Ipasara niyo na ang catering niyo!
Nakasibangot akong bumalik sa upuan namin. Hindi ko na nga alam kung kasama ko ba pabalik si Vance o hindi. Basta nagmartsa na lang ako dahil sa sama ng loob.
"Haba ng nguso mo!" Sabi ni Kenji tsaka ni sinampal ang nguso ko.
Napahawak ako dun dahil sa pagkabigla. Nakangat ko pa ang loob ng labi ko. Sakit no'n ah.
"Siraulo you! Inaano kita!" Inis na sigaw ko sa kaniya.
Tinutok ko pa sa kaniya ang kutsarang hawak ko. Kung hindi ako nakapagpigil baka maihagis ko na sa kaniya 'to. Kanina pa 'ko badtrip! Wala bang good trip d'yan?!
Ang hapon tumakbo papunta sa likod ng upuan ni Kayden. Gusto ko siyang batuhin kaso baka matamaan ang mukha nung isa. Baka laklakin ako dahil sa sama ng tingin.
Inaano kita?
Ikaw nga ang may atraso sa 'kin, punyemas ka!
"Ya! Alis! Gumagalaw ang upuan ko!" Saway niya kay Kenji na ngayon ay parang nakikipagpatintero sa 'kin.
"Papatayin ako ni Ursula!" Sigaw naman nung isa habang nakaturo sa 'kin. Parang natatakot pa.
Tangina....
Ursula? Kamukha ko ba si Ursula ha? Yung evil villain sa The Little Mermaid? Mukha ba 'kong kulay violet. Tinignan ko ang sarili ko.
Oo nga. Pero yung mukha lang naman!
Hindi naman ako mataba. Slight lang! Sakto lang ang katawan ko!
Umupo na lang ulit ako tsaka kumain. Naiiyak ako! Putsa! Ang konti na nga lang ng binigay nung mga nag-a-assist tapos ngayon nawawala pa yung isa kong manok! Dalawa lang yun eh!
Maluha-luha akong tumingin sa paligid. Ibalik niyo yung manok ko! Kuha na lang kayo dun, marami pa dun!
Do'n ko nakita si Kenji na kumakain habang nasa likod pa rin ni Kayden. Nakapikit pa ang hinayupak habang ninamnam ang pagkain ko! Suspect found!
"Hoy! Akin yan eh!" Sigaw ko.
"Huh? Anong sa'yo. Akin 'to!" Depensa niya tsaka bumungisngis. "Wala na oh." Sumenyas pa siya pagkatapos lamunin ang hawak. "Penge pa ng isa."
Oh, diba? Guilty!
Lumapit siya sa 'kin kaya agad kong kinuha ang plato ko tsaka inayo sa kaniya.
"Abusado ka ah!" Sabi ko.
"Isa lang!" Pagpupumilit niya, pinaglapat niya pa ang parehong palad niya na parang nagdadasal.
"Anong isa lang?! Dalawa nga lang 'to tapos kinuha mo pa yung isa!"
"Hindi ko kaya kinuha!" Depensa niya.
"Eh ano lang?"
Sige sagot! Dadaldakin kita kapag wala kang matinong paliwanag!
"Kusang sumama sa yung manok, ayaw daw sayo!" Sabi niya tsaka biglang tumalon. "Akin na 'yan!" Sabi niya pa tsaka kumaripas ng takbo.
"Punyeta ka! Hoy! Ibalik mo 'yan!" Huli na ng makapagreact ako! Nakuha niya na ang isang manok.
Anong natira sa 'kin? Sepu lang! Walang egg! Puro gulay ang sinandok nung crew!
"Bitawan mo 'ko! Sasamain talaga sa 'kin yun!" Sabi ko habang nagpupumiglas sa hawak ni Asher.
"Crew lang yun. That's their job so you can't do anything."
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
Teen FictionPitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
CHAPTER 75
Start from the beginning
