"Inaantok ako." Wala sa sariling sabi ko.

"Balik muna tayo sa department store tapos matulog ka muna ro'n sa mattress nila, balikan ka na lang namin mamaya."

"Ang galing mo d'yan, napakatalino mo." Sarkastikong sabi ko.

Hiwakan niya ang noo ko. "Hala! Sira ka! Nilagnat ka eh, bakit ka pa sumama?"

"Hindi naman ako nilalagnat kanina." Sagot ko bago hinimas ang sentido ko.

"Ano?! Ano ka, allergic sa aircon? Nung nakaramdam ng lamig biglang nilagnat? Wag me." Maarteng sabi niya.

"Sinisipon lang ako kanina pero— Wala... joke lang 'yon, hindi ako nilalagnat, normal na temperatura ko na lang 'to." Sabi ko at paunang  naglakad na.

Pa'nong hindi ako magpapanggap na wala lang eh nung nakita ko yung iba, parang lahat sila nag-aalala tapos si Asher ang sama ng tingin sa 'kin, inaano ko kaya 'yon? Wala naman akong ginawa.

Si Kayden, parang wala lang, parang naiinip lang habang naglalaro sa cellphone niya, free wifi raw kaya naglalaro siya nung mobile legends ba 'yon? Ewan ko.

Si Mavi at Kenji naglalaro ng pitik bulag, si Eiya? Bumalik, nasa tabi na siya ni Elijah na ngayon ay pinagtitripan siya, pikon naman nung isa parang gusto niya ng ipakulam ang lalaki.

Naramdaman ko ang pagsunod nila kaya pasimple akong umubo sa kamay ko, buti na lang pala may panyo ako sa bulsa, kahit hindi na 'ko magdala ng tissues okay na.

Bumaling ulit ako sa kanila. "Sa'n kasi tayo pupunta niyan?" Tanong ko sa kanila.

Nanguna pa naman ako sa kanila tapos hindi ko alam kung sa'n kami pupunta. Kanina, sabi nila ilagay muna namin sa kotse ang mga binili namin para makapamasyal kami kasi maaga pa nga raw.

"Ewan ko, sumusunod lang naman ako sa inyo." Sagot ni Alzhane.

"Hindi ko naman alam na susunod kayo."

*Sniff*

"Nauna kang naglakad kaya sumunod kami sayo, follow the monggoloid, gano'n." Sabi ni Vance tsaka tumawa.

Binatukan naman siya ni Trina. "Mas mukha ka pang monggoloid sa kaniya."

"Sus! Crush mo nga ako eh!"

"Lakas ng amats mo pre, kailangan ka ng ipatokhang."

Nagulat ako ng biglang hablutin ni Kayden ang mga hawak ko, tumatawa pa 'ko eh, bakit bigla ka na lang mangahablot, snatcher ka ba?

"Ilagay muna natin sa kotse ni Vance ang mga 'to." Sabi niya bago kami talikuran.

"Anyare ro'n?" Tanong ko kay Eiya. "Mood swings? Hindi naman siya babae—AAAAAH!" Napasigaw na lang ako ng bigla akong buhatin ni Adriel na parang sako ng bigas.

"Stop. Ihuhulog kita." Banta niya habang naglalakad kami, masakit na nga ang katawan ko, masakit pa ang tyan ko dahil sa balikat netong lalaking 'to

Pinaghahampas ko ang likod niya at pinagsisisipa ko ang paa ko, ang dami kayang nakatingin sa 'min ngayon tapos bigla niya na lang akong bubuhatin.

"Ibaba mo 'ko!" Sabi ko.

"Tumigil ka o iiwan ka namin dito." Banta niya, tumahimik naman ako, napagod na rin ako sa kakasigaw 'no, tuyo kaya ang lalamunan ko.

Nakayuko lang ako at ayaw tignan ang nasa paligid ko, masama ang pakiramdam ko kaya naman parang nakaidlip ako sa balikat ni Adriel. Malayo pa naman ang parking lot netong mall sa pinagbilhan namin.

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionWhere stories live. Discover now