Nakahinga ako ng maluwang nang makalabas ako sa wakas sa lamesang 'yon. Ang init pala sa loob no'n! Tapos sa labas ang lamig. Kaya pala pinawisan ako.

Pinunasan ko ang butil-butil na pawis ko sa noo tsaka bumuga sa hangin. Mahaba-habang takbuhan din 'yon ah.

"Pati sa shock reaction mo, pagkain ang lumalabas sa bibig mo." Sabi ni Asher at bahagyang natawa.

"Ha. Ha. Ha." Sarkastikong pagtawa ko, "eh, ikaw naman kasi eh! Bakit ka ba nanggugulat d'yan!" Inis na sabi ko sa kaniya.

"Ikaw kaya ang bigla-bigla na lang magtatago sa ilalim ng lamesa. Malay ko ba kung naninilip ka."

Tengene nemen!

"Sapakin kaya kita?!" Banta ko. "Hindi ako naninilip 'no! Kailangan ko lang talagang magtago!" Depensa ko.

"Kanino? Kina Madison?" Tanong niya, tumango naman ako. "Lagi naman..." Dagdag niya pero pabulong lang 'yon.

"Ano?!"

"Sabi ko lagi naman sila ang naghahabol sa'yo." Aniya.

"Sa ganda kong 'to!" Tinapik ko ang baba ko. "Hindi lang sina Madison ang humahabol sa 'kin." Pagmamayabang ko.

"Sige nga, sino pa?" Hamon niya.

"Aso... aso sa daan. Hinahabol kaya nila ako ng mga 'yun." Taas noong sagot ko.

Narinig ko naman ang pagtawa niya, umiling-iling pa siya. Wala pala kaming kasama kundi ang mga anino namin. Kaming dalawa lang ang nakaupo sa table na 'to.

Mukhang nagkakasiyahan ang iba sa may dance floor. Narinig ko kasing start of the party na, ewan ko, baka nag-uumpisa na talaga yung party kung saan libre ang sumayaw ng sumayaw hanggang mapagod.

"Pa'no mo nalamang nandito ako?" Turo ko sa ilalim ng lamesa.

"I saw you... Nakita kita kasi nakaupo ako d'yan." Turo niya sa upuan sa harapan namin.

"Kanina ka pa d'yan?"

Mukha kasing hindi siya nanood kanina sa mga performance kanina. Hindi ko rin siya napansin kanina. Siya lang mag-isa rito, hindi kaya siya nainip o natakot man lang dahil madilim?

"Yeah.." Walang ganang sagot niya.

"Hindi ka nanood kanina? Saya dun." Pangungumbinsi ko.

"Nanonood ako..."

"Yon naman pala, bakit hindi kita napan—."

"Sa t.v." Putol niya sa 'kin.

Oo nga, sabi ko nga. May t.v nga naman, kung tamad kang pumunta ro'n pwede ka na lang dito manood.

"Ang ingay nga ng pagkanta ni Trina. Para siyang bulate, ang likot niyang kumanta." Dagdag niya pa.

Nagkatinginan kami saglit, hindi na namin namalayan na tumatawa na pala kami ng walang hinto dahil sa sinabi niya.

Biglang humampas sa mukha ko ang malamig na hangin. Kinilabutan tuloy ako.

"Tara, sayaw na lang tayo!" Anyaya ko sa kaniya. "Nakakatamad dito eh," dagdag ko.

"You can go... dance with them." Papahinang sabi niya.

"Iiwan kita dito?" Tanong ko, tumango  naman siya. "Nakakainip dito!" Sabi ko tsaka hinila ang kamay niya.

Ang bigat-bigat niya kaya nahirapan akong itayo siya. Parang tinatamad pa siyang tumingin sa 'kin habang pilit ko siyang itinatayo mula sa pagkakaupo niya.

Ang bigat mo! Tumayo ka na lang! Papahirapan mo pa 'ko eh!

"Do'n tayo! Dali!" Pagpupumilit ko kahit pa nanlalambot ako dahil sa kakahila ko rito sa lalaking 'to.

Napasimangot ako nung bigla siyang huminto sa paglalakad kaya huminro rin ako.

"Ano tatayo ka na lang d'yan?" Tanong ko sa kaniya.

"Tara na. Hindi mo 'ko kailangang hilahin." Sabi niya tsaka nagpaunang naglakad.

Lakad takbo ang ginawa ko para masabayan ko siya. Bakit ba kasi ang bilis netong maglakad? Kanina halos ayaw niya nang maglakad ngayo naman parang excited pa.

Excited gumiling?

Nang makarating kami, agad ko siyang hinila at sinenyasang tumalon-talon dahil para siyang robot  kung kumilos.

Rock pa naman ang music, isabay mo pa yung mga ilaw na umiikot-ikot. Gan'to pala kapag malaki ang school 'no? May mga party at libre ang pagkain. Samantalang dati kailangan pa naming mag-solicit para magkabudget ang school.

"Talon ka, uy!" Utos ko habang tumalon-talon.

Sumunod naman siya. Para kaming sirang umiindak, tumatalon, gumigiling at kumekembot habang tumatawa. Nasa gitna pa naman kami, baka nga may natatamaan na kami eh

"Wait, stop.." Sabi niya tsaka tumigil sa pagtalon. Inalalayan niya 'ko na para bang matutumba ako.

"Bakit?" Tanong ko at nagpatuloy sa pagsayaw.

Woooh! Wooh! Ngayon lang 'to! Sulitin na natin. Baka bukas wala na 'tong mga ilaw na 'to.

Iwinawagayway ko ang mga kamay ko tsaka kumembot-kembot. May humawak sa bewang ko dahil muntik na 'kong matumba. Mukhang grade 8 pa lang yata 'yon dahil sintangkad niya lang si Kenji.

Maliit pa nga yata si Kenji sa kaniya eh. Bansot yun.

"Pasensiya na." Sabi ko tsaka lumayo sa kaniya.

Naalis na pala ako sa pwesto ko kanina. Wala na 'ko sa gitna kaya hindi ko na nakikita si Asher.

Bumalik ako sa pwesto ko kanina. Nakita ko si Asher na nakatayo lang do'n habang nakacross arm. Hindi na alintana ang mga kamay na humampas sa katawan niya.

Tumayo ba naman sa gitna ng mga nagsasayaw.

"Don't you have a hard time dancing?" Tanong niya.

"Wala ah!" Sagot ko.

"Aren't you wearing heels?"

Kumunot naman ang noo ko, anong heels pinagsasabi neto? Yung mataas na takong 'yon 'di ba? Aasahan niya ba 'kong magsusuot ako ng gano'n?

Teka...

"Ah... heels." Tumango ako tsaka tinaas ang laylayan ng long gown ko. Tumalon muna ako tsaka pinakita ang suot ko.

"...Bleh! Naka-sneakers ako!"

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionWhere stories live. Discover now