Tumingin ako sa kaniya, seryoso lang ang mukha niya habang nakatingin din sa 'kin. Hindi ko tuloy malaman kung sinapian lang ba siya dahil hindi man lang siya ngumiti kahit pilit man lang. Pumupungay ang mga mata niya.

Nawala na ang maiingay at malilikot na ilaw. Napalitan 'yon ng mas mabagal na paggalaw ng puting ilaw. Parang spot light gano'n.

"Oh, I will hold on to the afterglow
Oh, I will hold on to the afterglow
Oh, I will hold on to the afterglow."

"Okay ka lang?" Tanong ko sa kaniya.

"Yes..."

"Bakit hindi ka nagsasalita? Pipi ka na?"

"No.."

"Eh?" Sabi ko na lang tsaka hinawakan ang noo niya, "wala ka namang lagnat."

"Wala nga."

"Oh, bakit para kang natatae mula kanina?"

Nakahinto kami sa pagsasayaw pero nandito pa rin kami sa gitna. Nandito pa rin naman ang iba. Nagbubulungan din sila habang naghihintay ng pagtugtog ng kanta.

Parang ang dami tuloy ng mga bubuyog sa paligid.

"Ano na? Hindi ka sasagot? Baka kinukumbulsiyon ka na ah—."

"Yung paa ko tinatapakan mo."

Napaatras ako dahil sa sinabi niya. Kaya pala hindi pantay ang kinatatayuan ko dahil sa paa niya. Ang isang paa ko nasa sahig ang isa ay nasa paa niya. Bakit kasi hindi siya nagsasalita mula kanina!

"Ay... sorry!" Nagpeace sign pa 'ko sa kaniya at ngumiti ng pilit.

"It's okay. Nakaya naman ng paa ko ang timbang mo." Sagot niya.

"Siraulo ka ah?!"

Ang bastos kasi ng bunganga niya. Anong gusto niyang palabasin, na mabigat ako? Ang gaan ko lang kaya!

Tumawa lang siya tsaka inilahad ang kamay sa 'kin.

"Aanhin ko 'yan?" Tanong ko habang nakataas ang isang kilay ko.

"Putulin mo."

Sige madali naman akong kausap.

"Pahiram ako ng laga—."

"Kidding." Bawi niya, "just put your hand on it."

Binigyan ko pa siya ng itsurang parang nandidiri bago ipatong ang kamay ko sa palad niya. Inalagay niya ulit 'yon pati na yung isa pa sa balikat niya.

"Wise men say
Only fools rush in
But I can't help falling in love with you
Shall I stay?
Would it be a sin
If I can't help falling in love with you?"

Bumalik kami sa pagsayaw. Old but gold sabi nga nila. Ang ganda pa rin talaga ng melody ng kanta. Nakakadala.

"Like a river flows
Surely to the sea
Darling, so it goes
Some things are meant to be."

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionWhere stories live. Discover now