Anong ganap neto?
"Ayan ang kaibigan mo! Umalis na kayo!" Sigaw niya.
"Anong ginagawa mo, Violet?!" Inis na tanong ni Jonas, gusto niya pa yatang itulak ang babae sa inis.
"Hayaan mo na sila Jonas! Nandito ako, oh!" Sagot niya sa lalaki tsaka bumaling sa 'min. "Umalis na kayo, umalis ka na, Inah! Ako na lang ang pupwesto sayo!"
Natawa ako ng sarkastiko. Nilakasan ko pa 'yon tsaka pumalakpak. Naglakad ako paikot sa kanila para dama ang sasabihin ko.
"Pinapaalis mo si Shikainah kasi ikaw ang papalit sa kaniya." Tumawa ako ng malakas hanggang mainis ang mga tao rito. "Ano ka? Abangers?" Sabi ko mismo sa mukha niya.
"So... anong pinapatunayan mo?" Mataray na aniya.
"Na maharot ka... na gusto mo ikaw ang gusto ng mga gwapo. Diba?"
Bumalatay ang inis sa mukha niya. Yan gan'yan, sa paraan lang ng pananalita.... gamit ang bunganga naiinis na kita, pa'no pa kaya kapag pisikalan na?
"Ano bang ginagawa niyo?" Sumabat si Madison. "Jonah is here to propose to Shikainah." Bumaling siya kay Shikainah. "Yes or no? Ang bagal mong sumagot!"
Tumingin ako kay Shikainah na halatang nagulat sa pagsigaw Madison. Umatras siya papunta sa likod ko, parang batang nagtatago.
"Mahal ko si Xav... sorry Jonas." Umiiyak na sagot niya. Narinig ko agad ang hindi mamatay-matay na bulungan ng mga bubuyog sa paligid.
"Shocks!"
"Kaloka! Manggagamit!"
"Ang tagal na nanliligaw ni Jonas sa kaniya, tapos sasabihin niyang mahal niya pa yung basurang 'yon?"
"Kung ako sayo, kay fafa Jonas ka na!"
"Wala tayong magagawa, mahal niya yung tao!"
Napangisi ako sa mga chanak na nasa harap ko. Pero sa loob-loob ko ay nagsasaya ako dahil sa sagot niya. Alam kong magiging masaya silang dalawa. At isa pa... alam kong mapipilitan lang si Shikainah na piliin si Jonas dahil sa mga 'kaibigan' niya.
"Hindi ka na mahal ni Xavier!" Sigaw ni Audrey, siya yung clown 2, yung laging nag-uulit sa sinasabi ng mga leader quack quack niya.
"Sinong mahal niya? Ikaw? Asa!" Paggaganti ko para kay Shikainah.
Sa kanilang lahat, si Shikainah ang pinakamababa at pinakaaburado dahil hindi siya lumalaban sa kanila, natatakot yata siyang itakwil ng mga kaibigan niya. Kahit na sinasaktan na siya ay hindi mo siya makikitang lalaban ng salitaan, lagi siyang nakayuko at humihikbi.
Ilang beses namin siyang nilapitan ni Heira pero sinusungitan niya lang kami, bagay na hindi niya magawa-gawa sa mga chanak na 'to, ako ang naiinis para sa kaniya eh!
"Tumigil ka!" Sigaw pa ulit ni Audrey.
Ngumisi ako ng nakakaloko. Wag niyo kong sagarin ngayong badmood ako dahil kay Vance! Hindi niyo matatalo ang bunganga ko, marami pa namang alam na bala at bomba ang lalabas dito.
Ayoko ng sinigawan ako dahil nasasapawan ang boses ko, naiinis ako dahil naririndi ang tenga ko sa mga kasinungalingang pinagsasabi nila.
"Akala mo ba hindi ko alam na gusto mo si Xav? Hahahaha! Ulol! Sumali kaya kayo ro'n sa Enteng Kabisote tapos kayo yung abangers?!" Suhestyon 'ko.
Mukha naman kasi silang bruhang may kapangyarihan, kapangyarihan na manlait at manakit ng iba. Parang sila talaga yung mga nasa palabas na 'yun eh! Hindi kayang talunin ang kalaban ng walang kasama. One for all, all for one. Kaibahan lang nila, sila yung mukhang bibe.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
Teen FictionPitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
CHAPTER 93
Start from the beginning
