"Inah... I love you... will you be my baby?" Tanong ni Jonas kay Shikainah na umiiyak.

Sayang ang retouch.

"Jonas..." Bulong niya.

"Sagutin mo 'ko ngayon, liligawan kita hanggang sa dulo ng panahon." Sambit ni Jonas habang nakaluhod.

May pa-singsing effect pa siya, akala mo naman ay kasal ang ibibigay.

"SSSSHEEEET!"

"Ang ganda nung singsing! Bagay sa 'kin!"

"Sagutin na 'yan! Sagutin na 'yan!"

"Bagay na bagay sila! May chemo silang dalawa!"

"Anong chemo? Chemistry yun gaga!"

"Kita mo talagang mahal nila ang isa't isa!"

Hindi makasagot si Shikainah, inilibot niya ang tingin niya at saktong tumama sa 'kin 'yon, parang naghihingi siya ng tulong sa 'kin dahil pumupungay ang mga mata niya.

Napapalunok siyang tumingin kay Jonas na ngiting-ngiti sa kaniya. Lumingon si Shikainah kay Madison, tumango naman siya.

Unti-unti niyang iniabot ang kamay niya kay Jonas pero bago pa magkalapat ang mga palad nila ay kusang gumalaw ang katawan ko at pinigilan sila.

"Pa'no si Xavier ha?!" Sigaw ko sa kaniya.

"Trina..."

"Sino ka?" Tanong ni Jonas.

Hindi ko siya pinansin. Hindi siya ang kausap ko! Si Shikainah... dapat tama ang magiging desisyon niya.

"Hindi mo na ba siya mahal ha?!"

Lumapit sa 'min sina Madison, nanlilisik ang mata, king ina anong kinagagalit ng mga demonyitang mga 'to?

"Huwag mo nga siyang pangunahan!" Sita niya.

"Hindi ko siya pinangunguhan! Gusto ko lang maging tama ang desisyon niya, bobo!"

"Did you just call me 'bobo'?"

"Oo, kasi hindi ka makaintindi!"

"How dare you!"

Tignan mo 'tong babaeng 'to, talagang sisingit siya para lang magkaroon ng eksena.

"Talagang pinigilan nila ah."

"Ang pangit naman ng pasok nila sa eksena."

"Mga kontrabidang frog."

"Ano bang pinagsasabi netong girl, baliw ba siya?"

"Nangengealam siya sa buhay ng iba."

Narinig ko ang bulungan na 'yan pero wala akong panahong makipagtalaktakan sa kanila, si Shikainah ang kailangan kong makausap.

"Shikainah... papayag ka talagang maging girlfriend niya?"

"Trina kasi---!"

"Akala ko ba ay si Xavier ang mahal mo, ano 'to?" Pangongonsensiya ko.

Isang araw ay narinig ko siyang umiiyak sa may hagdan ng last building, hindi ginagamit 'yon kaya walang taong nakakakita sa kaniya.

"Shut up!" Sigaw ni Jonas.

Hindi ako sumulyap man sa kaniya, bigla na lang pumagitna sa 'min si Violet at hinarang ang dalawang braso sa harap ni Jonas tapos tinulak si Shikainah papunta sa 'kin

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionWhere stories live. Discover now