"A-anong gagawin mo?" Kabadong tanong ko dahil papalapit na siya ng papalapit sa 'kin.

"Something naughty."

Hala gago! Dapat pala hindi ko 'to biniro eh! Iba pala 'to mapikon! Nakakatakot pala ang mga hapon.

Inatras ko ang mukha ko ng bigla siyang sumunggap sa 'kin! Ilang inches na lang ang layo ng mukha namin. Dahan-dahang gumapang ang kamay niya mula sa paa ko pataas at...

At...

Pinaghahampas ako ng unan, malakas na hampas habang tumatawa hanggang sa mahulog ako sa upuan, una ang ulo tapos yung isang paa ko nasa couch!

Tumatawa siyang tinuturo ako!

"Masaya ka d'yan?!" Inis na tanong ko sa kaniya bago tumayo.

Sakit sa likod no'n ah...

—END OF FLASHBACK-

"Hey..." Tawag sa 'kin ni Adriel pero hindi ko pinansin, sigurado akong bubwisitin lang ako netong hudlong na 'to.

Hindi pa nga ako nakakarecover sa dalawa, tapos madadagdagan pa? Ayaw ko na!

Naisip ko lang talaga yung isang gabi, punyeta! Kung hindi ko sana pinikon si Kenji, hindi niya ko hahampasin tapos hindi ako mahuhulog at hindi mananakit ng gan'to ang balakang ko.

Ang hirap kayang maglakad kapag iniinda mo ang pwetan mo. Para kang lolang nirarayuma.

Naramdaman ko ang ang akmang pag-upo ni Adriel sa tabi ko kaya naman iniharang ko ang mga kamay ko para pigilan siya.

"Gusto kong magsolo, alis!" Bulyaw ko sa kaniya.

"Hindi naman sayo 'tong room." Ganti niya.

"Pakihanap..."

"Ang alin?"

"Ang pake ko!" Tinaasan ko na siya ng boses tsaka tinignan ng masama. "Alis! Dun ka sa kabila kung gusto mo ring mag-emote." Turo ko do'n sa isang pinto.

Napapakamot na lang siya ng ulo. "Ibibigay ko lang 'to! Nakikitaan ka na d'yan." Sabi niya.

Anong nakikitaan namang pinagsasabi neto? Kumunot ang noo ko at nagtataka akong tumingin sa kaniya.

"Luh, sinasabi mo d'yan?"

"Nakapalda ka tapos gan'yan ang upo mo."

"Oh, anong pake mo sa upo ko?"

"Nothing."

"Nothing naman pala eh."

"Your... you know that... thing. Baka masilipan kasi nakataas ang palda mo." Nag-aalangang sabi niya.

Do'n ko lang naisip ang sinasabi niya, oo nga pala! Agad kong ibinaba ang paa ko, nakatuwid sa lupa, inayos ko pa ang palda ko. Nakakahiya! Putcha.

"See? Pwede ba 'kong maupo?"

"Bawal pa rin."

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang