Pahirapan pa sa pagdaklot nun dahil sa kapal ng tela netong suot ko. Kung alam ko lang na hindi pala kami uuwi, eh 'di sana nagpambahay ba lang ako. Bakit ba kasi may face of the night pa eh. Alam naman ng iba kung sino ang mananalo.

At si Madison 'yon. Narinig ko kasi kanina na siya lagi ang nanalo kapag may gan'to. Malakas daw siya sa mga panel at close ang family niya sa board members netong university.

May narinig akong pumasok sa c.r kaya hindi muna ako lumabas. Baka sina Queen Bobowyowg na na naman ang mga yan. Bakit ba kapag nagbabanyo ako, laging kasunod 'tong babaitang Christmas beetle na 'to?

"Masyadong pabida ang mga 'yon." Maarteng sabi nung isa. Alam kong si Porpol 'yun.

"I agree. Naiinis talaga ako dun sa Heira na 'yon! Aarrrrgh!" Frustrated na sabi ni Madison.

Di ako sure kung tama bang sila 'yon kaya naman yumuko ako at sinilip sila  sa butas sa ilalim ng pinto ng cubicle. Kahit nahihirapan ako, keri lang kaysa naman hindi ako makalabas ng buhay.

Confirmed!

Sila nga. Pero wala yung dalawang clown. Si Madison at Violet lang ang magkasama. May hawak silang damit, baka magpapalit na sila pero bakit panay pa rin ang paglalagay ng make up nila? Hindi ba nangangati ang mga mukha nila?

Pumasok sila sa mga cubicle kaya nakahinga ako ng maluwang. Aklamang lalabas na 'ko nang marinig kong may tinatawagan sila sa telepono. Hindi ko alam kung dapat ko bang pakinggan o hindi. Privacy nila yun.

Pero may nagtulak sa 'kin na pakinggan ang usapan nila ng tinatawagan nila. Chismosa mode on.

Ilang ring ang narinig ko bago magsalita si Madison.

"Hello... yeah... I need you... all of you... may tratrabahuhin lang kayo... madali lang 'yon... basta ba hindi kayo madidiin... of course, I'll pay you... oo sila... yeah... don't hurt Asher to much, otherwise I will shoot you..."

Napaatras ako, grabe naman pala 'tong magbanta. Tsaka narinig ko ang pangalan ni Asher... anong balak nila?  Sino kayang kausap neto? Masama ang pakiramdam ko sa kanila.

"Yeah... bibigyan kita ng reward." Malanding dagdag niya pa. "Ofcourse... yeah... bye... I-I l-love... cringe." Yon lang at narinig ko ng namatay ang tawag.

Shet! Kailangang malaman ng mga kasama ko 'to! Pero si Asher lang naman yata ang pakay nila... o kasama kami? Hindi ko na alam. Dahan-dahan akong lumabas ng cubicle habang nasa loob pa sila.

Nang makalabas ako ay mabilis akong tumakbo. Bahala na kung mabato ang dinadaanan ko. Wala naman sigurong mangyayaring gulo diba? Matutulog na lang eh. Tsaka bakit ba 'ko nangengealam sa kanila.

Kung magkagulo sila, sana lang sa labas na lang ng university, ‘wag dito sa loob, ayokong maglinis magdamag 'no!

Bakit ba kasi bawal pang umu—!

"AAAAAHH!"

Nangilabot ako nang may makita akong batang lalaking lumiliwanag ang mukha at nanlilisik ang mga mata. Napakaputi ng mukha niya! Lord help! Wag naman po ngayon.

Biglang humampas sa katawan 'ko ang malamig at nakapangingilabot na hangin. Kahit na naka-coat ako, ramdam 'ko yun. Nagtataasan na ang mga balahibo ko.

Nang makita ko siyang papalapit sa 'kin at dahan-dahan akong umatras. ‘Wag mo muna akong kunin ngayon! Kung hindi man matahimik ang kaluluwa mo, pasensya na hindi ko na kasalanan 'yon.

Sa iba ka na lang magparamdam. Umatras ako ng umatras habang ang mga kamay ko ay mahigpit na nakakapit sa suot ko.

Uuwi na ko!

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionTempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang