"Fangit ni Eiya."

"Matsing si Kenji."

"Trina mabunganga."

"Kayden asungit."

"Heira maganda."

Basta 'yan ang mga naisulat ko sa likod ng notebook ko. Panay ang paghikab ko dahil bumabagsak ang mga talukap ng mata ko, gusto kong matulog ang kaso, terror 'tong teacher baka palabasin ako ng wala sa oras.

Nilalamig na 'ko dahil sa basa 'tong suot ko, buti na nga lang at hindi nagrereklamo ang mga katabi ko sa amoy, kaya nga sa dulo kami pumwesto para hindi na lang magreklamo ang iba.

Gusto kong umuwi dahil nahihiya ako sa amoy netong damit ko. Kung pwede ko lang sanang palitan ay ginawa ko na. Puti pa naman ang uniform namin, baka nakikita na niyan ang bra ko.

Isa pang problema ko ay yung coat ni Kayden na hindi ko alam kung sa'n ko ba nalagay, kanina ko pa iniisip 'yon pero wala talaga akong maalala.

Sa wakas at lunch time na! Natapos din ang pasakit sa ulo, chos. Tumayo agad ako at inayos ang gamit ko, bago pa 'ko makahakbang ay may katawan ng humarang sa dadaanan ko.

"Tabi." Sabi ko tsaka ako kumanan pero kumanan din siya.

Tumingala ako at do'n ko nakitang si Lucas pala 'yon, gusto kong mahiya pero wala pala ako no'n kaya naman yumuko na lang ako, hindi ako nahihiya ‘no, bakit naman ako mahihiya? Hindi uso sa 'kin yun, nakakain ba 'yon?

Inabot niya sa 'kin ang isang damit na puti. "Magpalit ka, ang bantot mo." Sabi niya bahagya pang natawa.

Salamat ha! Napalaki ng tulong mo, salamat kasi nang-asar ka pa bago mo ibigay yang damit. King inang 'to tutulong na lang, manlalait pa. Pasalamat siya, gwapo siya! Kung hini baka maingudngod ko na lang siya sa sahig.

Sarkastiko akong ngumiti bago abutin ang damit, kailangan ko na ring magpalit ‘no baka ubuhin ako rito ng wala sa oras. Narinig ko ang impit na tili netong mga kaibigan ko, sinamaan ko sila ng tingin, aba ang batang hapon pinipicturan pa kaming dalawa netong lalaking espasol.

"Tigilan mo nga 'yan!" Suway ko, ako ang nahihiya para sa ginagawa niya eh.

Binaba niya naman 'yon tsaka tinago sa bulsa niya bago tumawa at lumabas ng room.

"Sa'n punta no'n?" Tanong ko kay Eiya, nagkibit balikat lang siya.

"Hayaan niyo, wala yata sa sarili yun." Ani Alzhane.

Lumabas ako at dumeretso sa banyo para magpalit. Pagkatapos ay bumalik na 'ko sa room para yayaing kumain ang mga kasama namin.

"Tara na?" Anyaya ko sa kanila. Napansin ko lang na wala na pala si Shikainah, ang bilis naman nung babaeng 'yun.

Lumabas kami at pumunta ng canteen.

"So, anong nangyari sa inyong power puff gorls?" Tanong ni Eiya.

"Eh, ano pa ba? Edi yung Madison na mukhang canvas ang mukha." Iritableng sagot ni Trina.

"Bakit, anyare ba?" Tanong ni Alzhane.

"Si Heira Yakiesha Sylvia ang tanungin niyo." Nakangising sabi ni Trina.

"Luh, bakit ako?" Sasagot na lang kasi siya nandamay pa.

"Ikaw ang nakita kong nakasalag, ano palag?" Umamba pa siyang sasapakin ako kaya umatras ako.

Napakamot ako ng ulo, "nakita ko lang sina Madison na pinagsasalitaan ng kung ano-ano si Shikainah kaya ayun, nilapitan ko."

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionWhere stories live. Discover now