"Dean naman!" Arturo immediately complained.

"Huwag na huwag mo akong kausapin ng ganiyan," Bagbabanta ni dean sa kaniya. "You will all be cleaning up the whole university tomorrow! All of you! I won't call your parents so that the trouble doesn't get worse." Mariing sabi niya.

"Pero sir... pa'no yung mga babae? Kasama rin sila sa gulo!" Sigaw nung isang lalaking katabi ni Arturo.

"They weren't involved in the trouble... you just involved them... they were just in a corner and crying, tell me how the hell they got involved, huh?!" Vance said.

"Tapos na ang usapan, maglilinis kung maglilinis." Seryosong sagot ko bago tumayo at lumabas ng office ni 'lolo'.

Kahit hindi sila kasangkot... tutulong pa rin sila dahil alam kong ‘yon ang gagawin nila...

      ——————————————

HEIRA'S POV

Ang sakit ng ulo ko....

Napahawak ako sa ulo ko dahil naramdaman ko ang pagpintig no'n. Umupo ako, nahilo ako kaya naman napapikit ako ng mariin.

Hinilot ko ang sentido ko ng ilang beses bago nagmulat ng mata. Lahat sila tulog na at nasa kani-kanilang mga sleeping bag na... teka?! Kaninong sleeping bag ang pinaghihigaan ko?

Anong nangyari?

Huling pagkakanda ko ay yung pagsampal ng lalaki sa akin. Naramdaman ko no'n ang dugo sa bibig ko at ang hapdi ng magkabilang pisngi ko. Nandilim ang paningin ko at idinura sa mukha ng lalaki ang dugo.

Sinikmuraan niya ko ng dalawang beses kaya halos manghina ang tuhod ko no'n. Ang sunod na nangyari ay sumigaw ako ng "takbo!" at "tumakbo ka na!" Hindi ko alam kung saan 'ko nahugot ang mga salitang yun.

Tapos no'n ay napasalampak ako sa lupa dahil hinampas niya ang likod ko, hindi ko na alam ang sunod na nangyari, para akong nakatulog ng matagal... nakatulog nga ba ako?

Aaarrrgh! Sakit!

Pa'no nila ako nakita? Ibinalik ako nung lalaki sa kanila? Imposible naman 'yon. Baka iniwan ako nung lalaki tapos nakita lang ako nina Eiya. Oo yun! Baka gano'n nga.

Ang himbing ng tulog nila, picturan ko kaya sila?

Joke.

Tumayo ako para maghanap ng tubig na maiinom, parang natuyo ang lalamunan ko. Mukhang wala naman akong makikita rito kaya lunok-lunok na lang muna ng laway.

Nakita ko si Kenji at Trina na natutulog sa mga bangko habang nakaupo. Si Trina, nakadukmo at may panyo ang mukha. Si Kenji naman ay nakatingala at nakapatong ang batok sa likod ng upuan ang ulo. Nakanganga pa.

Pigilan ko ang pagtawa ko dahil baka magising sila. Pa'no ba naman kasi! kalahati lang ng mata niya ang nakapikit, parang hindi man na lang natutulog.

Kinuha ko ang cellphone ko atsaka pinicturan siya. Humagikgik pa 'ko pero tinakpan ko ang bibig ko. Ang bad ko!

Binuksan ko ang instagram kong isang dekada na yatang hindi nabubuksan. Inaamag na. Lahat ng mga social media accounts ko hindi ko na ginagamit. Hindi ko na nga alam ang mga password ng nga yun.

Sa kauna-unahang pagkakataon, nagpost ako ng picture tapos si Kenji pa 'yon.

@sylvia_heira posted a photo.

'Sleeping fangit :^)'

Yan ang caption ko sa picture ni Kenji.  Saglit pa muna akong tumawa bago tapikin ang braso ni Trina. Sa kaniya malamang ang hinigaan ko. Nag-angat naman siya ng ulo pero nakapikit pa rin ang mga mata niya.

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionWhere stories live. Discover now