"Fuck you! Stop it!" Sigaw ni Clown 1, humigpit pa ang pagkakahawak sa buhok ko.
King ina! Hindi naman ako ang nananakot sayo, bakit ako ang sinasabunutan mo? Kalbuhin kita d'yan eh.
"Bitawan niyo si Heira kung ayaw niyong ilabas ko yung mga pictures niyong 'yon!" Pagbabanta ni Trina, nanlalaki pa ang mata. Nagpipigil ng galit.
Nakakatakot pa lang magalit 'to, parang kahit na anong oras dadaldakin ka niya. Nakalagay ang dila niya sa may pisngi niya.
Gan'yan pala magalit yung mga palatawa at maingay 'no? Nakakatakot na nakakabigla, kahit na anong oras ay pwede siyang sumabog na parang bulkan.
"Sino ka para utusan ako? Talampakan lang kita so shut up!" Ani Clown 1, gusto ko ng nakawala sa mga kamay niyang nakahawak sa buhok ko, bwisit, panay ang sigaw, nandito ako hello?! Nakakasakit ka ng tenga.
"Kadiri ka naman! Huwag mo akong ihalintulad sa talampakan mong puro kalyo!" Ganti ni Trina at mabilisang kinuha ang cellphone.
Agad naman akong binitawan ni Clown 1, takot pala 'to eh. Lumapit sa kanila yung lalaki. Ako naman, nakatayo pa rin, gusto kong panoorin ang malateleserye nilang eksena.
"So... gumawa kayo ng kababalaghan sa janitor's room?" Parang nandidiring sabi ni Porpol.
"Enough! Hindi pa kami tapos sa inyo." Sigaw ni Madison, akmang maglalakad siya ng sumagot ako sa kaniya.
"Kelan ka pa ba matatapos?" Sarkastikong sabi ko. "Kelan ka pa magsasawa, ikaw din naman ang mapapahiya." Dagdag ko, pero hindi ko inaasahan na bigla niya 'kong sasampalin ng malakas.
Nakatagilid ang mukha ko, ramdam ko ang dugo ng labi ko, nalasahan ko eh. Shet naman, sana pala hindi ko na lang siyang pinikon, sakit pala netong manampal. Ang gaspang ng kamay, singgaspang ng ugali niya.
"Better luck next time, sana sa susunod, lakasan mo na ha, teka, wala na pa lang next time." Sabi ko tsaka ko tinulungang tumayo si Shikainah.
Ano ba namang babae 'to, kanina pa kami nagpapalitan ng mga maaanghang na salita tapos siya nasa lupa pa rin, wala bang paa 'to?
Si Madison and her company ay nakatingin lang sa 'min na may pagkabigla sa mata, tulala sila sa ginagawa namin, hindi gumagalaw, parang shunga lang.
"Let's go girls, next time hindi na sila makakalaban..." Pagbabanta ni Porpol tsaka naglakad paalis, sumunod ang lahat ng mga kaibigan niya maliban dito sa Queen Bobowyowg.
Huminto siya sa harap ko, akmang sasampalin niya ulit ako pero nakaiwas ako tapos nasapak ko ang ilong niya. Ngumiwi ako, patay, dumugo
Tumimbawang siya sa lupa, hawak ang ilong niya, sana lang ay hindi nabasag ang buto niya, kung nabasag man, papalit niya na lang ng bago. Dahan-dahan siyang tumayo pero muntik ulit siyang matumba. Nahilo ata ang gaga.
Lumapit ulit sa kaniya ang mga kasama niya para tulungan siyang maglakad. Ang sama ng tingin sa 'min, pinanlilisikan kami ng mata.
Sana lang hindi na maulit 'to, ayoko nang maghanap ng sakit ng katawan 'no. Bakit kaya gano'n ang mga 'yon? Lagi na lang silang naghahanap at gumagawa ng gulo.
"Ayos lang kayo?" Tanong ni Trina sa 'min habang naglalakad kami papunta ng room.
Ayaw magpaalalay ni Shikainah sa 'min, mukhang nahihiya siya, hindi nga siya makatingin sa 'min ni Trina eh, basta na lang siya nakayuko, hindi na umiiyak pero tahimik pa rin.
Napansin ko rin yung ilang sugat niya sa braso at mukha, pati na rin sa binti may pasa siya, hindi ko alam kung tama ba ang kutob kong kina Madison galing 'yon.
BINABASA MO ANG
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
Teen FictionPitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
CHAPTER 90
Magsimula sa umpisa
