"Malay mo makatulong sila sa 'tin 'no!"
"Anong gagawin natin ng gan'tong oras? Magbebenta ng gatas?" Tanong ni Asher.
"Yakie, sabihin mo na." Utos ni Xavier.
"Luh, bakit ako?" Tanong ko.
Napapahiyang ngumiti siya at kumamot ng ulo. "Tulungan niyo 'ko, haharanahin ko rin si Shikainah." Sabi niya.
"Naks! Basta sa babae ang daming alam 'no, pero sa quizzes walang maisulat." Nakangiwing sabi ni Eiya.
"Iba naman 'yun uy!" Singhal netong isa.
"Sing her a song." Suhestyon ni Kayden, wow naman, nakakapasok pala 'to ng gan'to kaaga.
"Marunong ka naman hindi ba?" Tanong ni Trina.
"Oo... pwedeng ikaw ang maggitara?"
"Sheeet! Oo naman! Para bagay na bagay kami nung gwapong gitarista kahapon!" Sigaw niya at tumili. Binatukan naman siya ni Vance na halatang nainis dahil sa kaingayan niya. "Ano ba?! Kahapon ka pa ah, bakit ka ba nambabatok ha?" Inambahan niya ng sapak ang lalaki.
"Hindi ba napapagod yang bunganga mo kakagawa ng ingay ha?" Inis na sabi niya.
"Edi wag mong pakinggan, problema ba 'yon?"
"Yon nga eh, kahit hindi ko pakinggan, naririnig ko dahil sa lakas no'n!"
"Patanggal mo ang tenga mo para hindi ka na magreklamo!"
*Sniff* *Singhot* *Sniff*
"Tumigil nga kayo, ang sakit na nga ng ulo ko eh!" Sita ko sa kanila.
Eto yung dahilan kung bakit ako naiinis kanina kay Xavier dahil sa sinundo niya 'ko ng maaga. Kagabi kasi naramdaman ko ang pagsakit ng ulo ko. Nahihirapan din akong lumunok, masakit ang lalamunan ko.
Tapos kaninang umaga, parang ang bigat ng katawan ko, panay din ang pagsingha ko dahil sa sipon ko, feeling ko talaga may kinalaman yung pagbuhos sa 'kin nina Madison ng tubig sa likod ko kaya gan'to eh, hindi pa naman ako marunong uminom ng gamot.
"Yuck! Virus ka!" Singhal sa 'kin ni Kenji ng punasan at sumigha ako ng sipon ko sa tissue'ng dala ko.
"Grabe ka naman! Sipon lang, virus agad?"
"Lumayo-layo muna tayo kay Yakie baka mahawaan niya tayo tapos mamatay tayo!" Anunsiyo ng animal, gumamit pa ng papel na rinolyo para palakasin yun.
"Punta tayo ng mall mamaya, bili tayong pandecorate." Suggestion ni Alzhane.
"Bili rin tayo ng pagkain tapos mag-picnic na lang tayo rito sa loob." Dagdag ko pero ngumiwi lang sila. Ano? Wala naman akong sinabing mali ah.
"Maisingit lang talaga." Parinig ni Elijah.
"Ako ang magdedecorate!" Prisinta ni Eiya. "Bili kayo nung mga heart-heart na balloons at bili kayo ng pink na crepe paper. Bili ka ng chocolates at flowers para maganda."
"Harana ang gagawin, Zycheia, hindi Valentine's day gift." Sabi ni Maurence.
"Edi, maghanap na lang tayo nung pwedeng ipandecorate sa mall, bahala na kung anong gawin natin bukas."
"Wag niyo ng pakabonggahan, baka bigla niya 'kong yayain ng kasal." Taas noong sabi ni Xavier.
"Asa ka naman! Ayaw ka ngang balikan!" Pang-aasar ni Kenji sa kaniya.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
Teen FictionPitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
CHAPTER 94
Start from the beginning
