"Excuse me..." Narinig ko na ang pagsunod nila sa 'kin kaya mas binilisan ko ang pagtakbo.
"Alis! Tabi!" Sabi ko tsaka lumiko kung saan wala nang masyadong tao. Yun yung madilim na parte ng covered court.
"Hey..." Sabi ni Nicholai pero kumaway lang ako sa kaniya at lumabas na ng court dahil narinig ko na ang maarteng boses ni Madison and her company.
Bukas na lang kita babatiin ng 'hey' kung gusto mo 'hoy' pa.
Umiba ako ng ruta nung makita ko ang kumpulan ng mga lalaki. Sila yung kasama nina Madison nung muntik na 'kong matapunan ng burak. Tandang tanda ko kaya ang pagmumukha nilang impakto.
Nung makita ko ang table namin agad akong lumapit do'n tsaka pumunta sa ilalim no'n para magtago.
Ano ba kasi 'tong pinasok ko?
"Find her." Halos mapa-sign of the cross ako nung marinig ko ang boses nung lalaking nakasama dati nina Madison.
"Find that little brat!" Inis na utos ni Madison.
"Oo nga, find that little brat!" Kapag gan'yan na ang nagsalita, alam mong si Clown 2 'yan eh.
Siya yung babaeng inuulit lang ang sinasabi ng kasama niya. Ano na author? Wala siyang sariling dialogue? Puro siya gan'yan?
(A/N: Sige palit kayo ng role.)
Wag na pala, sige gan'yan na lang siya.
"Babae! Lumabas ka d'yan!" Boses ni Violet.
Bakit ako lalabas? Para sabunutan niyo? O kaya tapunan ng burak? Siraulo rin 'tong babaeng 'to eh. Ikaw kaya ang habulin ng impakta tapos sabihing lumabas ka, lalabas ka ba?
Gago ba you?
"Dito lang 'yon tumakbo. Baka nasa mga puno!" Anas naman nung Clown 1.
Dahil sa kakasugod at kakaarte nila sa harapan ko, nasaulo ko na ang boses nila.
Tsaka anong sinasabi netong Clown 1 na 'to? Sa mga puno nila ako hahanapin? Ano ako, engkanto? Maligno? Na nagtatago sa puno?
"I think she's not here." Sabi nung isa. Meron silang bagong narecruit?
Ngayon ko lang nabosesan ang babaeng 'yun ah. Baka marami talaga sila tapos apat lang ang palasugod.
"Wala na sila."
"Ay gago manok!"
Nagulat ako nung may magsalita at sumilip sa ibaba ng lamesa. May malaking tela kasi 'yon kaya hindi ako makikita kung hindi itataas 'yon.
"Labas ka na. they are already gone." Dagdag niya pa.
Humugot muna ako ng malalim na hininga para ikalma ang sistema ko. Parang humiwalay ang kaluluwa ko dahil sa gulat sa bilang pagsulpot ni Asher.
Dahan-dahan akong lumabas habang nakatingala, tinitignan ko kung wala na ba talaga sila. Baka bumalik ang mga 'yun, sayang naman ang pagtatago ko.
ESTÁS LEYENDO
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
Novela JuvenilPitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
CHAPTER 77
Comenzar desde el principio
