"May pagkain na ba?" Tanong ko dahil gutom na talaga ako!

"Niluluto pa." Sarkastikong sagot ni Xavier.

Napanguso na lang ako. "Ang tagal naman... nagugutom na 'ko ih."

"Lagi naman."

"Upakan kaya kita d'yan?" Pagbabanta ko.

Ilang saglit pa muna kaming naghintay kina Lucas at Timber, sila raw ang naghintay sa delivery boy sa may gate para kuhanin ang mga inorder nila.

"Ayan na pala sila eh.." Anunsyo ni Alexis.

YES!

Sabi ng mga alaga kong dragona. May bitbit silang anim na paper bag! Ang dami naman no'n. Nagtataka lang ako, sino kaya ang nagbayad no'n, salamat na lang sa kaniya—.

"Luh, ang laki pala ng bill niyo!" Reklamo ni Maurence habang hawak ng resibo nung delivery.

"Kaya nga mag-aambagan tayo bobo!" Sabi ni Aiden.

"Anong ambagan? Tapos bobo ka rin!"

"Ang tanga mo, ambagan lang hindi mo alam? Kahit magkano lang pwede—!"

"Hayaan niyo na, nabayaran ko na ang mga 'yan." Seryosong putol ni Kayden sa sinasabi ni Aiden.

"Yown!"

"Maasahan talaga si Uno!"

"Kaya sayo ako eh!"

"Angas mo, 'dre!"

"Hayaan niyo na, mayaman naman 'yan, minsan lang 'to."

Narinig kong sabay-sabay na sabi nung iba pero yung mga lalaking hudlong lang ang nagsabi sa mga 'yon.

Hudlong... pwede ko nang itawag sa kanila.

"Kumain na tayo." Pang-aaya ni Elijah.

Himala, good mood yata siya! Nakangiti kasi siya ngayon! Bihira mo lang makita ‘yon ah! Once in a blue moon.

"Sarap yata niyan!" Sabi ni Kenji.

"Hoy! Hati-hati lang, huwag mong kunin lahat!" Agad na suway ni Xavier kahit wala pang nakukuhang kahit na ano si Kenji sa plato niya.

Mukhang nabasa agad nila ang naiisip netong batang singkit na hapon na matsing na 'to. Sa mata pa lang niya alam na alam mo ng itatakas ang isang plastic ng ulam.

"Hindi niyo inaya si Shikainah?" Tanong ko sa kalagitnaan ng pagkain namin.

Kaya pala kanina ko pa napapansin na parang may kulang sa 'min. Lagi namang wala si Shikainah pero kanina ko pa siya hindi nakikita.

"Nakauwi na... hindi naman siya kasali... sa gulo." Parang naiilang na sagot ni Xavier sa 'kin. Nakatingin lang siya sa plato niya.

"Ah.." Tumango ako. "Kagabi, alam niyo ba kung napano siya?"

Naalala ko kasi yung mukha niya habang nakaupo siya sa isang sulok, kahit hindi niya sabihin alam kong umiiyak siya kagabi. Oo, umiiyak, present tense, kasalukuyan.

"Bakit? Napa'no ba siya?" Tanong ni Eiya.

Nagkibit balikat ako. "Ewan ko nga eh, basta napansin ko lang na namumugto ang mga mata niya."

"What?!" Nagulat ako sa biglang pagsigaw ni Xavier.

Parang hindi pa makapaniwala sa sinabi ko dahil nanlalaki ang mga mata niya. Yon ang nakita ko eh, akala ba niya bulag ako. I have eyes.

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionWhere stories live. Discover now