Nakita ko ang pagsinghap niya at ang pagkuyom ng mga palad niya. Kita mo 'to, siya nauna tapos siya pa ang pikon.

"H-how dare you!"  Yon na lang ang nasabi niya sa 'kin.

"How dare me?" Tanong ko habang nakangisi sa kaniya.

Kita ko talaga ang pagsalubong ng kilay niya at pamumula ng ilong at tenga niya.

"Oo nga! How dare you!" Sabi naman ni Clown 2.

Nasa likod niya na pala ang mga alipores niya. Epal 'to eh, may back up talaga. Nasa side ko naman ang mga kasama ko, nanonood. Oo, ang titino nilang kaibigan ko, talagang tatawanan lang nila ako sa mga oras na gan'to ang sitwasyon. Ang babait nila, grabe!

"Bakit ba ang lakas ng loob mong pagsalitaan mo kami ng gan'yan ha?" Naiinis na tanong ni Porpol.

Mas bet ko talaga yung Porpol kaysa sa Violet.

"Oo nga, bakit ba ang lakas ng loob mo?" Tanong ni Clown 2. Inambahan niya pa 'ko ng hampas kaya naman pinagtaas ko siya ng isang kilay. Umatras na lang siy bigla.

"Wala akong sinasabi kahit na ano ah, hindi ko naman kasi alam na tatamaan ka... yo sa sinabi ko." Sabay turo sa kanila.

Hindi ko kasi alam kung 'ka' ba o 'kayo', malay ko ba kung pati yung iba natamaan sa parinig ko. One for all, all for one pa naman ang mga 'to.

Kapag sumugod ang iba, susunod ang iba. Kapag nanakit yung isa, susunod yung mga alipores niya. Kapag naman nagalit ang leader nila, magagalit din sila. Kung kayang tumae si Madison, gagaya rin sila?

"Do you know me, huh?" Mataray at maarteng tanong ni Madison.

"Oo, ikaw si... Queen Bee." Nag-aalalang sagot ko, sasabihin ko sana na Queen Bobowyowg kaso baka sagpangin niya 'ko.

"I am Madison Cani—!"

"Not interested." Walang ganang putol ko sa sinasabi niya.

"Impakta ka!" Biglang sigaw sa 'kin ni Madison.

Hindi ako sumagot sa kaniya. Maka-impakta naman 'to. Mas mukha ka pa ngang impakta sa 'kin eh. Mukha kang tipaklong.

"Fanget ka!" Ganti ko naman sa kaniya.

Napaatras siya na para bang hindi makapaniwala sa sinabi ko. Totoo naman ang sinabi ko ah. Honesty is best policy sabi nga nila.

Pasimple kong hinila ang tela na nasa lamesa sa likod ko. Buti na lang walang gamit o kahit na ano ang nakapataong sa lamesa kaya nahila ko agad 'yon.

"Ang kapal ng muk—."

Hindi ko na siya pinatapos sa sinabi niya ng bigla kong hinagis sa mukha nila ang tela. Nang matakluban na sila, kumaripas na 'ko ng takbo papalayo sa pwestong yun.

"Hoy! Bumalik ka dito!" Sigaw pa nila pero hindi ko sila pinansin.

"Hintayin mo kami!" Alam kong boses ni Clown 1 'yon.

Bakit ko naman kayo hihintayin? Ano ako tanga? Hihintayin ko ang katapusan ko gano'n.

"Tabi! Padaan!" Sigaw ko tsaka hinawi ang mga taong nagsasayaw. Mamaya na kayo kumembot d'yan!

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionWhere stories live. Discover now