Inilapag ni mommy ang camera sa harap namin tsaka siya sumabay sa pagsayaw. Hataw na hataw pa nga eh. Akala ko ba, ngayon ang alis niya, bakit nandito pa siya? Hindi naman 'to zumba.

"Woo! Go, tita! Pustiso dance!" Pang-hahataw pa ni Kenji.

"Yeah! woo! Do'n banda, kabila!" Sabi naman ni mommy.

["Is that mommy?"]

"Oo, tignan mo naman?! Mamaya niyan, sasakit ang kasu-kasuan."

["Ngayon alam ko na kung kanina ka nagmana."]

"Gago!"

["Minumura mo ba 'ko?"]

"Hindi! Minamahal sige." Sarkastikong sabi ko.

"Grandpa shark, doo, doo, doo, doo, doo, doo... Grandpa shark, doo, doo, doo, doo, doo, doo... Grandpa shark, doo, doo, doo, doo, doo, doo... Grandpa shark."

"Go Kenji! Para sa ice cream!" Sabi ko tsaka tumawa.

"Para sa ice cream!" Sigaw niya naman tsaka humataw talaga.

Natatakot lang ako na baka malasag ang katawan niya. Parang hihiwalay na ang mga buto niya sa balat niya eh.

"Let's go hunt, doo, doo, doo, doo, doo, doo... Let's go hunt, doo, doo, doo, doo, doo, doo... Let's go hunt, doo, doo, doo, doo, doo, doo... Let's go hunt."

["Itigil niyo na 'yan, para kayong mga baliw."]

"Sayaw ka rin, nakakaenjoy!"

["No way!"]

"Arte mo! Kaya ang tigas ng katawan mo eh!"

["Nahiya naman ako sa sayaw mo!"]

"Atleast nasayaw ako!"

"Run away, doo, doo, doo, doo, doo, doo... Run away, doo, doo, doo, doo, doo, doo... Run away, doo, doo, doo, doo, doo, doo... Run away."

["Who's that boy?"]

"Nawawala kong kapatid." Pagbibiro ko.

["What the hell? Kaya pala hindi kita kamukha kasi hindi kita kapatid."]

"Hanep ka ah! Sabay tayong iniluwal tapos hindi mo 'ko kapatid? Iisa lang ang pinaglabasan natin. Yun ay ang pu... puson ni mommy!"

["Sino ba 'yon? Para siyang tingting."]

"Oo, kagaya mo siya. Parehong payatot."

["Tsk. Mas maganda naman ang katawan ko kaysa sa kaniya."]

"Yuck naman! Kadiri ampota, taas ng confidence mo 'no?"

"Safe at last, doo, doo, doo, doo, doo, doo... Safe at last, doo, doo, doo, doo, doo, doo... Safe at last, doo, doo, doo, doo, doo, doo... Safe at last!"

Si Aling Soling naman ay pinapanood kami habang umiinom, nakapamewang sa 'min at tumatawa sa ginagawa naming kabaliwan.

Si Kenji parang bulateng inasinan dahil gumewang-gewang ang katawan niya na parang isang lumalangoy. Nasa ulo ang parehong kamay niya.

Ginagaya naman namin siya dahil siya lang ang may alam ng step, si Eiya parang tangang may sariling step. May sariling mundo ang gaga. Parang nagbubudots pa nga siya.

"It's the end, doo, doo, doo, doo, doo, doo... It's the end, doo, doo, doo, doo, doo, doo... It's the end, doo, doo, doo, doo, doo, doo... It's the end!"

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionWhere stories live. Discover now