"Si Wonderwoman ka na pala ngayon?" Sarkastikong tanong ni Eiya.

"Tinulungan ko lang yung tao."

"Syempre hindi siya hayop." Sabat ni Hanna.

Natigilan kami sa pagsasalita at nalaglag ang mga panga namin. Hindi dahil nagulat kami sa pagsabat niya kundi dahil sa makapigil hiningang sagot niya.

Hinawakan ni Alzhane ang siko niya. "Ah, oo hehehe... Shh ka na lang muna tayo rito." Aniya.

"Nako 'te! May point naman siya! Hindi nga naman hayop si Ano.. lam niyo na 'yun. Tao siya, tao!" Pangungumbinsi ni Trina.

"Bilisan niyo na nga! Nagugutom na 'ko ih." Sabi ni Eiya tsaka kami hinila.

"Anong meron?" Tanong ko.

Nagkukumpulan kasi ang mga estudyante sa loob ng canteen. Hindi na dapat ako nagtataka kung maraming tao ngayon dahil lunch time naman. Talagang maingay at maalinsangan.

Pero parang may kakaiba eh, ang ingay masyado, may nagtitilian pa. May hawak na pulang banner ang iba sa kanila na animo'y may liga.

Baka meron nga, narinig ko kasi nung isang araw na nagpapractice na ang varsity basketball team, baka ngayon ang laban nila o kaya naman ay practice lang tapos nag-chi-cheer lang sila kaya gan'yan ang hawak nila.

"Nasa'n kaya yung batang hapon na matsing?" Wala sa sariling tanong ko nung makaupo na kami.

Nakakapagtaka lang dahil ang daming bakanteng upuan at lamesa, nasa iisang pwesto lang talaga ang mga estudyanteng 'yun. Kung ano mang ginagawa nila ay hindi ko alam.

Mula sa entrance hanggang sa gitna ng canteen ay nakakumpulan nila, pumipila ba sila sa ayuda?

"Sheeet ang gwapo mo, Jonas!"

"Ang swerte ni Inah ‘no?!"

"Grabeng preparation 'to ah."

"Kakainggit naman!"

"Kung gan'to ba naman ka-eeffort ang manliligaw ko, handa na 'kong magpa-plastic surgery para maging kamukha ni Shi!"

"Asa ka namang tatalab sayo ang anesthesia, ang kapal kaya ng pezlak mo."

"Ang sama ng bunganga mo ah!"

Yan ang narinig kong bulungan nila, pero wala akong pakealam, sino ba si Jonas? Sino si Inah? At sino si Shi?" Oo, 'no! Wala naman akong pakealam sa kanila, nanahimik ako rito, bahala sila kung anong gawin nila.

"Woi! " Tawag ni Eiya, kumaway pa sa mukha ko.

"H-ha? Bakit?" Tanong ko bago ko siya lingunin.

"Tulaley ang ate niyo."

Oo, kanina pa 'ko nakatulala sa mga nasa harap ko ngayon, ang ingay kaya nila kaya hindi ko maiwasang pakinggan ang usapan nila. Kung pwede lang silang lapitan... wala, bakit ko naman sila lalapitan? Hindi naman ako chismosa 'no.

Pinitik ni Eiya ang noo ko. "Anong order mo kako?" Tanong niya.

"Sakit nun ah!" Inambahan ko siya ng kotong, "bakit ka ba namimitik!"

"Ilang beses na ba kitang tinawag?" Sarkastikong tanong niya.

"Malay ko ba."

Tumawa si Alzhane. "Eight times." Sabi niya.

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionWhere stories live. Discover now