"Sige ba! Palakasan tayo non ng boses." Paghahamon naman nung isa.

"Aba!" Umakto si Trina na huhubarin ang suot na takong kaya kumaripas naman ng takbo ang isa.

"Nakita ko si Lucas..." Biglang anas ni Alzhane kaya naman napatingin ako sa kaniya. Tama na! "Nag-usap kayo?" Tanong niya pa.

"Ah... oo! May ano lang... a-ano, m-may tinanong lang." Sabi ko, utal-utal na.

"Ano yung tinanong?"

Patay!

"A-ano... ano raw paboritong number ni Trina sa oven... Oo yun!" Napakamot na lang ako sa ulo dahil nangangapa ako ng sagot. Ano raw?

Number sa oven? Ulowl!

"Ah.." Tumango siya. "Punta lang ako dun ah!" Aniya tsaka kumaway.

"Good evening, ladies and gentlemen..." Panimula ng emcee kaya nagsipagbalikan kami sa mga tables namin.

Iganala ko ang paningin ko sa buong lugar. Ang lawak pala nun. Kahit pa maaliwalas ang lugar, biglang sumikip yun dahil natipon ang lahat ng mga estudyante.

May malalaking round tables na kasya siguro ang trenta katao. Kaya siguro by section ang hati. Ang iba ay nasa mismong covered court na. May malaking tv rin malapit sa 'min kung saan makikita ang mga taong nasa stage.

Nakaupo ro'n si Madison at Porpol. Hindi ko lang alam kung aano sila dun. Baka sila ang 'not so' special guest ngayong gabi. Ang emcee naman ay yung junior high school p.e teacher. Hindi ko alam ang pangalan niya.

"I hope you enjoy tonight, miss beautiful and mister handsome." Sabi niya. "We are gathered today to celebrate an event that only happens once a year." Masiglang dagdag niya.

Napansin ko ring may mga estudyanteng nakapila sa ibaba ng stage. Mukhang sila ang magpaperform, may dala pa silang pompoms.

"Before we enjoy the party, let us first thank our Lord with a short opening prayer." Sabi naman nung isang babaeng emcee rin.

Tumayo kami at sumali sa opening prayer. Natahimik ang buong lugar at tanging boses lang ng nag-le-lead sa prayer ang siyang naririnig. Hindi naman 'yon mahaba kaya agad na natapos. Umupo rin kami kaagad pagkatapos no'n.

"Matagal pa ba?" Bulong ko kay Asher, katabi ko kasi siya ngayon. Hindi ko nga alam kung pa'no ko 'to nakatabi eh.

"Siguro. Ewan." Nagkibit balikat pa siya.

"Nagugutom na 'ko." Bulong ko ulit. Nakakahiya naman kung marinig ng iba.

Hindi kasi ako nakakain kanina bago ako umalis. Nagmamadali kasi si mommy kaya hindi na 'ko nakapaghapunan.

"Ako rin." Walang kwentang sagot niya tsaka tumawa.

"Tagal kasi. Ang daming cheche buretche!" Reklamo ko.

"Hayaan mo na, ngayon lang 'yan, mahal..."

Napatingin naman agad ako sa kaniya. Anong sabi niya? Mahal? Anong mahal? Mahal ang bigas gano'n?

Mukhang hindi niya naman alam ang sinabi niya kaya hindi ko na lang pinansin. Baka gutom na nga siya kaya kung ano-ano ang nasasabi niya.

Hindi na lang ako nagsalita. Tumingin na lang ulit ako sa tv. Masyadong malayo ang stage, hindi mo makikita ng maayos ang mga tao.

"Thank you." Yon lang ang narinig ko muna kay dean. Nagsalita pala siya no'n? Hindi ko napansin.

"Give a round of applause... grade 11 first section." Pag-a-announce ng emcee. Tamad naman kaming pumapalakpak sa kanila.

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionWhere stories live. Discover now