"Ano?"
"Anong naramdaman mo kapag nahalikan ka?" Wala sa sariling tanong ko.
Halos umurong ang dila ko matapos kong sabihin 'yon dahil halatang hindi niya inaasahan ang tanong ko na 'yon. Kumibot-kibot ang labi ko, gusto kong bawiin yung tanong ko pero walang salitang lumabas sa bunganga ko.
Ngayon ko lang naisip, bakit ba sa kaniya ako nagtanong, wala naman siyang jowa na pwedeng i-kiss, wala rin siyang manliligaw o kahit na ano, paano niya sasagutin neto ang tanong ko.
"A-ano lang, may nagpapatanong l-lang." Bawi ko tsaka nag-iwas ng tingin.
"Bakit mo sa 'kin tinatanong 'yan?"
Sabi na eh, wala naman siyang kaalam-alam sa tinatanong ko. Wala pa siyang nagiging jowa mula pagkabata namin. Ni wala yata siyang balak magboyfriend kung hindi dumating si Elijah. Char.
"A-ano lang... b-baka lang naman alam mo." Sabi ko, pinipisil ko ang kamay ko, ano ba kasi yang tanong na 'yan, Heira! Siraulo ka na!
"Well..." Ayan na sasagot na. Teka! Ibig sabihin may naka-kiss na siya! Sino kaya 'yon? "Along with the oxytocin and dopamine that make you feel affection and euphoria, kissing releases serotonin — another feel-good chemical. It also lowers cortisol levels so you feel more relaxed, making for a good time all around."
Ngumiwi ako, bakit science naman ang sagot neton! Ang galing niyang sumagot grabe! Akala ko naman sasagot siya gaya nang isang normal na sagot, yung pantao lang hindi yung galing sa libro o galing sa science!
"Ah..." Tumango na lang ako dahil sa sagot niyang hindi ko maintindihan.
"Based on Dr. Tasha Seiter, also thanks to oxytocin, you might get that "warm and fuzzy" feeling, which contributes to the sense that you're falling in love. As you go in for a kiss, "oxytocin, aka the 'love hormone,' rushes through your veins," Pagpapatuloy niya tsaka nag-isip pa.
Huwag mong sabihing may kasunod pa? Ano 'to? Discussion of the lesson gano'n?
Gusto ko lang naman makumpirma kung parehas ba kami ng naramdaman nung may humalik sa 'min. Kahit simpleng "kaba" lang ang sagot niya, pwede na 'yun.
Ang hirap magtanong sa matalino...
"Eiya... yung pakiramdam lang naman ang tinatanong ko, pwede na yung sagot mo, may uma—!" Hindi ko na natuloy ang sinasabi ko nang senyasan niya 'ko ng 'teka'. "Kasi yung sagot mo masyado nang maha—!" Hindi ko na na naman ng takpan niya ang bibig ko gamit ang kamay niya.
"If you're really into this dude, the kiss sends shock waves throughout your body that can increase blood flow to certain areas. Think stiffened nipples, fluttery stomach, tingling genitals. Sensing the hubbub, the adrenal glands unleash adrenaline." Pagpapatuloy niya, kumukumpas-kumpas pa siya sa ere na para bang nagtuturo siya.
Tinampal ko na nga ang noo niya, ang daming kasing sinabi. Dapat pala nanahimik na lang ako at hindi na nagtanong.
"Sakit nun ah." Reklamo niya habang hinihimas ang noo. "So... 'yon ang pakiramdam when you kiss someone or when you are kissed."
"Ayos ng sagot mo ah sa'n mo naman nakuha 'yon?"
"Sa internet." Sagot niya tsaka tumawa.
"Bakit mo naman nahanap sa internet? Sinearch mo 'no?" Nanghihinalang tanong ko.
"Oo."
"May pinapantasya ka siguro."
"Wala kaya 'no!" Depensa niya agad. "Yung binabasa ko kasing novel may kissing scene kaya naisip ko lang kung anong pakiramdam kaya hinahanap ko sa internet." Paliwanag niya.
BINABASA MO ANG
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
Teen FictionPitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
CHAPTER 85
Magsimula sa umpisa
