of letting go... I know I needed you... But I never showed... But I wanna stay with you until we're grey and old... Just say you won't let go
Just say you won't let go... ♫♪

Kinabukasan ay gano'n ulit ang nangyari, nagbukas ako ng facebook at friend request niya ang nakita ko.

Wala si Madison, hindi siya pumasok, nagtext naman siya na sinugod sa hospital ang lolo niya kaya wala siya ngayon, kaya lang naman ako nagbuklat ng facebook messenger ay para mangumusta sa lagay ng lolo niya.

Madison Canilaz:

Kamusta si lolo mo? Sana maging ayos na siya ^_^

Pagkatapos kong isend iyon ay pinatay ko na ang cellphone ko at nagbasa ulit ng libro, hindi pinansin ang request niya.

Nasa library lang ako ngayon, laging iyon ang ginagawa ko tuwing wala akong kasama. Wala naman akong ibang kaibigan na pwedeng pakisamahan kaya naman mas gusto ko ang mapag-isa kaysa sa makibelong sa iba.

"Symphony is a multi-movement for orchestra, the symphony derived from the word 'sinfonia' which means 'a harmonious sounding together'" Pagbabasa ko, sana lang ay hindi ko makalimutan dahil sa rami ng mga ito. "It is a classical music for the whole orchestra, generally in four movements... Ay pusakandado!" Nagulat na lang ako ng biglang may umupo sa harap ko. Humigpit ang hawak ko sa libro dahil nakalimutan ko tuloy ang binabasa ko.

"N-nagulat ba kita?" Kabadong tanong ni Xavier.

"Oo... bakit hindi mo kasi sinabing uupo ka pala riyan, nawala tuloy ang binabasa ko." Sagot ko bago hanapin ang paragraph kanina.

"Sorry... g-gusto ko lang maki-share ng upuan." Aniya, nahihiya pa.

Inilibot ko ang paningin ko, gano'n na lang ang pagsalubong ng kilay ko ng makitang iiilan lang ang mga tao rito at maraming lamesang pwedeng pagpatungan ng libro.

"Maraming bakanteng upuan diyan, oh, bakit hindi ka na lang pumili riyan." Sabi ko bago ihulog ang mga mata ko sa librong nasa tapat ko.

"Gusto ko rito..."

♫♪ I'll wake you up with some breakfast in bed
I'll bring you coffee with a kiss on your head... And I'll take the kids to school... Wave them goodbye
And I'll thank my lucky stars for that night... ♫♪

"Bakit? Hihiramin mo ba ang hawak kong libro, oh." Sabay abot sa libro. "Iyo na, hahanap na lang ako ng iba." Akmang tatayo ako pero hinawakan niya ang palapulsuan ko, ayan nananaman ang kuryenteng nararamdaman ko kapag dumikit ang balat niya sa balat ko.

Hinigit ko ito pabalik at umupo na lang, binawi ko ang libro, baligtad niya kasing binabasa 'yon.

"Alam kong may gusto kang sabihin, spill it out." Sabi ko sa kaniya.

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionWhere stories live. Discover now