Huminga siya ng malalim bago ako itulak ng malakas. Tumilapon tuloy ako palabas ng room ng nakaupo!

Ang gago! Hindi man lang ako tinulungang tumayo, talagang umupo siya sa tabi ng pwesto ko kanina na parang walang ginawang masama!

Inis akong tumayo tsaka padabog na umupo kanina bago ko siya batukan, makaganti man lang!

"Aray!" Daing niya. "Inaano kita?!"

"King ina ka, itanong mo sa sarili mo 'yan!" Inis na sabi ko.

Tumawa lang siya sa 'kin at umiling-iling, sarap niyang batukan ngayong malapit siya sa 'kin, easy, Heira, kaya mo pang magpigil. Baka masakal ko na lang siya sa inis.

"Tulala ka nananaman." Sabi niya maya-maya. "Ang lalim yata ng iniisip mo?"

"Mababaw lang."

"Ga'no kababaw?"

"‘Wag mo 'kong maganyan-ganyan, sasapakin kita!"

Itinaas niya ang parehong kamay niya na animong sumusuko na. "Okay.. okay. Galit naman agad."

"Hindi ako galit!"

"Hindi raw.." Bulong niya.

"Hindi nga kasi!"

"Eh bakit ka sumisigaw?!"

"Tanong mo kay James Madison!"

"Sino 'yon?!"

"Malay ko!" Sagot ko tsaka tumayo para pumunta ng banyo.

Hindi na siya nagtanong kaya naman dumeretso ako ng banyo. Nakakainis naman kasi yung Adriel na 'yon, ang aga-aga nambabadtrip!

"Hahaha! Look at yourself, you're nothing but a whore!" Narinig ko ang isang maarteng boses mula sa likod ng banyo. Sa mismong likod ng building ng c.r!

"Malandi ka kasi!" Pamilyar ang boses na 'yon ah.

"H-hindi ako m-malandi." Pumipiyok na sabi ni Shikainah! Oo Shikainah! Boses niya 'yon.

Hindi ko na natiis, kahit naiihi na 'ko ay tahimik akong pumunta sa likod kung saan ko naririnig ang mga ingay.

Napatakip ako ng bibig nang makita ko sina Madison at yung mga alipores niya together with the boys na nakalaban nina Kayden nung isang gabi!

Nakatimbawang si Shikainah sa lupa, umiiyak! Habang sina Madison naman ay may hawak na timba, basa na ang buong katawan ni Shikainah, umiiyak na rin.

"Masyado kang maarte! Hindi ka bagay sa grupo namin!" Sigaw ni Porpol.

"Oo! Hindi ka bagay!"

"Maarte r-rin n-naman kayo ah... pero wala kayong narinig sa 'kin." Umiiyak ba sabi ni Shikainah.

"Hindi namin utang na loob ang hindi mo pagsasalita." Maangas na sabi nung isang lalaki.

"You're not belong to us! Mababa ka masyado, so back off!" Sumenyas pa si Madison.

"Ang d-dami kong n-naitulong sa i-inyo, p-pero bakit g-ganto ang i-ipapalit niyo?" Hindi na halos makapagsalita si Shikainah.

Nanatili akong nakatago habang pinapanood sila, nakatakip ang bibig ko dahil hindi ako makapaniwala sa ginagawa ni Madison! Akala ko ba kaibigan niya si Shikainah? Bakit niya ginagan'to?

"So... sinusumbatan mo kami?" Tanong ni Clown 1.

"Oo nga! Sinusumbatan mo ba kami?" Gitil naman nung gaya-gayang clown 2.

Umiling-iling lang si Shikainah, nakaramdam ako ng awa sa kaniya, kaya siguro umiiyak siya lagi dahil kina Madison. Wala akong nakikitang ibang kasama niya kung hindi sina Madison.

"H-Hindi... k-kaibigan ko k-kayo e-eh, b-bakit kayo g-ganto sa 'kin?"

"Hindi ka namin kaibigan! Ginamit lang namin ang pera mo!" Sigaw ni Porpol sa kaniya.

Dumaan ang sakit sa mga mata ni Shikainah, kita ko ang pagkagulat niya dahil sa narinig, umiling-iling ulit siya, ayaw tanggapin ang sinabi ni Violet.

Parang ako ang nasasaktan dahil sa kaniya, gusto ko na ngang bumalik sa room, sana pala hindi na lang ako nagbanyo para hindi ko nakita 'to.

"Inagaw mo si Jonas sa 'kin! Ikaw ang pinili niya, ano masaya ka na? Malandi ka!" Sigaw ulit ni Violet.

"S-siya ang n-nagkagusto sa 'kin, h-hindi k-ko siya g-gusto maniwala k-kayo." Pagmamakaawa ni Shikainah, lumuhod pa siya.

Gusto ko siyang lapitan tapos itayo at ilayo sa lugar na 'to... ilayo kina Madison... ilayo sa sakit.

"Really? I saw you... kissing him."

Mas nagulat ako sinabing 'yon ni Madison, akala ko ay may namamagitan kay Xavier at kay Shikainah. May iba pa lang involve sa kanila.

"S-siya ang himalik! h-hindi ako, maniwala ka, Violet!" Pagmamakaawa niya.

"Sa tingin mo, maniniwal ako sayo? Hindeee!" Umiiyak na sabi ni Violet bago senyasan ang mga lalaki.

Naalarma naman ako dahil alam ko na ang susunod na mangyayari rito sa kanila... hindi pwede sa kaniya... inosente siya...

"Wag..!"

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionWhere stories live. Discover now