Ginawa niya naman 'yon, batak na batak talaga. Nakakatakot suotin baka bigla na lang malaglag 'yon, wala pa naman kakapitan. Walang silbe yung manggas, pantago lang siya ng kili-kili.

"Ayos na?" Tanong niya nung matapos siya.

Tumango ako. Ayos na ayos na po. Hindi na nga ako makahinga sa sobrang higpit. Naipit ang tyan ko.

"Ma, maganda na ba 'ko?" Tanong ko habang nakatingin sa salamin.

"Mabait ka anak."

Mabait? Ang layo naman ng sagot mo, ma!

"Maganda ako, ma, diba?"

Nakikita ko sa repleksyon ng salamin na pinagkukunutan niya ako ng noo.

"Matalino ka, anak!"

"Mommy, hindi naman yon ang tanong ko eh!" Napanguso na lang ako.

Ayaw pa niya aminin na maganda ako. Tapos matalino, mabait.

Tumaw muna siya bago magseryoso. "Inner beauty is far more pleasing than outer beauty, nak." Aniya tsaka hinaplos ang pisngi ko. "You have your own beauty, inside and out." Dagdag niya pa.

Yown! Ang bait talaga ni mommy, honest pa. Maganda raw ako—.

"Pero mas lamang yung inside kaysa sa outside." Sinabayan niya yon ng pagtawa.

Okay, binabawi ko na.

"Anong oras nga pala ang start ng party?" Pag-iiba niya sa usapan.

"Alas sais po."

Tumango siya. "Alas sais pa naman— Ano?! Alas sais?" Nabibiglang tanong niya.

"Opo."

Hinampas niya ang braso ko. "Mag aalas otso na! Bakit hindi mo sinabi kaagad?" Nag-aalalang tanong niya.

Pa'no ko po sasabihin, hindi naman po kayo nagtanong. Tsaka hindi ko naman napansin ang oras dahil tinatamad ako.

Hindi ako sumagot sa kaniya. Ngumiti lang ako ng pilit.

"Isuot mo na yung mga sapatos mo, ihahatid na kita, jusko bata ka! Late ka na, baka hindi ka papasukin do'n!" Natataranta na siya. Parang siya pa ang kinakabahan eh.

"Naisuot ko na po kanina pa ang mga sapatos ko. ‘Wag niyo na po akong ihantid, magbibike na lang po ako."

"Anong magbibike?!" Napalakas ang boses niya kaya napatras ako. "Nakagown ka tapos magbibike?! Anak alam kong matalino ka, gamitin mo naman ngayon! Hay sus ginoo!" Napapasapo pa siya sa noo niya.

Bakit hindi pwedeng magbike? Ang lapit-lapit lang naman nun. Tsaka isa pa nakajogging pants ako ngayon. Pandoble lang. Pwede ko naman itaas habang nagmamaneho ako.

"Tara na nga! Late ka na!" Hinila na na naman ako ni mommy palabas ng kwarto.

Nagmamadali kaming bumama, halos mahulog pa 'kong sa hagdan dahil natatapakan ko ang tela ng suot ko.

Unexpected Classmates in Twenty Third SectionWhere stories live. Discover now