["Wala, holiday ngayon dito, hindi ko nga lang alam kung anong klaseng holiday.]
"Heira! Come here! Dali, makisama ka sa kanila!" Tawag ni mommy, sinenyasan pa 'ko.
Sinabi ko kay Kio na tumahimik muna pero huwag papatayin ang tawag dahil may ipapakita ako sa kaniya.
Dahan-dahan akong bumaba, yung hindi nila mahahalata. Itinayo ko ang cellphone ko sa may vase, kita ang buong sala sa camera.
Umakto akong walang ginawa, naka-connect ang cellphone ko sa wireless earphones kaya ako lang ang nakakarinig sa kaniya.
["What is happening there?"] Tanong niya pero hindi ako sumagot.
"Anak! Kumanta ka o kaya sumayaw ka na lang kasi si Zychi ang may hawak ng mic!" Pangungulit ni mommy kaya 'yong ang ginawa ko.
Humelera kaming tatlo sa harap nila, si Eiya ang pinakagitna kasi siya ang kakanta, back up dancers kami ni Kenji.
"Anak ng putcha!" Singhal ko kay Eiya. "Ano bang kanta 'yan!" Reklamo ko.
Pa'no ba naman kasi, pambata ang kantang pinili niya, may mga pating-pating pa sa screen tapos may batang sumasayaw.
"5.. 4.. 3.. 2.." Pagbibilang ni Kenji. "Ready sing!"
"Baby shark, doo, doo, doo, doo, doo, doo... Baby shark, doo, doo, doo, doo, doo, doo... Baby shark, doo, doo, doo, doo, doo, doo... Baby shark."
Hindi ako gumalaw, pinagtatawanan ko lang ang ginagawa nilang dalawa. Si mommy naman, sumasayaw din habang sumesenyas ang kamay na 'slight' Gano'n kasi ang step na nakikita kong ginagawa ni Kenji.
"Anak! Sayaw ka naman, para kang estatwa d'yan!" Pamimilit ni mommy, ewan ko ba sa kaniya, nagbababy talk siya akala mo naman may bata rito.
"Mommy shark, doo, doo, doo, doo, doo, doo... Mommy shark, doo, doo, doo, doo, doo, doo... Mommy shark, doo, doo, doo, doo, doo, doo... Mommy shark."
"Hoy! Yakie, sayaw ka! Bigyan kita ng chocolates mamaya, may dala ako!" Pang-uuto ni Kenji.
Sumayaw na 'ko, wala naman sigurong nawawala kung gagawin 'ko diba? Tsaka masaya kayang sumayaw sa masayang kanta! Napapaindak ka talaga.
["The fuck."] Narinig kong sabi ni Kio sa kabilang linya. ["Sino ang mga 'yan?"] Pero hindi ko siya sinagot.
"Daddy shark, doo, doo, doo, doo, doo, doo.... Daddy shark, doo, doo, doo, doo, doo, doo... Daddy shark, doo, doo, doo, doo, doo, doo... Daddy shark!"
Malakihang palakpak ang ginawa namin habang tumatawa sa camera. Pumipiyok na nga si Eiya sa pagkakanta dahil tumatawa na rin siya. Ako naman ay nakatingin sa cellphone ko kung sa'n nakikita ko si Kio na tumatawa.
["Ang tigas mo! Stop it!"]
"Pero tuwang-tuwa ka 'no?" Sarkastikong bulong ko.
["Nakakaumay kang panoorin."]
"Bakit naman? Ang ganda kaya ng sayaw namin oh, daddy shark doo, doo, doo." Sabi ko tsaka tumawa.
["Ang pangit ng sayaw mo ngayon!"]
"Ako, pangit lang ang sayaw, ikaw pangit ka talaga, ‘di lang ngayon kundi bukas at magpakailanman!" Ganti ko sa kaniya, tumawa naman ampota.
"Grandma shark, doo, doo, doo, doo, doo, doo... Grandma shark, doo, doo, doo, doo, doo, doo... Grandma shark, doo, doo, doo, doo, doo, doo... Grandma shark."
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
Teen FictionPitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
CHAPTER 88
Start from the beginning
