"Wala tayong plato... pa'no 'yun?"
Di bale sana kung may puno ng saging dito, kahit dahon lang ang gamitin namin pwede. Pero wala eh, anong gagamitin namin, papel?
"Nagpadeliver din kami!" Mayabang na sagot niya.
Talaga lang ah? Hindi ako nainform na may nagdedeliver na palang plato ngayon, akala ko pagkain lang.
Nakarating kami sa soccer field, may puno ro'n at doon sila naglatag ng... teka! Yung kurtinang tinutupi ko kanina 'yun ah, pa'no nila nakuha 'yon?
Alas onse na kaya hindi na mabuti sa balat ang sikat ng araw, bala magkasun-burn kami kung do'n sila maglalatag.
Dahil open space ang lugar at may iilang puno ng nara, napakapreskong tumambay dito. Hindi marumi ang hangin na nalalanghap mo. Tsaka hindi mainit ang hangin, minsan kasi mainit na ang hangin sa gan'tong oras kaya masakit sa balat at nakakapawis lang.
Wala ng estudyanteng nandito maliban sa 'ming mga naglilinis. Pinauwi ata sila ng maaga kanina, kaya pala ang daming estudyante ang dumadaan kanina. Sana lahat pinapauwi na. Chos.
Dahil marami kami, inilatag nila yung buong kurtina para magkasya kami. Sana lang hindi ipalaba sa 'min 'to kapag nadumihan, ang laki kaya neto. May mga disposable na baso at plato pati na rin kutsara pero walang pagkain. Baka damo ang kakainin.
Hindi ako papayag kapag gano'n, ano kami, kambing?
Lumapit ako at umupo sa pagitan nina Kenji at Eiya. Laging ganito ang pwesto namin, nasanay na kasi kami, para malapitan na lang kapag gusto naming batukan ang isa't isa. Inakbayan pa 'ko ni Kenji.
"Tapos na kayo sa paglilinis?" Tanong niya, tumango naman ako.
Teka nga!
"Gago! Kasama ka namin kanina eh, bakit mo pa itatanong?!" Sabi ko sa kaniya.
Sumasayaw ka pa nga ng bird dance. Kulang na lang sayo, tuka.
"Oo nga, nagtatanong lang naman, bakit ka nagagalit?" Tanong niya bago humagikgik. Pinitik ko naman ang ilong niya kaya inalis niya ang pagkakaakbay sa 'kin tsaka kinamot ang ilong. "Lagi mong pinagdidiskitahan ang matangos kong ilong!" Reklamo niya.
Edi ikaw na may matangos na ilong. Porke pointed eh! Sa 'kin kasi disappointed.
"Kayo, Trina... tapos na ba kayo?" Tanong niya naman sa iba.
Tumango si Trina sa kaniya. "Hay, oo! Nakakapagod, ang daming upuan na dapat iligpit, napakalaki pa naman nung mga tables kaya ang hirap ibaluktot, kaming dalawa na nga ni Alzhane ang nagliligpit ng mga 'yon hindi pa namin kaya eh, ang bibigat. Yung mga tela sa lamesa, pwede mo ng gawing gown sa haba! Galante talaga pala talaga ang school na 'to eh 'no? Jusko! Ang burara ng iba dahil may ilang gamit pang naiwan sa ibang lamesa tapos—!"
"Tinatanong ka lang niya kung tapos na ba kayong maglinis, oo at hindi lang ang sagot do'n," pambabara ni Vance sa kaniya.
"Nag-story telling ang gaga!" Pang-aasar ni Alzhane kaya naman sinabunutan siya ni Trina.
Tatawa-tawa naman kami dahil mukhang pikon siya sa ginagawa nung dalawa sa kaniya. Hindi niya talaga mapigilan ang bunganga niyang mag-ingay. Kung ano-ano ang ikinukwento. Yung isang salita nagiging isang talata.
"Ang sama ng ugali niyo!" Pagmamaktol niya tsaka inirapan si Vance.
Nag-appear-an naman yung dalawa dahil success daw ang pang-iinis nila kay Trina. Abnoy.
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
Teen FictionPitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
CHAPTER 84
Start from the beginning
