Para akong kinuryente ng maglapat ang balat namin nung lalaking nakabunggo sa 'kin, dadamputin niya rin sana ang librong hinawakan ko.

Dahan-dahan kong inangat ang paningin ko at do'n ko nakitang si Xavier yun! Yung picture na pinakita ni Madison sa 'kin kanina! Parang nahihiya pa siyang tumingin sa 'kin, at the same time ay nag-aalala dahil sa sama ng tingin ko sa kaniya..

"Sorry..." Sabi niya bago tumayo at naglakad paalis.

Yun na yon?

♫♪ You'll always be a part of me
I'm part of you indefinitely
Girl don't you know you can't escape me... Ooh darling cause you'll always be my baby... And we'll linger on... Time can't erase a feeling this strong... No way you're never gonna shake me... Ooh darling cause you'll always be my baby..♫♪

"Ay, gano'n na lang 'yon? Hindi man lang pala gentleman. GWAPO pa naman siya." Reklamo nitong kasama ko ng magpatuloy kami sa paglalakad.

Nagkagulo-gulo tuloy ang mga bond papers na inayos ko lang kanina. Nalukot pa yung iba dahil sa bilis ko magpulot. Nakakainis naman kasi yung lalaking 'yun eh. Parang hari kung maglakad.

"Ayan ang sinasabi ko sayo, huwag kang masyadong magpapadala sa kagwapuhan ng mga lalaki, ang pangit naman ng ugali." Pangangaral ko sa kaniya.

Hindi naman sa bitter ako sa mga lalaki, ayaw ko lang talaga ng mga lalaking matapobre at parang mga presidente kung gumalaw.

Gusto ko yung lalaking gusto ako, yung lalaking swabe at maayos ang galaw, yung kaya akong tulungan at pasayahin kahit na anong mangyari.

At isa pa, napakabata pa namin para sa mga ganiyan. Grade 9 pa lang kami at dapat pag-aaral lang ang inaatupag namin ngayon pero tignan mo itong kasama ko, araw-araw yata ay iba-iba ang gusto. Sabi niya ay crush niya lang naman ang mga 'yon, walang malisya at hindi naman seryoso.

"Opo, nay. Ayaw kong gumaya sayo baka forever single ako." Biro niya pa tsaka natawa.

Books before love. Love can make you cry... books can give you knowledge.

♫♪ I know that you'll be back girl
When your days and your nights get a little bit colder oooohhh
I know that, you'll be right back, babe... Ooooh! baby believe me it's only a matter of time. ♫♪

"Woi! Inah... nasa labas yung lalaking nakita natin kanina oh." Sabi ni Madison, lunck time na namin kaya nag-aayos muna ako ng gamit.

Napabuntong hininga na lang ako dahil makaramdam nanaman ako ng inis. Muntik ko ng hindi naipasa ang mga gawa ko kanina sa math dahil nalito ako sa pagkakasunod ng mga 'yon.

"Hayaan mo, baka may pakay na iba 'yan." Sabi ko sa kaniya bago buhatin ang bag ko. "Tara sa canteen," pang-aaya ko.

"Wow, girl, totoo ba 'yan? Himala na bang matatawang 'yan? Papapyesta na ba ako?" Sarkastikong sambit niya.

"Nakalimutan kong magbaon eh, anong magagawa ko? Magpapagutom ako?"

Nahuli kasi ako ng gising kanina dahil napuyat ako kakareview ng math namin, ang hirap kayang imemorize ng mga formula at sample solutions, tiniis ko na nga ang gutom mula kanina dahil hindi ako nakapag-almusal.

Sulit naman 'yon dahil perfect ako sa quiz namin. Kahit na halos magdugo na ang utak ko kakaisip nung mga quadratic formula ay nairaos ko rin

"Dahil ngayon lang kita nakitang kumain sa canteen, ililibre kita!" Sabi niya at inaangkla pa ang kamay sa braso ko.

"Para ka namang sira, may pera ako ‘no!"

"Sino bang nagsabing wala ka?" Sarkastikong aniya.

Lumabas kami ng room, bago pa kami makalampas sa lalaki ay hinarangan niya na kami. May dala siyang milktea na hindi pa nabubuksan. Iba talaga kapag mayaman, milktea ang tanghalian.

"Miss..." Tawag niya ng akmang lalampasan namin siya.

"Bakit?" Nakangiting tanong ni Madison.

"Here." Sabay abot sa hawak niya.

♫♪ You'll always be a part of me
I'm part of you indefinitely
Girl don't you know you can't escape me... Ooh darling cause you'll always be my baby... And we'll linger on
Time can't erase a feeling this strong
No way you're never gonna shake me
Ooh darling cause you'll always be my my baby... ♫♪

"Anong gagawin ko d'yan?" Tanong ko sa kaniya dahil sa 'kin nakatutok ang hawak na milktea.

"Sorry sa kanina... nagmamadali lang po ako... kaya umalis agad ako." Sabi niya ng hindi nakatingin sa 'min. Sa lupa nakatingin ang mga mata niya.

"Ayos lang, tapos na rin yun, pasalamat ka at naipasa ko yung mga gawa ko kanina." Sabi ko pero hindi ko pa rin kinukuha ang dala niya.

Hindi ko naman kasi alam kung para sa 'kin ba 'yon o kay Madison, malay ko ba kung pinapaabot niya lang 'yon dahil nahihiya siya rito sa kasama ko.

"Hindi ko sinasadya yung kanina... nakaharang ka kasi at hindi ka nakatingin sa dinadaanan mo." Pagsumbat niya pa.

Kumunot naman ang noo ko, nagsalubong na rin ang mga kilay ko dahil sa sinabi niya. Nakaramdam ako ng inis dahil do'n. Sinabi niya lang ba na kasalanan ko yung nangyari kanina? Ang kapal naman neto.

"A-ah... pasensya ka na sa kaibigan ko, libro lang kasi ang tinitignan neto." Halata ang pagkasarkastiko ni Madison ng sabihin niya 'yon. "Kung may hinanakit ka dahil nabunggo yang chest mo ng ulo niya, go lang, ilabas mo, handang kaming makinig." Dagdag pa ng siraulo. Tumawa naman 'tong lalaki.

"Baka gusto mong abutin, nangangalay na kasi ako." Reklamo niya.

Pinagtaasan ko naman siya ng kilay. Siya na nga ang nagpunta rito at iniaabot ang hawak, kami pa ang sisisihin, hindi naman kami ang may kasalanan kung bakit siya nangangalay.

Kinuha ko naman 'yon. "Ano 'to? Suhol?"

"No." Mabilis na sagot niya. "You know Audrey?"

"Yes."

"Pakibigay sa kaniya, pinabibigay ko kamo." Sabi niya bago tuloy-tuloy na umalis at iniwan kaming nakalaglag ang panga.

♫♪ You'll always be a part of me (you will always be)
I'm part of you indefinitely
Girl don't you know you can't escape me... Ooh darling cause you'll always be my baby... And we'll linger on (we will linger on....)... Time can't erase a feeling this strong... No way you're never gonna shake me... Ooh darling cause you'll always be my baby.. ♫♪

"Punyemas ang bwisit na 'yun!" Inis na mura ko, gusto kong ibalibag ngayon ang hawak ko pero naalala kong hindi pala sa 'kin 'to.

"Lakas ng trip nun, akala ko pa naman matino dahil sa matino ang picture." Ani Madison.

"Ayos lang ba 'yon? Baka nakadrug 'yon ah."

Ipatokhang ko na kaya?

"Hindi naman siguro. Kung siya ang nakadrugs, bakit parang ikaw ang may tama sa kaniya?"

Pabalibag kong binigay sa kaniya ang hawak ko, agad naman niyang sinapo 'yon.

"Ibigay mo raw kay Audrey!" Sabi ko bago ako naglakad papunta ng canteen.

Nakainis!

♫♪ Always be my baby ♫♪

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon