Sa wakas! Natapos na rin ang kanta, natapos na ang pasakit, natapos na ang walang kwentang pagsasayaw. Lahat kami naupo sa sahig at naghahabol ng hininga.

Si mommy naman ay kinuha ang camera niya, sinave siguro ang video tsaka lumapit sa 'min, pinupunasan niya pa ang pawis niya.

"Nakakapagod pala 'yun!" Reklamo ko, tagaktak na ang pawis ko.

["Gusto mo 'yan eh, sige, sayaw!"]

"Manahimik ka d'yan!" Singhal ko sa kaniya.

Tumayo ako tsaka kinuha ang cellphone ko, tinanggal ko ang pagkakabluetooth no'n, lumapit ako kay mommy para makausap niya. May sasabihin yata siya. Pumunta naman sila ng kusina kaya naiwan kami ulit tatlo rito.

Lagi na lang kaming iniiwan ah.

"Sino 'yun?" Tanong ni Eiya.

"Secret."

"May pasecret-secret ka pa d'yan!"

"Baka boyfriend niya!" Singit ni Kenji.

Tumawa lang ako tsaka umiling, si Eiya.. alam niyang may kakambal ako pero hindi niya alam ang pangalan. Hindi niya naman tinatanong kaya hindi ko rin sinasabi.

"Oy! Oy! Oy! Anong boyfriend?! Isusumbong kita! May deal tayo eh!" Reklamo ni Eiya.

"Sino bang may sabi sa'yong boyfriend ko 'yon?"

"Siya." Sabay turo kay Kenji.

"Anong ako?" Depensa naman netong isa. "Sabi ko 'baka' boyfriend niya!"

"Nak, oh." Pang-aabot ni mommy sa cellphone ko. "Nangangamusta lang. Sige na, kain na muna kayo, akyat lang ako, malapit na ang oras ng flight ko." Aniya, tumango naman ako.

"Tara na." Pang-aaya ko sa dalawa.

Tumayo naman sila tsaka sumunod sa kusina. Naghanap ako ng pwedeng makakain kaso nakita ko lang ay lettuce, carrots tska pipino. Anong gagawin ko rito? Hindi naman kami kambing.

"Gawa na lang tayo ng nachos." Biglang anas ni Eiya sa tabi ko, nakadungaw din siya ref.

"Sige, meron naman kami ng chips sa kabinet."

"Kenji! Tulungan mo kaming manghiwa dito!"

"Gaga, baka hindi marunong gumamit ng kutsilyo 'yan."

"Ka-tanda na niyan, hindi na sanggol 'yan."

"Anong gagawin natin?" Tanong ni Kenji.

"Nachos." Sagot ni Eiya, pumalakpak naman yung isa.

Inilabas namin yung pipino, carrots, lettuce, mayonnaise at ketchup. Pati na rin yung isang pack ng chips. Kumuha kami ng sangkalan at kutsilyo pati na rin peeler.

(A/N; Kapag ba ako, masyadong nag-f-feel, feeler na ba ang tawag sa 'kin? Okay sige, nevermind.)

"Hugasan niyo muna!" Paalala ko sa kanila.

Nag-uumpisa na kasi silang magbalat, eh may dumi pa yung binabalatan nila. Paunahan pa kaming tatlo na lumapit sa sink at hinugasan ang mga hawak namin.

"Balatan mo muna, uy! Huwag mo agad hatiin! Bonak!" Sabi ni Eiya kay Kenji na hinahanti na ang pipino sa pabilog na maninipis.

"Ay... babalatan pa pala, akala ko pati balat kakainin."

"Ikaw, subukan mong kainin." Singhal ko sa kaniya.

Kinagatan niya naman 'yon! Jusme! Hindi na yata makapaghintay ang lalaking 'to, pinapak ang pipino. Tinampal naman ni Eiya ang kamay niya para pigilan si Kenji.

"Kainin mo na lang kaya ng gan'yan?" Sarkastikong sabi niya.

"Pwede rin!" Akmang kakagatin niya ulit 'yon ng kutusan ko siya.

Tatlo nga lang na malilit na pipino ang meron kami tapos papapakin niya pa. Di bale sana kung carrots ang kinakain niya.

"Masarap naman ah, kahit may balat!"

"He! Balatan mo muna!"

Ginawa niya naman 'yon, binalatan ko ang dalawa pang pipino, hinati-hati ko 'yon sa maliliit na bilog tsaka inilagay sa isang plato.

Wala kaming dressings kaya naman ang ginawa namin ay pinaghalo ko ang mayonnaise at ketchup, may masarap pa nga 'yon, hindi masyadong maasim.

*Halo* *Halo* *Kembot* *Kembot*

Hindi ko pala maiwasang ikembot at igiling ang katawan ko kapag naghahalo ako, talagang napapasabay na lang ang balakang ko ng hindi ko namamalayan.

"Isha, pahiwa naman 'to, oh." Pakiusap ni Eiya sa 'kin, iniabot niya sa 'kin ang isang carrots.

Parehas naming hinihiwa ang mga 'yon, tapos yung isa naming kasama, palamunin! Binuksan niya na ang nacho chips tsaka kinain 'yon habang pinapanood kami, para naman kaming mga nasa t.v show tapos siya yung audience.

"Tumayo ka nga d'yan! Huwag mong ubusin, uy!" Reklamo ko sa kaniya.

Nag-enjoy siyang kainin ang chips, mamaya niyan, yung gulay na lang ang papapakin niya. Kambing mode.

Kinuha ko yung food pan namin, hinugasan ko muna 'yon bago gamitin. Inihalera muna namin ang mga lettuce sa pinakababa tsaka nilagyan ng chips, kumuha rin kami ng cheese.

Sinunod namin yung mga carrots tapos chips tsaka cheese ulit, gano'n din ang ginawa namin sa cucumber. May tira pang lettuce kaya nilagay na rin namin, kakainin naman namin 'yan.

Maarteng ibunudbod ni Eiya ang grated cheese, wow chef lang.

Natawa kami sa kinalalabasan ng ginawa namin, hindi talaga kami para sa kusina.

"Lettuce na may konting nachos..."

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionWo Geschichten leben. Entdecke jetzt