"Dahan-dahan lang, baka matapilok ka sa suot mong heels." Sabi ni mommy.
Anong heels?
Hindi ko na lang pinansin 'yon. Kinuha niya ang susi, wallet at cellphone niya bago niya ko hilahin ulit.
Parang nakikipagkakera siya ngayon dahil sa bilis niyang magpatakbo. Kapit na kapit ako sa seatbelt ko, baka tumilapon kami dito.
Thank you Lord!
Nakarating kami ng B.A.U ng buo, at buhay pa. Pinarada niya ang sasakyan sa harap ng main gate. Hinalikan niya pa muna ako sa noo bago iunlock ang pinto.
"Bukas pa ang gate, pwede ka pang humabol. Text me kung uuwi ka na." Paalala niya.
Tumango ako tsaka bumaba ng sasakyan. Munti pa nga akong mahulog dahil sa pasakit na gown na 'to. Buti na lang may humawak ng kamay ko.
Si Vance...
Inalalayan niya kong bumaba ng sasakyan. "Salamat." Sabi ko.
Hinintay ko pa munang makaalis si mommy, kumaway pa 'ko sa kaniya bago balingan 'tong isa.
"Bakit ngayon ka lang? Akala namin hindi ka na pupunta." Sabi niya bago humigop sa soft drinks yata yon na nakaplastic.
"Tinamad ako eh." Pagdadahilan ko. "Bakit ka nasa labas?"
"Bumili ako neto." Sabay pakita sa hawak. "Hindi masarap yung nasa canteen. Lasang tubig."
"Gago!" Natatawang sabi ko, "kapag may nakarinig sa'yo, yari ka." Pagbabanta ko.
"Bakit? Honest lang ako ah." Pagdedepensa niya.
Kinuha niya ang kamay ko tsaka inangkla sa braso niya.
"Ginagawa mo?"
"Baka madapa ka. Tanga ka pa naman."
Hinampas ko nga siya. Ang gara ng suot niya, nagbago ang style ng buhok niya pero ang pananalita niya gano'n pa rin. Bastos pa rin.
Nakasuot siya na coat na black, puti naman ang panloob niya. Naka tie pa siya. Black pants naman at leather shoes ang pang ibaba niya. Umayos naman ang itsura niya ngayon sa suot niya.
Pumasok kami sa loob ng university. Ang lakas ng tugtugin, nagpapatay-sindi ang ilaw tapos ang daming nagkalat na mga estudyante sa daraanan, magagara rin ang mga suot at mukha nila.
"ISSSSHAAAA!" Syempre alam ko na. kung kaninong boses yon. "Animal ka! Akala ko hindi ka na pupunta, susunduin ka na sana ng pison ni papa." Sabi niya tsaka tumawa.
"Sino ka?" Mataray na tanong ni Trina. "Nasa'n yung, Heira namin? Yung mukhang lalaki."
"Makalalaki ka naman d'yan!" Sagot ko.
"Ang ganda mo, ate!" Tumili pa si Hanna pagkatapos niyang sabihin yun.
"Ang pangit mo, gerlpren!" Biglang sumulpot si Kenji sa tabi ko. May dala pang isang plato ng pagkain. Akmang kukuha ako do'n nung ilayo niya. "Kuha ka dun, 'wag mong kunin ang akin."
"Ang damot mo ah!"
"Muntikan ka ng masaraduhan ng gate!" Sabi ni Alzhane.
"Bakit?"
"Late ka na, gaga!" Hinampas pa 'ko ni Xavier matapos niyang sabihin 'yon. Hindi naman siya ang kinakausap ko bakit siya ang sumagot?!
Naglakad kami papunta ng table. Isang malaking table yun sa may madilim na parte pero nasisinagan pa rin ng ilaw. Nando'n ang lahat ng mga kaklase ko.
Umupo ako sa bakanteng upuan. Naramdaman ko ang masamang tingin ng iba kaya iginala ko ang mga mata ko. Do'n ko nasalubong ang makapanindig balahibong tingin ni Kayden. Ang sama ng tingin niya habang pinagmamasdan ang kabuuan ko.
Wala akong ginagawang masama sa'yo! Baka naman gusto niyang suotin 'tong gown. Pwede naman, palit kami, mas komportable naman ako sa pants.
Tumingi naman ako kay Adriel at Asher na walang emosyong nakatingin sa 'kin. Nakasandal sila habang nakacross arm. Ano 'to? Follow the leader? Gaya-gaya lang.
Tsaka bakit gan'to sila makatingin, wala naman akong ginagawang masama sa kanila. Pinakopya ko pa nga yung iba sa quiz namin sa history!
Hindi ko na lang sila pinansin. Tumayo ulit ako tsaka lumapit kina Trina na ngayon ay nagkukwentuhan habang may hawak na drinks. Bawal ang alak kaya sure akong juice lang yun.
Bago pa 'ko makalapit sa kanila, may bumunggo na sa 'kin. Batuhan ang inaapakan namin kaya medyo naout of balance ako. Agad niya naman nasapo ang bewang ko.
Mula sa liwanag ng mga ilaw na malilikot, nakita ko ang makinis na mukha ni Lucas. Parang lalo siyang gumwapo ngayon ah!
"Huy!" Biglang sumabat si Trina sa 'min. "Ano, gan'yan na lang kayo hanggang mamaya? Mala disney princess gano'n?" Tanong niya kaya umayos ako ng tayo.
"Hinay-hinay sa pagtitig baka matunaw..." Parinig niya, hindi naman siguro ako ang sinasabihan niya dahil sa lupa ako nakatingin.
Nag-angat ako ng tingin kaya nahuli ko si Lucas na nakatitig sa 'kin. Para akong malulusaw dito! Myghadness! Help! Kinakabahan ako na hindi ko maintindihan. Parang nag-init naman ang pisngi ko.
Wow, arte! Di ko bagay!
"Ano na, Lucas?" Tanong ni Trina sa kaniya, binunggo niya pa ang braso ng lalaki sa braso niya. "Pretty ng kaibigan ko 'no!" Dagdag niya pa tsaka kumindat sa 'kin.
Aarrrgh! Sarap mong kalbuhin!
Umiling lang si Lucas tsaka ngumiti ng malapad.
"She's not pretty..." Sabi niya.
Aray!
"...She's gorgeous."
*****
(A/N: Don't forget to vote, comment and share! 😚 )
YOU ARE READING
Unexpected Classmates in Twenty Third Section
Teen FictionPitong mga estudyanteng pumasok sa Brently Austria University sa una ay normal lang ang araw nila hanggang sa ilipat sila sa isang section kung saan ay may makakasama silang hindi inaasahan. Highest rank achieved - #2 in '23rd' ...
CHAPTER 73
Start from the beginning
