Akmang magsasalita ako para sana tangungin sina Trina kung may pang-alis ba sila neto, pero lumapit sa akin si Adriel na may dalang panyo at wipes. Sa'n niya nakuha ang mga 'yun.

"Let me remove it." Sabi niya.

Bago pa 'ko makapagsalita at sabihing 'wag na' ay kumuha na siya ng wipes at dahan-dahang pinunasan ang mukha ko. Wala akong nagawa kung hindi pumikit na lang.

Inuna niya ang talukap ng mata ko, pinupunasan niya 'yon. Naitikom ko naman ang bibig ko dahil nararamdaman ko ang hininga niya sa mukha ko.

Amoy mint.

Pinunasan niya rin ang mukha ko. Parang pinagpapawisan ako ah. Sobrang lapit kasi namin. Wala namang malisya 'to dahil nagmamagandang loob lang naman siya.

"Your lips... pupunasan ko na rin para matanggal ang lipstick." Sabi niya matapos tanggalin ang make-up sa buong mukha ko.

Dahan-dahan kong minulat ang mata ko kasunod ng pagtanggal ko sa pagkakatikom ng mga labi ko. Nahugot ko ang hininga ko nang makitang isang pulgada lang ang layo ng mukha niya sa mukha ko. Centimeters lang ang layo ng matangos niyang ilong sa ilong ko!

Nakita kong nakatingin ang mga kasama namin sa amin... masamang tingin. Lahat sila pinapanood kami, nakatalikod si Adriel sa kanila kaya hindi niya sila nakikita.

Pinagtataasan ako ng kilay nung apat na babaita habang nakacross arm. Yung iba naman ay walang reaksyon ang mukha nila, yung iba walang pakealam. Napa'no ang mga 'to?

Wala namang masama sa ginagawa netong isa. Hala! Baka gusto nilang magpatanggal din ng make-up, sabagay, hindi ko naman sila masisisi dahil magaan lang ang kamay ni Adriel. Napakaingat ng galaw niya.

Inumpisahan niyang punasan ang labi ko, habang nakatitig siya do'n ay napapalunok siya at nakita ko rin na pinagpapawisan siya. Kinakabahan ba siya?

Napaatras ko ang ulo ko nung nagtangka siyang halikan ako. Inilapit niya kasi ang labi niya sa 'kin kaya bago pa magkadikit 'yon ay umatras na 'ko.

"Whew.." Pagsipol ng iba kaya naman lumayo na talaga ako kay Adriel.

"Salamat." Sabi ko sa kaniya at ngumiti, tumango naman siya.

"Tara na... para agad na rin tayong matapos sa paglilinis." Pang-aaya ni Kayden tsaka lumabas ng room.

Talagang hari eh 'no? Gusto may taga sunod.

"Tara na nga, gusto ko ng umuwi eh!" Sabi ko na lang kahit ayoko naman talaga, nakakainip sa bahay 'no! Pero atleast may pagkain do'n. "Eiya, palagay muna sa bag mo oh." Pakisuyo ko sa kaniya at iniabot ang gown. Hassle kasi 'to eh!

Kinuha niya 'yon, hinintay muna namin ang iba bago kami sabay-sabay na lumabas ng room. Mag-aalas dies na pero hindi pa kami nag-aalmusal. Tiis-tiis muna, pagkatapos maglinis do'n kakain.

To: Momiyuuuh

Message: Di muna me uuwi, may general cleaning kami >.<

Baka kasi nag-aalala na siya kasi hindi ako umuwi. Sigurado akong sesermonan niya 'ko kapag hindi ako nakapagpaliwanag sa kaniya. Ayoko nun ah, maghapong may nakapamewang sa harap mo at nileleksyunan ka.

Tinago ko sa bulsa ko ang cellphone ko bago sumabay sa iba sa paglalakad.  Inangkla ni Kenji ang braso niya sa kamay ko, baligtad ampota.

Huminto kami sa harap ng gymnasium kung saan nakatayo si Kayden habang nakatingin sa kawalan. Parang naiinip na nga siya eh. Ilang minuto lang naman niya kaming hinintay.

Hindi namin kasalanan kung nagmamadali kang lumabas, hmp!

"Pa'no niyan? Ang laki netong campus eh!" Reklamo agad ni Vance at napapakamot na ng ulo.

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionWhere stories live. Discover now