Kaya naman tumawa ako ng malakas, nakalimutan kong may pagkain pala ako sa bunganga kaya naman nabulunan ako!
*Ubo!* *Ubo!* *Ubo!*
"Yan karma!" Parinig ni Eiya tsaka niya 'ko inabutan ng tubig.
"HUK—!" Napaubo na lang ako dahil sa sakit ng ilong ko! Pati lalamunan ko! Naluluha na ang mata ko.
"Ay jusko bata ka! Uminom ka muna ng tubig!" Sabi ni Aling Soling tsaka lumapit sa 'kin para hagurin ang likod ko.
"A-ayos na po Aling Soling." Sambit ko tsaka sumenyas pa.
Umupo naman siya agad niya pero hindi siya nagpatuloy sa pagkain, tiningnan niya lang ako na may matang nag-aalala.
"Takaw mo kasi!" Natatawang sabi ni Kenji.
"Ulowl!" Tumawa lang siya sa sinabi ko.
Kakatawa niya, ayun siya naman ang nabulunan! Ako naman ang tumawa sa kaniya pero hindi ko siya inabutan ng tubig. Bahala ka sa life mo, kaya mo na 'yan.
Si Aling Soling ang nagbigay sa kaniya ng tubig, nag-appear-an kami ni Eiya bago pinagtawanan ng malakas 'tong hapon.
Hanggang matapos kaming kumain ay wala kang maririnig na iba kung hindi ang halakhakan namin, ikinukwento kasi ni Kenji ang mga katangahan niya sa buhay gaya nung nilagay niya raw ang iodized salt sa kape ng lola niya akala raw niya asukal!
Halos palayasin daw siya ng lola niya dahil sa alat, naibuga pa nga raw niya yung kape sa ate niya kaya ayun! Napalingot daw siya.
Shunga rin 'tong batang 'to eh, bakit hindi muna kaya niya tinikman ang kape bago niya ibigay sa lola niya, halatang labag sa loob sa kaniya ang utusan.
"Maliligo lang ako..." Paalam ni Eiya.
Nasa sala kasi kaming tatlo, nagpapahinga na dahil kakatapos lang naming kumain, naliligo si Aling Soling, sabi niya katukin na lang daw namin ang kwarto niya kung may kailangan kami.
"Do'n ka na lang sa kwarto ko maligo, mainit yung tubig do'n, baka sakaling kumulo ka tapos lumambot ang pagsayaw mo." Pagbibiro ko pero sinabunutan niya lang ako bago tumakbo paakyat.
Nakapatay na ang ilaw dahil nanonood kami ng t.v, sayang lang walang popcorn, parang nasa sine na sana kami.
Kaming dalawa lang tuloy ni batang hapon ang magkasama ngayon, napakaseryoso niyang nanonood ng "mama coco" Hindi man lang kumukurap.
"Huy!" Pambibigla ko sa kaniya, nagulat naman siya, napatalon pa nga ang pwet niya.
"Ano ba, Yakie naman ih!" Reklamo niya, hindi man lang siya tumingin sa 'kin, basta na lang siya sumimangot.
"Ang pangit mo pala magseryoso!" Pagbibiro ko.
Tumingin naman siya sa 'kin, nagulat na lang ako dahil bigla siyang nagseryoso! As in! Parang handang makapatay ng langaw ang mukha niya.
Nasa isang dulo ako ng couch, nasa isang dulo naman siya. Dahan-dahan siyang gumapang papunta sa 'kin, gusto kong umatras at tumawa kaso nasa sulok na 'ko.
ŞİMDİ OKUDUĞUN
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
Genç KurguPitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
CHAPTER 89
En başından başla
