"Ano na? Ang gwapo niya 'no? Kaya nga hinaharot na siya ni Audrey maharoy." Sabi niya.
Gwapo naman talaga siya, profile niya ay yung nasa beach siya, nakabeach shorts siya habang nakabukas ang butones ng long sleeve niyang nililipad ng hangin.
Napakabata pa niya pero ang ganda ng katawan niya, kung tutuusin nga ay pagkasing-edad lang kami pero parang may matured pa siya, samantalang ako, eto... payatot pero maganda pa rin.
"Parang ngayon ko lang nakita ang mukha niya." Sabi ko nang ibalik ko kay Madison ang cellphone niya.
"Duh! Hindi ka kaya lumalabas ng room, lagi kang may baon tapos minsan nasa library ka, pa'no mo naman siya makikita, aber?" Sagot niya, bahagya pa 'kong sinabunutan.
"Single raw, Inah! Tignan mo oh, bagay na bagay kayo!" Pagtili niya habang nag-s-scroll sa cellphone niya.
"Eh ano ngayon kung single siya? Hindi ko siya tipo 'no! He's fanget!" Pang-gagaya ko sa tono ng pananalita niya.
♫♪ You'll always be a part of me
I'm a part of you indefinitely
Girl don't you know you can't escape me... Ooh darling cause you'll always be my baby. ♫♪
"Iaadd mo kaya sa facebook, malay mo siya na ang the one mo oh!" Suhestyon ni Madison.
"Hindi ako nagbubukas ng gano'n." Sagot ko.
Totoo 'yon, wala akong panahon para gamitin ang mga gano'n na apps, bubuksan ko lang iyon kung may ipapatanong si mama kina lola na nasa Batangas, kung wala namang katuturan ang gagawin ko ay hindi ko na bubuksan iyon.
"Hello girl! Anong panahon na pero hindi ka pa rin nagbubukas no'n, meron ka namang account bakit hindi mo kaya subukang itry!" Pangungulit niya, niyugyog niya pa ang braso ko.
Ano ba naman kasi 'tong babaeng 'to? Kita naman niyang nagbabasa ako rito dahil may quiz kami mamaya sa English tapos bigla niya 'kong guguluhin. Hay nako.
"Wala akong panahon sa gano'ng usapan, Madison. Mabuti pa kung libro ang iharap mo sa 'kin baka pagtuunan ko pa ng pansin. Books are better than cellphone." Nakangising sabi ko sa kaniya bago ipagpatuloy ang pagbabasa ko.
"Kaya wala kang love life eh! Ang boring ng buhay mo, gaga!"
♫♪ I ain't gonna cry no
And I won't beg you to stay
If you're determined to leave girl
I will not stand in your way
But inevitably you'll be back again
Cause ya know in your heart babe
Our love will never end no. ♫♪
"Tara na nga, baka magring pa ang bell, medyo malayo pa naman ang building na 'tin." Pang-aaya ko kay Madison habang inaayos ko ang mga gamit ko ngayon.
"Ikaw ang pumili netong lugar na 'to tapos magrereklamo ka, sira na rin ulo mo eh!" Sabi niya, tinawanan ko lang siya.
"Pa'no niyan mamaya? May quiz tayo tapos inatupag mo 'yang cellphone mo." Ani ko habang naglalakad kami.
"Ayos lang, nandiyan ka naman." Nakangising sabi niya.
"Sira ka talaga— Aray!" Sabi ko na lang dahil may nakabungguan ako habang palabas kami ng library.
Ang sakit ng noo ko ah, tao pa ba yung nakaumupugan ko? Napaupo na lang ako sa lupa dahil sa lakas ng impact nun.
"Ayan, lampayatot ka kasi." Sabi ni Madison at tinulungan akong kuhanin ang mga gamit kong nagkalat sa sahig.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
Teen FictionPitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
CHAPTER 97
Start from the beginning
