Mabagal lang ang paglalakad namin dahil... trip lang talaga namin, pwede namang maglakad ng mabilis pero mas gusto naming magbagal, kaniya-kaniyang trip yan.
Hindi ko na lang pinapahalata sa kanila ang sakit ng katawan ko. Ewan ko ba, simula nung makapasok ako rito sa university na 'to, laging masakit ang kalamnan ko, nasanay na nga yata ako eh.
Kelan ba matatapos 'to?
"Ayos lang naman ako... ikaw Shikainah?" Tanong ko.
Tumango lang siya sa 'min at pilit na ngumiti, malungkot ang mga mata niya pero hindi namin siya macomfort dahil baka magalit lang siya sa 'min kaya hindi na namin siya pinakealaman.
"Siraulo talaga yung Madison na 'yon!" Nanggigil na sabi ni Trina, umakto pa siyang may nilalamutak sa hangin.
Natatawa na lang ako sa itsura niya, hindi naman siya yung sinabuyan, sinaktan at sinampal pero siya yung nagagalit. Nahiya naman yung galit namin ni Shikainah sa kanila.
"May pictures ka talaga nila?" Tanong ko, naalala ko lang yung sinabi ni Trina kanina.
"Wala naman 'yon!" Sagot niya tsaka tumawa.
"Ha? Anong wala?"
"Zero, gaga! Wala, char-char lang 'yon, panakot lang."
Siraulong babae 'to, hindi pala totoong may pictures siya nung dalawang... matsing na 'yon, akala ko naman meron kaya takot na takot sila sa banta netong babaitang 'to.
"Kung wala, bakit parang guilty sila kanina?"
"Nakita ko lang sila... pero hindi ko sila pinicturan, kadiri sila 'no! Ang liit lang nung hinaharap ni Mia." Natatawang sabi niya.
Mia pala ang pangalan nung Clown 1 na 'yon, grabe pala makapanlait si Trina, sabagay, maliit lang talaga ang hinarap nun yung bundok pero parang chocolate hills.
"Kung nagtataka ka kung paanong nakita ko sila, may pinakuhang timba kasi sa 'kin yung janitor natin na pintor din, may pinipinturahan siya eh kaya ako ang nakita niya, inutusan tuloy ako. Tapos nung papasok na sana ako ng janitor's room may narinig akong... you know. Dahan-dahan kong binuksan 'yon para hindi ko sila maistorbo tapos ayon nakita ko silang dalawa na may ginagawang kababalaghan— blah blah blah..."
Nangunguna naman si Trina sa paglakad sa 'min kaya kahit nagsasalita siya ay hindi niya 'ko nakikita. Hinayaan ko na lang muna siyang magkuwento ng magkuwento, pinapakinggan ko naman siya, kumukumpas pa nga siya sa hangin.
Lumapit ako kay Shikainah at hinawakan siya sa magkabilang balikat, nagulat naman siya kaya naman tiningala niya 'ko.
"Okay ka lang ba talaga?" Tanong ko sa kaniya.
Inayos ko ang mga buhok na nagkahulog-hulog na sa mukha niya at nilagay sa likod ng tenga niya. Ang gulo ng buhok niya, parang sinabunutan.. kamukha lang nung akin.
Hindi ko alam ang gagawin ko ng umiyak ulit siya, pero hindi na hagulgol na kagaya ng kanina, tinatakpan niya ang bibig niya para hindi namin marinig ang mga paghikbi niya.
Dahan-dahan ko siyang niyakap kasi yon lang ang alam kong paraan para patahanin siya, hinagod ko ang likod niya, hindi niya ko niyakap pabalik pero umiyak lang siya ng umiyak sa balikat ko na parang batang inapi ng mga kalaro niya.
"Hush..." Sabi ko na lang, pa'no ba kasi magpatahan ng tao? Bibilhan ng candy o kaya ice cream? Hinaplos ko na lang ang buhok niya.
"H-Heira..." Tawag niya.
"B-bakit?"
For the first time, narinig kong tawagin niya 'ko sa pangalan ko.
"B-bakit sila g-gano'n?"
"H-hindi ko alam.."
Tama ba ang sagot ko? Jusko! Hindi ko naman alam ang isasagot ko sa tanong niya, baka magkamali ako tapos humagulgol siya ulit. Hindi ako marunong gumawa ng galaw sa ganitong sitwasyon. Somebody help me!
"I-ilang taon ko na s-silang kaibigan, p-pero b-bakit gan'to s-sila ngayon s-sa 'kin..." Pagsusumbong niya.
Huminto kami sa paglalakad, ang hirap kayang maglakad habang may kayakap ka 'no, tumingin lang sa 'min si Trina na may malungkot na mata.
"H-hayaan mo m-muna sila... baka... baka nagseselos lang yung Violet sa inyo... nung sinasabi niyang Jonas." Pagpapalubag loob ko.
Ayokong siraan ang mga kaibigan niya sa mata niya, kahit alam kong alam niyang masama sila para sa kanila... ayoko pa rin namang manira ng taong hindi ko kilala.
Umiling siya, "l-lagi silang g-ganiyan simula nung magpasukan... p-pinagtatawanan n-nila ako k-kapag nakagawa a-ako ng kapalpakan."
Naawa ako sa kaniya, isa pa 'yong mga demonyong kaibigan niya... Kung matagal na silang nagkakaibigan, bakit gan'to ang turingan nila? Hindi ba dapat masaya silang magkakakibigan? Kagaya lang nung sa 'min nina Eiya.
"K-kapag may celebration s-sila... a-ayaw nila akong k-kasama kasi raw... a-asungot daw ako... t-tinutulak nila ako p-palayo sa kanila "
Mukhang naawa na rin si Trina kaya yumakap na rin siya, para kaming nakagroup hug dito mismo sa gitna ng university, para kaming tuldok.
"S-sige... umiyak ka lang... m-makikinig kami." Aniya.
"K-kapag may kailangan s-sila... s-sa 'kin sila l-lalapit k-kasi alam nilang a-ako ang m-makakatulong sa kanila." Huminga muna siya, umaalog na ang balikat niya. "S-sa tuwing magm-mall sila, atm k-ko ang g-ginagamit nila..."
Nagulat naman ako sa sinabi niya. Anak ng tupa, tupa ng ina! Pati ba naman pag-shopping sa kaibigan nila inaasa? Kaya pala ang dami nilang burloloy sa mga kamay nila.
"K-kukunin nila a-ang atm card ko s-sa wallet ko t-tapos hindi nila ako isasama..." Pagpapatuloy niya.
"Eh, gaga ka pala... bakit mo ba dinadala ang atm mo eh wala namang withdrawal machine dito sa university.." Pagbibiro ni Trina.
Pero hindi akma ang pagbibiro niya kaya naman binatukan ko siya. Parang siraulo lang, nagawa pang magbiro habang etong isa halos hindi na makahinga dahil sa pag-iyak.
"H-hinayaan ko lang s-sila kasi... k-kaibigan ko sila..."
Kaibigan ba ang turing nila sayo? Gusto kong itanong sa kaniya 'yon pero baka masaktan lang siya.
"S-sila ang lagi kong k-kasama kahit pa nahahalata 'k-kong hindi ako b-belong sa kanila."
Huminga muna siya ng malalim.
"...May araw p-pa nga na n-nilock nila ako kasama a-ang isang lalaki sa i-isang room... muntik na 'kong h-halikan nung lalaki pero p-pinalampas k-ko 'yon dahil a-alam kong masaya sila ro'n."
Hinagod ko ang likod niya.
"...Kapag masaya ang mga kaibigan ko, pakiramdam ko masaya na rin ako."
"...H-hindi ko i-inakalang sa k-kabila ng lahat n-ng ginawa ko p-para sa k-kanila... gaganituhin n-nila ako d-dahil lang sa selos..."
"Shh... ayos na muna 'yan, tahan na, huwag ka ng umiyak baka makasama sa 'yon 'yan..." Sabi ni Trina.
"Oo nga... baka himatayin ka na lang dito bigla." Sabi ko naman.
"Gusto ni Violet si Jonas... pero a-ako ang nililigawan ng l-lalaki."
Ang kulit naman neto, sabing mamaya na lang eh. Pero naiintindihan ko naman siya, walang makakapigil sa sarili mo kapag naglalabas ka na ng sama ng loob.
"Hush... hayaan mo na sila... nandito kami para sayo."
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
Teen FictionPitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
CHAPTER 90
Start from the beginning
